Chapter 10

1.7K 69 12
                                    


BABYSITTING DAKOTA
CHAPTER - 10
First time.

"Pwede bang bitawan mo na yang talong? Kung hindi mo bibilhin, wag mo pigain!"

Tila ba umuusok sa inis ang ilong ng ale sabay ikot ng mga mata nito kay Asha.

"Kung hindi ko yan pipigain, paano ko malalaman kung maganda ba yang paninda mo?" Kaagad na gagad ni Asha. Aba hindi siya papayag sa inaasal nitong tindera.

"Excuse me?! Maganda ang mga paninda ko!" Iwinaswas niya ang kamay sa mga panindang nakahilera. "Magaganda yan katulad ko!"

Napasibangot naman si Asha sa sinabi ng tindera. Anong ganda ang pinagsasabi nito? Mas maganda pa nga siguro ang gulay niyang paninda kesa sa kanya.

"Ganda ka niyan? Echusera. Iyo na yang talong mo! Happy selling!"

Kaagad na hinila ni Asha si Tina na natatawa lamang sa kanyang tabi habang bitbit ang iba nilang pinamili.

"Wow. Palaban gorl!" Itinaas pa ni Tina ang isang kamao.

"Ay nako, ganoon dapat! Bibilhin ko pa sana yung talong niya." Ngumuso si Asha. Maganda naman kasi talaga ang mga paninda ng nakasagutan niyang tindera. Kung hindi lang sana siya nito sinungitan, aba sana eh sumangayon pa siya sa sinabi nitong kasing ganda nito ang mga paninda.

"Inggit lang 'yon, ano ka ba." Sulsol pa ni Tina na medyo nahuli dahil kinawayan pa ang crush nitong tindero. "Alam mo kasi 'yang itsura mo eh pangporiner! Hindi bagay dito."

"Well, salamat sa tatay ko na binigyan lang ng lahi ang nanay ko pero iniwan din kami." Naalala niya tuloy ang tatay niyang hindi na sila binalikan pa.

"Speaking of poriner, Asha. Gwapo din itong bagong bisita natin, ano?" Kinikilig na banggit pa ni Tina sa bisita nila. "Alam mo type ko yan eh. Yung silent type, matangkad tapos—"

"Tumigil ka nga sa kaharutan mo, Tina. Alam mo namang kasama—"

Naputol naman sa pagsasalita si Asha ng may tumikhim sa kanilang likod. "Ako ba pinaguusapan niyo?"

Kaagad namang napaharap si Asha at Tina at mga nangingiti at akala mo ay inosente.

Para bang naninigas ang pisngi ni Asha sa pilit na ngiti. "Uy hindi ah. Ano yang dala mo? Bakit may dala-dala kang sitaw?"

Nagkamot ng ulo ang binata. "What's sitaw? What is this?"

Napailing na lamang si Asha. Sa isip niya'y napakakawawa naman ng nilalang na ito. Kung sabagay, kung titignan mo ito ngayon ay mukha siyang taong naliligaw sa palengke. Hindi ito bagay dito bagkus ay sa supermarket. Siguro nga ay totoo ang sinasabi nitong magkapatid sila ni Dakota. Parehong-pareho silang dalawa.

Sumama si Asha kay Tina para mamalengke para sandali man lang ay makalanghap siya ng hangin sa labas. Pakiramdam niya kasi ay parang napakaliit ng bahay para sa kanilang dalawa ni Dakota kahit pa na literal na napakalaki ng bahay. Isa pa, kahit saang sulok ng bahay ay nakikita niya ito. Kung sabagay, wala naman siyang reklamo ito naman ang may-ari ng bahay. Pero kakaiba na kasi ang kinikilos ni Dakota na hindi niya maintindihan kaya siguro ay mabuti pang iwas-iwasan niya ito.

Hindi niya naman din inaasahan na sasama ang bisita nila. Ani ni Devlin, gusto niyang sumama at makita ang palengke. Hindi pa raw kasi ito nakakapasok ng palengke kung kaya't pumayag na din si Asha. Besides, pwede nila itong gawing tagabitbit.

CBS#3: Babysitting DakotaWhere stories live. Discover now