Chapter 9

1.8K 83 6
                                    


BABYSITTING DAKOTA
C H A P T E R - 9
Selfish.

Matagal na yata akong nakanganga sa harapan niya na para bang engot. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit, ano at paano at nagulantang na lang ako sa rebelasyon niya! Bakit ba hilig ng mga tao ngayon ang manggulat?

"Wehhh?" Sa dami ng matinong sagot, tanging 'yan na lamang ang lumabas sa bibig ko.

Bahagya siyang natawa ng mahina na ikinakunot naman ng noo ko. "Hindi ka ba naniniwala?"

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. "Alam mo magaling kayong magbiro sir, ano po?" Iniwas ko ang tingin sa kanya at tumawa-tawa na parang hibang.

Kapag kuwan ay napalitan ng pagkaseryoso ang kanyang mukha. "I'm telling the truth."

Napatigil ako sa katangahan at this time eh nakaramdam na ako ng inis. Bakit ba nagsisinungaling silang dalawang magina? Halos isang taon na mula ng i-anunsyo nilang kamaganak sila ni Dakota, na alam naman naming lahat na isang kalokohan dahil wala na itong natitirang kamaganak. Ang dalawang anak lang ng magasawang Villazarco ang nabuhay sa aksidente. Tapos ito? Itong lalakeng ito, sasabihin niya na stepbrother siya ni Dakota? Ito yata ang tunay na nahihibang.

"Pwede ba sir, huwag niyo na 'ho akong lokohin. Hindi po ako naniniwala at isa pa, binabawi ko na ang sinabi ko. Hindi po kayo magaling magbiro." Naningkit ang mga mata ko habang nakatingala sa kanya. Bakit ba kasi ang tangkad nito?

Pero mas matangkad naman si Dakota.

Ayan na naman siya sa pagkukumpara kung kaya't inayos niya ang sarili sa harapan ng lalake. "Hindi kita niloloko—"

Naputol ang sasabihin niya ng lalake ng biglang magbukas ang pinto ng kwarto ni Dakota na nasa harapan lamang nilang dalawa.

Kaagad namang nabaling ang mga mata niya rito. Lumabas itong nakahubad baro at nakasweatpants lamang at agad ding lumanding ang mga mata nito sa kanya pagkatapos ay sa kausap niya kaninang si Devlin.

"What're you doing here, Asha? It's late." Siya ba ang tinatanong ni Dakota? Eh bakit kay Sir Devlin ito nakatitig?

"Ah—eh, kasi sana ano— ano siya..." Dinuro niya ang kaninang kausap.

Hindi niya na masambit pa ang sasabihin at nagkandagulo-gulo na ang mga salita sa kanyang utak ng makita ang dalawa na sa kanya na nakatitig.

"Come here—" Hinigit siya ni Dakota.

Ngunit siya rin ang paghigit ni Devlin sa isa niyang kamay kung kaya't natigilan si Dakota.

"She's coming with me." Ani ni Devlin na mahigpit ding nakahawak sa kanyang kamay.

Ano bang ginagawa nilang dalawa?

Pabaling-baling naman ang mga mata ko sa kanilang dalawa. Hindi malaman kung ano ba ang problema at hinihigit nila akong dalawa. Hello? Hindi ito tug of war!

"Pwede bang bitawan niyo—" Hindi siya pinatapos ni Dakota ng sagutin nito si Devlin.

"Who are you to say that she's coming with you?" Napapikit siya sa higpit ng hawak ni Dakota.

Aray ko po! Para bang mababalian pa yata siya ng buto sa daliri. Bakit ba pinaghihihila siya ng mga ito? Mga hindi na ito naawa sa liit niya kumpara sa dalawang lalake!

CBS#3: Babysitting DakotaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon