Matalino din naman kami, hindi lang kami marunong makipag debate. At mas lalong hindi si Ianthe magaling dyan dahil sa sobrang pikon ng babaeng iyon.





Speaking of Jeremiah. Siya lang ang taong nakatiis sa ugali ng pinsan ko. Infairness sa kanya, madami siyang baon na pasensya.




Napatingin ako sa kasama kong busy sa pagdadrive. Wala naman siguro masama kung pipikit lang ako saglit.





Napagpasyahan kong umidlip na muna. Maaga akong nagising kanina kaya ganito na lang ako kaantok ngayon.


"Hey Penelope. Wake up. Nandito na tayo"




I lazily open my eyes. Agad na bumungad sakin ang nakangiting Jazmine. Napaayos agad ako ng upo. Gosh. Ang haba ng tulog ko.




"Gising na diwa mo?" she chuckled





Napaiwas ako ng tingin. Nakakahiya. Baka isipin niya napaka mantika ko kung matulog. Geez!




"Tara na Pen. Naghihintay si Ods"




I nodded.




Kinuha lang namin ang mga gamit namin sa compartment. Napatingin ako sa bahay na nasa harap namin. I guess, ito ang tutuluyan namin for 3 days. Hindi na masama. Maganda siya. Malaki.




"Hey Jazmine"




Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na 'yun.






Isang nakangiting babae ang sumalubong samin. Matangkad siya. I guess kasing tangkad niya si Juno na 5'11. Maputi din siya at masasabi kong, maganda siya. Wow.






"Ody!" nakangiting tugon ni Jaz




They hugged each other. Napangiti ako. Ang sweet nila.





"By the way Ods. May kasama pala ko." then she faced me . "Si Penelope. Classmate ko at partner ko sa Documentary." pakilala niya sakin




Agad naman humarap sakin itong si Ods daw. Napangiti pa ko ng makitang nakangiti siya sakin. Ang puti ng ngipin ha. Ano kaya toothpaste gamit nito?





"Hi Penelope. Nice to meet you. I'm Odysseus" she introduce herself






I smiled. Nakakahawa ang ngiti niya. "Penelope.. Penelope Smith"





Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagawa ko pang pagkatitigan ang maamo niyang mukha. Mula sa mapupungay niyang mga mata at mahahabang pilik mata. Matangos na ilong at mapupulang labi.





I wonder, what's the taste of her lips.






Gosh! Penelope! Ano bang pumapasok sa isip mo?! At talagang 'yun pa talaga?! Damn it!






"Ehem." Jazmine cleared her throat. "Stop na ang staring contest na 'yan. Mamaya niyo na ituloy." she smirked





Napaiwas ako ng tingin.



Gosh! Nakakahiya! Ano na lang iisipin nila? Argh!





"Oh my bad. Tara na sa loob. Para makapag pahinga na din kayo."




Tumango na lang kami ni Jaz bago sumunod kay Odysseus papasok sa loob.



Hindi ko maiwasang mapalibot ang tingin sa buong kabahayan. Ang ganda. Feeling ko bumalik ako sa nakaraan kung saan nabubuhay si Rizal dahil sa style ng bahay ni Odysseus. Ngayon lang ako nakapasok sa ganitong style ng bahay. Ayaw ko 'man aminin pero gusto kong bumalik ulit dito.




MistakeWhere stories live. Discover now