PROLOGUE

425K 9.5K 1.6K
                                    

DISCLAIMER

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

No profit is being made and no infringement is intended. I claim rights to original characters and original plot points.

***

PROLOGUE

Nakakainis!

Ba't ba laging payat, sexy at maganda ang hugis ng katawan ang hinahanap ng mga lalaki ngayon?

Yung tipong proud na proud silang ipakilala sa mga tropa nilang kapwa lalaki? O ipakilala sa pamilya nila?

Yung proud silang i-post sila sa social media kasi ang ganda-ganda ng girlfriend nila.

Bakit?

Ba't di nalang 'yong tulad ko? Di baleng hindi sexy, basta maganda at higit sa lahat, mabait, diba? Diba? Aanhin niyo naman ang magaganda niyong katawan, kung hindi niyo naman ako kamukha!
De, joke lang. 

Nakakatawa lang naman kasi eh. Lagi akong tinutukso ng mga kaibigan ko't mga lalaking kaklase na mag-diet na raw ako kasi ang taba-taba ko na. Yun bang para na akong clown para sa kanila kahit wala naman akong ginagawa.

Yung nananahimik ka lang sa tabi-tabi tapos bigla kang aasarin o kukutyain para pagtawanan ng lahat.

Nakakasawa na. Simula bata pa'y ganito na ang naging buhay ko. Hindi ko na alam kung saan lulugar.

Lagi akong paborito ng mga bully...

Bawal ba sa mundo ang matatabang gaya ko? Salot ba kami sa lipunan? Hindi naman, diba? In fact, pinapayaman nga namin ang food industries!

Malaki ang tulong namin sa ekonomiya!

Aba! Kayo kaya ang tumira sa bahay naming may malaking fridge na hindi nawawalan ng pagkain? Sige nga! Tapos yung iba namang mapapayat, kain nang kain pero hindi talaga tumataba! Pano ba kayo ginawa ng Diyos, ha? Nakakaiyak ha! Ang peperpekto niyo!

Okay na sana yung lahat eh. Naniniwala pa naman kayo sa "love at first sight" diba? Oo, naramdaman ko bigla yun nung makita ko siya. Sa lahat ng mga lalaking nakita ko sa buong buhay ko, parang sa kanya talaga 'ko tinamaan. Ang daya ni Kupido! Dun pa talaga sa lalaking hinding-hindi ako mapapansin!

Alam niyo kung bakit?

Kasi tinagurian siyang Top 1 Chic boy! 

Russel, Russel, Russel...

Ang hilig mo naman sa mga magaganda at sexy na mga babae.

Pero ba't di ako kabilang dun? Maganda naman ako eh, yun talaga ang sinasabi nila. Sadyang kailangan ko lang daw magbawas ng timbang para mas lumabas ang tinatago kong anyo. Charot ha! Kailangan talagang perfect body?!

SIMPLE.

Kasi hindi nga raw ako sexy. 

Maganda nga ako, pero di naman maganda ang katawan ko. Anong point? 

PAG AKO PUMAYAT, "HU U" KA SAKIN!

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Where stories live. Discover now