CHAPTER 10

31.7K 1.3K 541
                                    


"Taray! Ariana Grande is in the house!" Gelo shouted after looking at my hairstyle, Christmas party na namin at naka royal blue na dress lang ako at kaunting make-up.

"Simulan na ang games!" Our adviser shouted and panay ang tawanan lang namin at hiyawan dahil sa mga palaro.

"Tangina ka Yulo! Dang bobo ka!" Jem shouted and napa-iling nalang ako sa mga salitang sinisigaw nila.

Nang matapos ang pagkuha namin ng mga picture ng isa't isa ay naglabasan na kami at nanlaki ang mata ko nang makita si Hollace na nakahoodie at track pants lang.

"Wala ba kayong Christmas party?"

"My family doesn't celebrate Christmas."

"Oh Iglesia pala kayo o ibang religion?"

"Nah, we're Christian but there's just something happened at December 25 that made them hate it." Then I realized that December 25 is my birthday. "May pupuntahan ba kayo? Mga kaklase mo?"

He looked at my classmates waiting for me dahil nagkayayaan kaming gumala sa SM Cabsy.

"Cabsy." He nod and placed his key inside his pocket.

"Pwede ba akong sumama?" Tumango ako at sumabay na kami sa paglalakad ng mga kaklase ko at mga tawanan sila ng tawanan minsan ay nasasama pa sa asaran si Hollace eh syempre palaasar din 'to kaya hindi nagpapatalo.

Sa jeep kami sumakay at thirty minutes pataas pa ang byahe at napansin kong parang nahihilo si Hollace.

"Hindi ka ba sanay sumakay sa jeep ng matagal?" Umiling siya at sinandal sa balikat ko ang kanyang ulo.

"Nahihilo ako." He said and closed his eyes and interwined our hands making my eyes widened.

"Gusto mo ba lumipat tayo sa bus?" Umiling siya dahil iniwan namin ang kotse niya sa school at hilong-hilo na ata siya.

Nang makababa kami sa SM ay kitang-kita kong namumutla na siya ngunit nakahawak pa 'rin siya sa bewang ko habang naglalakad kami. He's massaging his forehead while walking.

"Tara muna sa SB?" Tumango siya at nagpaalam muna ako sa mga kaklase ko dahil titingin daw muna sila ng mga damit.

Sabay kaming um-order ni Hollace at as expected siya na naman ang nagbayad at nang maka-upo kami sa sofa ay agad siyang sumandal at hinilot ang kanyang noo.

I took my phone and kinuhanan siya sa video na nakapikit at hinihilot ang kanyang noo. I posted it in my story saying 'Hilo ka ghorl?'

"Gusto mo ba ng gamot?" Umiling siya at uminom sa coffee niya habang ako ay frappe naman ang sa akin. "Sure ka?"

"Malapit na birthday mo." He said changing the topic. "What are your plans?"

"Pupunta kaming apat ng Boracay to celebrate Christmas and my day." I said as I take a sip at my frappe.

"Sama ako?"

"Go lang." Sabi ko at tiningnan ang phone ko dahil nagtext sila Jem na nasa samgyupsal sila. "Okay ka na ba?"

"Medyo." Naglakad na kami palabas at naghagdan nalang kami dahil baka lalo pa siyang mahilo eh sa fourth floor pa punta namin.

"Gutom na ako dalian mo." Nang makarating kami sa mga kaklase ko ay na-upo kami sa table kung asaan sila Jem at Gelo na naghahanap ng mga gwapo sa labas.

"Gusto niyo magsine? I heard a good review about the current movie!" Jem said and showed us the movie through her phone.

"Oh maganda yan!" My other classmate said kaya napagka-sunduan namin na panuorin 'yon.

Moonlight From AboveWhere stories live. Discover now