Chapter 3

3.9K 134 10
                                    

BABYSITTING DAKOTA
C H A P T E R - 3
Meeting Dakota.



"Sino yan?"

Nalipat ang tingin sa akin ng Mayordoma. "Bagong katulong." Ani nito ng nakangiti ng sagutin ang nagtanong na tinawag nitong Dakota.

Hala si Sir!


Inihanda ko rin ang ngiti sa aking labi para bumati. Ngunit sa aking pagharap ay nahigit ko ang hininga, nabura ang ngiti ko at umawang ang aking labi ng makaharap ko ang lalaking may kalayuan ang distansiya sa akin.

Tao ba talaga ito?



Moreno ang kutis nito. Matangkad at may katamtamang maskuladong katawan. Nagmamayabang ang panga nitong perpekto maging ang ilong nitong matangos, Napakaganda ng mga mata at mahaba ang pilik, manipis ang mga labi at mamula-mula. Nakapamulsa ito suot and isang gray na sweat pants at isang t-shirt na hapit sa kapawan nito. Ganito lamang ang porma ngunit pakiramdam niya may nagkikislapan sa paligid na para bang isa itong modelong lumabas sa isang magasin.


"Asha?" Tawag pansin sa kanya ng Mayordoma.

Ilang beses akong napakurap at kaagad ay isinara ko ang bibig ng kalabitin ni Manang. Matagal na pala siyang nakanganga doon na parang engot. Nakakahiya! Unang araw niya pa naman at may ginawa na agad siyang katangahan, at sa harap pa mismo ng amo niya! Gusto niyang batukan ang sarili sa inis.


"Uh—Uhm... Uh..—" Nagkalambod-lambod ang dila ko. Umayos ka nga Asha! Natigil ako at umayos ng tayo ng makitang matiim itong nakatingin sa akin at tumaas ang isang kilay ng lalaki. "Uhm, Sasha po sir. Bagong katulong niyo po." Yumukod siya. "Magandang umaga po." Muli pa siyang yumukod.


Narinig niya ang mahinang tawa ng matanda sa kayang likuran. Nginitian niya naman ng may pagaalinlangan ang lalaking kaharap kaya halos mukhang nakangiwi na iyon. Bakit ba kasi ganito ito makatitig? Ganon ba siya kamukhang tanga? O baka may muta pa siya? Naligo naman siya ah.



Bigla ay lumapit ang lalaki. "Goodmorning too."



Iyon lamang ang sinabi nito pagkatapos ay iniwan sila nitong nakatayo doon at dumiretso ito at tinahak ang kusina. Totoo ngang tipid lang magsalita ang isang iyon, pero aba! May pagkamasungit nga. Hindi uubra sa akin ang ganoon.


Hinarap niya ang mayordoma. "Ngayong araw na ako magsisimula, hindi po ba?"


Tumango ang matanda. "Oo, iha. Halika't samahan mo na ako sa kusina. Ipaghahanda na natin siya ng umagahan."


Sumunod si Sasha. Iniisip niya pa din ang ugaling ipinakita nito kanina, paano kung pahirapan siya nito? Nako. Hindi talaga uubra ang kagwapuhan nito no. Nandito siya para magtrabaho, sa isiping iyon ay bigla niyang naalala ang nanay niyang ibinenta ang nagiisa na lamang nilang kalabaw dahil sa kawalan ng pera. Matagal-tagal na din kasi siyang nabakante at naghahanap ng trabaho, pero puro pagpapaasa lang ang inabot niya. Naubos na halos ang inipon niya sa kakapamasahe pakadto at pakare para magapply pero 'ni isa ay wala namang tumawag sa kanya. Mabuti na lang at nagpunta talaga siya sa agency ni Madam Laila.


"Dalhin mo ito doon sa mesa at saka ka bumalik ulit rito. Tanungin mo na rin siya kung lemon ba o orange ang gusto niyang juice." Tinanggap ko ang inaabot ng mayordomang si Manang Elena na isang pinggang sunny side-up na itlog at saka tumango.



Nang dalhin ko iyon sa hapag ay napatingin sa akin si Sir Dakota. Nakakailang pero siguro ay ganito lamang talaga siya mga taong bago niya lang nakita. Tumikhim muna ako bago ko siya simulang tanungin.



"Sir, Ano raw pong juice ang gusto niyo—"


"Lemon." Maigsi at mabilis nitong sagot at putol sa sasabihin niya na ikinaigtas ng kanyang kilay. Aba, hindi pa ako tapos magsalita ah.




Pero pagkuwan ay ngumiti siya ng pilit. "Sige sir." Tumango-tango siya. "Lemon." Lalong lumapad ang peke niyang ngiti.




Nagsisimula pa lang ang araw pero parang alam niya na ang mangyayari sa buong panahon na magtatrabaho siya dito. Aba, huhulmahin at sinisigurado niya talagang hahasain niya ang ugali ng isang ito. Ngayon pa lamang na nakakairita na ito kung umasta, porke gwapo? Nako. Isang matabang no way.



Nang tumalikod ay sumimangot siya. Pakiramdam niya ay nangalay ang kanyang panga sa pagngiti niyang iyon, pagkatapos mabibigat ang hakbang na binalikan niya sa kusina si Manang Elena.



"Oh, bakit nakabusangot ka riyan? Anong sabi ni Dakota?"

Sinungitan niya lang naman ako.

"Lemon raw 'ho." Magalang kong sagot. Pinagmasdan ko siya habang pinipiga niya ang prutas, dahil gusto daw ni Sir na galing mismo sa prutas ang magiging juice nito. Bigla ay naisipan kong magtanong. "Siguro, ganon kayo kaclose po ano? Kasi Dakota lang ang tawag niyo sa kanya."




Napangiti ang matanda ng matapos isalin nito ang juice sa baso at nilagyan iyon ng tubig at honey. "Ako na ang nagalaga siya kanya mula noong mga bata pa sila, kaya siguro ganoon."




Tumango naman ako. Siguro nga itinuturing na ding ina ni Sir si Manang Elena at anak naman siya para dito. Ganoon na kalalim ang pagsasama nila para ituring nilang ganoon ang isa't-isa, at mukhang madami na ring nagawa si Manang Elena para sa pamilyang ito. "E bakit hindi na lang kayo ang magalaga sa kanya? Bat nandito pa ako?" Humirit pa ulit ako ng tanong.




Natigil ito sa paghahalo ng juice at pagkuwan ay hinarap ako ng nakangiti. "Hindi ko alam, iha. Hindi ko alam ang nais ni Sir Daylan. Ang alam ko lang, nandito ka para kay Dakota."




Tumango naman ako muli at pinigilan na ang bibig kong bumuka na naman para magtanong. Kinuha ko na lamang ang juice at kanin saka sinabayan si Manang na dala-dala ang dalawang malaking mangkok na may lamang dalawang putahe ng ulam. Inilapag namin iyon sa hapag.


"Kumain ka na, iho." Ani ni Manang. "At saka nga pala, nakahanda na ang mga gamit ko."



Bigla ay may pagtataka kong tinignan si Manang. Anong nakahanda na ang gamit niya? Aalis siya? Saan naman siya pupunta? Nabaling naman ang atensyon ko kay Sir Dakota ng matigil ito sa pagkuha ng kanin at napatingin kay Manang.



"Why is it so soon?" Tanong nito. Bakas sa boses ang pagkalungkot habang nakatingin sa matanda.



Lumapit si Manang at masuyong hinaplos ang buhok ng binata. "Babalik na ako ng bukidnon, Dakota. Oras na para samahan ko ang aking pamilya." Nakangiti nitong sabi. "Tutal, nandito naman na si Asha."
Nabaling sa akin ang mata ni Sir Dakota pero hindi ako nagpatinag at tinitigan ko rin siya. "Siya na ang bahala sa iyo."




Ilang segundo pa ang lumipas pero hindi pa rin natinag ang mga mata nito at nakatingin pa rin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa lalaking ito, may kakaiba sa titig niya. Nakakapanuot iyon.



Iniwan ko muna ang dalawa nang na mag-usap nang sabihan ako ni Manang na kumaina na muna sa kusina at may mahalaga lang silang paguusapan. Kaagad naman akong tumalima dahil gusto ko na talagang umexit doon at mawala sa paningin ni Sir. Hindi ko makayanan ang titig niya.



Saktong pagkatapos kong kumain ay may pumasok na isang kasambahay din at sinabing tapos na raw kumain sina Sir kaya't pwede ko na raw linisin ang mesa. Alam ko na rin naman na ang mga dapat gawin at alam ko na rin kung nasan ang mga dapat gamitin dahil sinabi na sakin iyon lahat ni Manang Elena. Pagkatapos kong hugasan at iligpit ang pinagkainan nila ay pumunta muna ako ng maid's quarter para ayusin ang mga gamit ko.




Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nagtutupi ng damit. Nagising na lamang ako ng may yumugyog sa aking balikat. At agad akong napabalikwas at nabuhusan ng malamig na tubig ng makita si Sir Dakota na nakaupo sa kama at walang bahid ng emosyon ang mukha.




"I'm starving."










***

ImperfectPiece


CBS#3: Babysitting DakotaWhere stories live. Discover now