Chapter 7

3.7K 132 49
                                    



BABYSITTING DAKOTA
C H A P T E R - 7
Focus.




"Hoy!"



Patuloy na kinuskos ni Asha ang basahang nilalabhan. "Hoy Asha! Parang mapupunit na yata yang tela. Grabe ka magkuskos 'teh!" Namewang si Tina. "At saka, bakit ka ba nandito? Hindi mo naman din yan gawain ah."


Tila naman para bang bingi lang si Asha sa sinasabi sa kanya ng kaibigan. Para bang nalutang na ang lahat sa kanya at walang ni kusing na pumapasok sa kanyang utak. Paano ba naman kasi hinalikan lang naman siya ni— ni Ano...

"Ugh!" Biglang ay pabalibag niyang binaba ang kinukusutan. Tila naman nagulat si Tina sa ginawa niya kung kaya't nakalabit nito ang kanyang balikat. Nandito siya sa laundry room para makasagap ng kapayapaan, pero hindi niya siguro makukuha iyon.


"Hoy, jusko naman. Ano bang nangyayari sayo? Kulang ka yata sa kain at parang napasukan na ng hangin iyang tuktok mo, Asha."

Nanggagalaiti niyang hinarap si Tina. "Alam mo yang amo natin? Nakuuuuu!" Pumadyak siya kung kaya't nagtilamsikan ng tubig si Tina. " Naku, Tina. May malubha siguro yang karamdaman sa utak!"


Nanlalaki naman ang mata ng huli sa narinig. Nilapitan siya nito at kinurot sa braso. "Huy! Hinay-hinay ka nga sa mga sinasabi mo at baka masesante tayo ng wala sa oras!" Pabulong nitong sita. Bigla ay napalitan naman ng kuryusidad ang mukya nito. "Ano bang pinanggagalaiti mo riyan? Ano bang nangyari?"

Mas lalong inilapit ni Asha ang sarili sa kaibigan na para bang may sasabihin siyang walang sinoman ang pwedeng makarinig. "Hinalikan niya ako!"


Napapalatak naman si Tina. Tinignan siya nito na para bang tinakasan na siya ng tino. "Akala ko naman kung ano yang sasabihin mo! Wag ka ngang nagbibiro ng ganyan at baka-"

Nangunot ang noo ni Asha. Hindi ito naniniwala sa kanya! "Totoo ang sinasabi ko, Tina."

Tumigil naman si Tina. "Hindi ka nagbibiro?" Nanlalaki ang mga mata nito.

Sinagot lamang ito ng tango ni Asha. "Wala kang pagsasabihan na iba. Naiintindihan mo? Sa ating dala lang ito."

"Eh baka may lasing siya ng magawa niya 'yon!" Mahinang bulong ni Tina na para bang hindi pa sigurado sa sinabi. "Oo nga, baka lasing lang 'yo—" Tumango-tango pa ito ngunit naputol ang sasabihin ng siya naman ang paluin ni Asha sa balikat.

"Nasisigurado kong hindi siya lasing, Tina. Alam ko, alam ko!"

Nagkamali siguro siya ng kwento kay Tina. Baka sa laki ng bibig nito ay wala pang kalahati ng araw ay malaman na ng buong bahay ang nangyari. Pero ito lang ang mapapagkatiwalaan niya sa mga kasamahan, hindi naman na rin niya kaya pang itago ng magisa iyon. Para siyang tatakasan ng hininga!

"Masarap ba?"

Nabigla siya ng nakangisi siya niyong tinanong. Napailing siya, "Ikaw yata itong—"

"What are you guys talking about?"

Napaigtad silang dalawa ni Tina ng bigla ay marinig nila ang boses ng kanilang amo.

"Diyosmiyomarimar!" Humarap si Tina sa among dumating. "Sir! Nagulat naman ako sa inyo. Si Asha nagkukwento lang naman na hinali—" Kaagad namang itinakip ni Asha ang kamay sa bibig ni Tina. Nako!



Nanlalaki ang mata niya sa kaba. "Tina diba, magdidilig ka pa sa garden? Sige na, okay na ako dito." Binigyan niya ito ng pekeng ngii at saka marahan itong tinulak.


CBS#3: Babysitting DakotaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon