Chapter One

361K 6.8K 1.5K
                                    

Musika Mashima

"Aloha tsaka large fries... pati na rin pala shake, yung chocolate, please!"

"Grabe talaga pag si Mika na ang oorder, noh? Tiyak na yayaman kaagad ang Jollibee!"

Di ko nalang pinansin 'tong madaldal kong bestfriend at siya na ang umorder. Saan pa nga ba kami ngayon? Nasa McDo?

"Yan na ba ang lunch mo?"
Tiningnan niya ang hawak kong tray.
"Hindi," nilapag ko ito sa mesa. "Oorder nalang ako ulit pag naubos ko na 'to."

"Seryoso?!"

Sumilip ako sa mga taong napatingin sa amin. "Yang bunganga mo pag di mo tinigil, papansakan ko 'yan ng baso."
Natawa nalang si Melody habang papaupo kami.

"Joke lang. Diet ako."

"Diet ka sa lagay mong 'yan?"
Di ko na nga siya pinansin at kumain nalang. Ilang days na akong nagke-crave ng Jollibee burger eh.

"Alam mo kashe, shabi ng Jaji ko, kumain ka hangga't may fagkain..."

"Alam mo rin kasi, sabi ng Mommy ko, DON'T TALK WHEN YOUR MOUTH IS FULL!"

Para kaming mga baliw na tumatawa rito. Sobrang sarap pa ng kinakain ko, bahala kayo dyan. Hahaha!

Matapos kaming kumain ay pumara na kami ng taxi. Pupunta kasi kaming mall. Friday naman ngayon, tutal wala nang pasok bukas so free na free kaming gumala ni Melody.

Free as a bird!

"Ano kayang magandang bilhin ngayon?"
Tanong niya habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.

"Pagkain...?"
Nasapok niya naman ako.
"I'm just telling the truth, hmph!"

"Eh ikaw kasi, eh! Wag mo nga 'kong itulad sayo." Asar niya na naman.
"Ang sakit mo namang magsalita! Tao rin ako!" Napanguso nalang ako.
"Drama mo. Tara na nga!" 

Nga pala, ang nag-iisa kong bestfriend ay nag ngangalang Melody Sy. 15 years old rin at nasa Junior (third year high school) kagaya ko. Classmates kami since nung lumipat ako from Japan at siya ang una kong naging kaibigan.

Kaya nga ganito na kami ka-close. 

O diba? Melody Sy. Bagay kami. Ang pangalan ko ay Musika at sa kanya naman ay Melody. English nga lang ang sa kanya at sakin ay tagalog. Half Chinese siya at ako naman ay half Japanese.

Yun nga lang, total opposite raw kami eh. Sabi ng karamihan, kasi si Melody ay payat at mistulang Dyosa ng kagandahan; Habang ako naman ay Dyosa ng katabaan.

Ako nga pala si Musika Mashima. 15 years of existence! At ako ay ipinanganak sa Japan noong ako'y isisilang pa lamang. Malamang sa alamang. 

Tama na nga ang pagpapatawa! Seryoso na kasi. Ayun nga...

Ako ay mataba, cute, maganda, maputi, mabait, mayaman, perfect, fabulous, chic---- ay napasobra na ba? 

Pag bakasyon, nasa Japan kami ng pamilya ko. Doon kasi ang hometown namin. At kung itatanong ninyo kung paano nagkakilala ang parents ko...

Malamang, nagkita sila't nag-usap hanggang sa naging friends at dumating ang araw na sila ay nagkaroon ng feelings sa isa't-isa hanggang sa naging sila at nagpakasal, ginawa nila ang Kuya kong si Masaru na ang ibig-sabihin sa Japanese ay "victory".

Ewan ko kung paano nila naisip 'yon sapagkat ang Kuya ko naman ay adik na adik sa DOTA at doon lang nakakamit ang ibig-sabihin ng pangalan niyang TAGUMPAY. 

(Ine-endorse ko po ang Tanduay. JOKE HAHAHA! Drink your water, kids!)

Hindi niya ginamit sa pag-aaral, kaya nga tatlong beses na siyang pabalik-balik ng College. 

Anyway, pumasok kami sa isang boutique. 

"Hey, look! Mika, ang cute!"
Itinapat niya sakin ang isang dress na floral ang design.
"Wag ka ngang magsusuot ng above the knee na dress!" 
"Anong gusto mong suotin ko? Gown? Long gown?" At dumiretso siya sa counter at kaagad na binili 'yon. Tsk tsk.

Kung payat lang talaga ako nako, sinasabi ko sa inyo! Lahat ng magaganda't magagarang damit sa lahat ng mall na mapupuntahan ko ay bibilhin ko kaagad! Pasalamat sila. Hmph!

"Ikaw, pumili ka rin."
"As if naman may kakasya..."

Bumuntong-hininga nalang ako at tumingin-tingin sa mga dress. 

"We have lots of newly arrived dresses, Ma'am." Wala na 'kong pake. Di rin naman ata kakasya sakin ang mga 'yon...

"May mga plus size po ba?"
Ops, naninigurado lang. Baka naman, diba. Baka lang naman.  

Maya-maya lang ay bumalik yung sales lady at may dalang mga damit.
"Heto po, Ma'am. Buti nalang po eh free-size ang mga 'to. Stretchable po."

Lumapad ang ngiti ko at tiningnan ang mga damit. Ano ba 'to? Di ba 'ko magmumukhang manang sa mga damit na 'to? Or magmumukhang suman? O baka naman mapagkamalan pa 'kong Nanay. Nako po!

"Kung gusto niyo po, isukat niyo po sila."
Kinuha ko naman yun lahat at tumungo sa dressing room. Kinasya ko lahat at ang iba naman ay hanggang sa isang braso ko lang naipasok. Ang hirap tanggalin, teh! Baka mapunit pa 'to tapos mahigit kumulang na mga nasa PHP 3,000 ang mga 'to. 

Strinetch ko pa sila para siguraduhing magkakasya talaga. Pero ba't ganon? Feeling ko naman  kakasya sila pero di pala...  Feeling ko lang talaga yun. Nasobrahan ba ako sa taba o sadyang kinulang lang ng tela 'tong mga damit na 'to? Nagtitipid ang kumpanya, teh?

"O ano, kasya ba lahat?" Narinig kong tanong ni Melody mula sa labas.
"Pero itong iba, hindi." 

"Papasukin mo nga ako."
Binuksan ko ang pinto at pinapasok siya. "Ano, okay lang ba?"
Pinagmasdan niya muna ako at tiningnan from head to toe.
"Pwede na.. Kaso..."
Nanlumo naman ako at tumingin sa salamin. "Dapat yung mas loose pa para di bakat yung tiyan mo."

I pouted then took the dress off. Itinabi ko iyon kasama ng mga hindi masyadong kasya sakin.
"Di ka naman masyadong mataba eh. In fact, tama nga lang ang body mo pero you need to lose some weight muna talaga noh. You know... Teen's life."

Yeah right. As if kaya ko.

"Wait," iniabot niya sakin ang dala-dala niyang damit. "here, try this."
Napili niya yung colorful na damit pero mas nag uumapaw ang color pink.
"Di ba 'ko magmumukhang clown sa damit na 'to?" She just rolled her eyes. "Turn around."

"Ano baaaa..." Mahiyain kaya ako kahit sa bestfriend ko. Almost perfect na siya eh. Nahiiya yung 3-in-1 coffee sa kanya!
"Arte. Sige na, bilis!"
Tumalikod siya at sinukat ko naman ang dress na napili niya. Medyo comfortable naman ako at feeling ko nga'y pumayat ako sa damit na 'to.

"There you go!"

Humarap siya at nanlaki ang mga mata.
"OA mo, teng." I just rolled my eyes at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin.
Pinaikot-ikot niya pa ako at pinagmasdang maigi.

"Perfect! Bagay sayo ang dark colors eh. And mas nakakaputi. Buti nalang at maputi ka, di tulad ng ibang matataba eh ang iitim naman, nagmumukhang literal na baboy." Tumawa siya.

"Ang harsh mo ha."
"What? I'm just stating my opinion. Duh."
Ewan ko sa kaibigan kong 'to. Eh di ikaw na ang pinagpala! Mga apat ang napili naming damit at kaagad na binayaran.

"Haaay! Ang hirap talagang bumili ng mga damit lalo na kapag dress na tulad ng size ko." Tumambay na muna kami sa food court at nagmeryenda.

"Kelan pa kaya 'ko papayat?" Tumawa naman si Melody. "Pag binawasan mo na ang pagkain mo at mag gym. Doon ka na papayat."

Ang tanong nga eh kelan pa?

Di ko naman ata kaya yun eh. Ang hirap kayang iwasan ang mga masasarap na pagkain at sobrang nakakapagod ang pag work out! Nakakatamad pa! Tss..

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon