"Ugh! Baliw!" Di mapakaniwalang sigaw ni Riana at inirapan si Ayumi. Nakita naman iyon ni Hiro kaya agad ngumiti ng napakatamis ang dalaga sa binata, wala eh crush ni Riana si Hiro since freshmen.. ano to? Siya si Nam at si Hiro ang Shawn? Heh. Umubo si Hiro at linigpit ang selpon niya. "Uhm Ayumi and uh.. Riana?"Mahinang tawag ni Hiro pero parang musika ang tinig na iyon para kay Riana.


Pinipigilan ni Riana ang mapatili dis-oras. Pero di niya alam nakikita ni Ayumi ang pinaggagawa niya. Talande nito! Sigaw ni Ayumi sa isip at umayos ng upo. Nagfade-away tuloy ang mga iniimagine ko kanina! Ayun na eh! Naimagine ko na ang itsura ng TH! Kaines!


"Oh bakit?" Mataray na sabi ni Ayumi at napa-atras naman si Hiro. Duwag! Haha.. "Uh.. bakit pala kayo nag-away?" Nauutal na tanong ni Hiro at di mapigilang mapangiwi si Ayumi. "Tanga ka ba o bobo? Diba nasa eksena ka nang nag-away kami? Nasa harap ka pa nga eh! Bobo! Alam mo? Kanina pa ko naiinis sayo ah!"


Napa-atras naman si Hiro. "B-bakit?"


"Eh kasi nagseselos ako sainyo!"


"Ano?!"


"Este naiinis ako sayo!" Bawi agad ni Ayumi sa una niyang sinabi. Hamburger! Nasabi ko ba talaga yun?! Buti nalang at uto-uto si Hiro at takot ito sakanya. "B-bakit ka naman maiinis sakin?"


"Eh kasi di mo sinasabi kung asan ang Tantei!" Sigaw ni Ayumi.


"At bakit ka naman sumigaw? Ha?!"


"Ewan ko nga sainyo! Alis na ko!" Sigaw ni Riana at tumakbo palabas. Mga isang minuto silang tahimik at nang nadigest na ni Hiro ang lahat. Nanlaki ang mata niya. "Hoy! Riana! Hindi pa ala-sais!"


Napangisi si Ayumi nang makita niya ang horrible expression nito. "Ikaw naman, panic kagad? Relax ka na nga lang!" Tiningnan siya ng masama nito. "Umalis ka nalang!"


"Ayoko." Matigas na sabi ni Ayumi.


"Bahala ka, tigas ng ulo mo."


Kroo kroo


Ala-sais na at nagmamatigas parin si Ayumi. Hindi ito umuuwi kahit ilang beses na siyang pinapa-alis nito. Kahit naman na hindi niya kaya ang katahimikan ay tinitiis niya. Kailangan niyang maging parehas kay Akemi ng G7 na matagal nagtiis.. Kadaminuto ay palaging tinitingnan ni Hiro si Ayumi nang palihim. At di mapigilan ng binata na mapangiti. Naka-indian seat kasi ito at nakatingin sa baba at pinipigilan'g makapikit. "Cute.." Hiro whispered at nanlaki ang mata niya sa biglang pagsabi nito.


"Wala akong sinabing ganun, wala.." Sabi niya at binalik ang pagbabasa pero nadidistract siya. Huminga siya ng malalim tsaka napapikit. "Kaya mo yan Hiro, titingnan mo lang naman eh." Sabi sa sarili habang nakapikit, huminga ulit siya ng malalim tsaka tiningnan si Ayumi. Di mapigilang mapangiti ang binata. Nakatulog na ito, at nakahiga pa.


Tumayo siya at napagbuntong-hininga. "Hay Sailor Moon." Sabi nito habang tinitingnan mulo ulo hangang paa si Ayumi. Inaamin niya sa sarili niya na napakaganda ng dalaga, wag mo lang pansinin ang ugali. At nakakadagdag pa ng pagkaganda at pagkakyot nito pagnagcocosplay ito. ''Adik.." Napatawa siya nang maalala niya ang pagka-adik nito sa Tantei High na isinulat ni purpleyhan na paborito rin niyang manunulat. Kinuha niya ang papel na nasa ibabaw ng mesa at linukot ito tsaka tinapon kay Ayumi na natutulog, saktong sa mata pa.


"Aray!" Sigaw ni Ayumi at napaupo. Tiningnan naman niya ng masama si Hiro at hinimashimas ang mata. "Arte nito! Papel lang yun no!" Sabi ng binata.


"Kahit na!"


Tumayo si Ayumi at pinagpag ang damit tsaka kinuha ang gamit. "Alis na ko! Wala naman ako mapapala sa paghihintay, bwisit lang."


Ngumisi si Hiro at napatawa sa isip. Totoong natatakot siya sakanya pero minsan hindi dahil sa kakyutan ng dalaga. "Talaga? Sige babay!" Natatawang sabi ni Hiro at di mapigilang mapapadyak sa inis si Ayumi.


She gritted her teeth while looking at Hiro. "Sabihin mo na kasi sakin kung asan ang Tantei!"


Nakita niya kung pano tumaas ang sulok ng labi ng binata. At mas lalong dumagdag ang inis nito. Bwisit! Asan ba kasi si Miss Michiko nang magkaalaman na kung hangang san ang lakas nito! Kung alam ko lang kung asan si Miss Michiko, hihiramin ko talaga ang mga weapon nun! Bwisit tong Madrigal na to! Natigil ang pag-aalburuto niya sa isipan nang makita niya ang seryosong mukha ni Hiro.


"Sige sasabihin ko na sayo kung asan ang Tantei High.." Seryosong sabi nito at napatigil siya sa pag-alis. Nanatiling siyang nakatayo at nakatalikod kay Hiro. Nakaramdam siya ng tension kaya hinanda niya ang sarili. "Pero bago ko sabihin yun.. basahin mo muna ang chapter one at malalaman mo kung san galing si Rainie o Akemi.."


Nanlaki ang mata ni Ayumi. "Oo nga! Sa St. Joseph Academy!" Sigaw niya at tumakbo papunta kay Hiro at dinambahan ng yakap, tsaka hinalikan ito sa pisngi at tumakbo papaalis. Makikita ko narin ang Tantei High! Sa tulong ng St. Joseph Academy at kay Mr. Salas!


Nang makaalis na si Ayumi ay naiwan naman'g tulala si Hiro na nakatingin sa pinto at nakahawak ang isang kamay sa kaliwang pisngi kung san hinalikan ni Ayumi. Nakatulalang sinabi niya magisa ang katagang.. "J-joke lang yun Ayumi.."


**


Nahihiya ako sainyo at kay miss purpleyhan, ang dami kong fail sa first chapter. Hehe,pero thank you sa pagcorrect sakin! :) Btw, I'm a Kpop fan and nanonood ako ng mga anime so.. wala akong pinaghuhugutan kanina >:)


Finding Tantei HighWhere stories live. Discover now