Nang mabasa ko 'yon ay agad kong tinignan ang nag iisang kubo dito at nandoon nga siya.

Kumaway ako at nang mapansin ni Ate na kumakaway ako ay tinignan niya din kung saan ako nakatingin.

"Nad'yan pala siya, tara bilisan na natin Shawn. Halatang excited ka ng makaharap ang future mo," sabi ni Ate at tumatawa pa.

"Ewan ko sayo Ate," saway ko at binilisan na ang pag lakad.

Nang makarating na kami sa kubo ay medyo nagulat ako sa nakita kong laman ng maliit na lamesa. Maraming pagkain na binili si Ethan, nakakahiya tuloy kasi wala kaming dala ni Ate dahil nagnamadali siya kanina.

"Ethan, ang dami naman n'yan." nahihiyang usal ko.

"Hala! Oo nga, bakit ang dami naman ng binili mo? Nakakahiya naman," sabat ni Ate Khlea.

"Ahh.. Kasi para nang continue sa celebration ng birthday mo Khlea. Gusto ko din kasing ilibre din kayo bago ka umuwi mamaya, sabi kasi ni Rei na babalik ka na." paliwanag ni Ethan at tumango tango naman kami ni Ate.

"Ah gano'n ba? So para sa akin pala 'to, ay hindi joke lang hahaha. So sweet mo naman Ethan, mas masaya sana 'to kung wala ako parang mas okay kung kayo lang ni Rei." pang aasar ni Ate kaya siniko ko siya.

"Ate naman," saway ko.

"Bakit? Totoo naman eh! Di ba Ethan? Mas masaya kung kayo lang sana ni Rei." baling niya kay Ethan.

"Mas masaya kasi nandito ka din," sagot ni Ethan at hinawakan ang mga uupuan namin "Upo kayo dito. Nagpaalam na ako kay manong na manghihiram ako ng upuan," aya ni Ethan sa amin umupo kaya naman sumunod na kami ni Ate Khlea.

"Maraming salamat talaga dito Ethan ha!" sabi ni Ate Khlea.

"Walang anuman," nakangiti niyang sagot.

"Thankyou," bulong ko.

Ngumiti lang si Ethan sa'kin, si Ate Khlea naman ay busy tikman ang mga binili ni Ethan. Mukhang masasarap nga itong mga binili niya kaya sabik din si Ate tikman.

"Kailan ka uuwi sa inyo Ethan?" bungad na tanong ni Ate.

"Hindi ko pa alam pero uuwi ako agad," sagot niya.

"Okay.. Grabe, hindi ko talaga akalain na ikaw ang anak ng boss ko." di makapaniwalang sabi ni Ate at sabay tawa.

"Hindi ko din akalain," sambit ko.

"Ang swerte mo naman Shawn kasi kaibigan mo ang may ari ng malaking kompanya sa Rosa."

"Mas maswerte ako sa kaniya," sabi ni Ethan, yumuko naman ako at nag pigil ng ngiti, "Kasi marami akong natutunan nang makilala ko si Rei." patuloy niya.

"Ay sus sus! Kayo talagang dalawa, hindi na ako magugulat kung magkakatuloyan kayo." pang aasar na naman ni Ate.

"Tumahimik ka nga Ate, nakakahiya na." saway ko ulit sa kaniya.

"Okay, hindi na pero hindi niyo ako maloloko. Alam kong naglilihim kayo ng pagtingin sa isa't isa,"

"Hindi ah!" sabay naming sabi ni Ethan.

"Oh tignan mo sabay pa kayo, hahaha ewan ko na talaga!" natatawang sabi ni Ate Khlea sabay palingo lingo ng kaniyang ulo.

Hindi na kami umimik ni Ethan at kumuha na ng pagkain. Pagkatapos ay naglakad lakad kami sa dalampasigan, wala kaming dalang damit kaya hindi na kami maliligo.

Mahigit apat na oras din kami doon bago nagpasya na umuwi. Hindi na sumabay si Ethan sa amin sa bahay dahil didiretso na siya sa hotel.

Pagka uwi namin ay agad na nag prepare si Ate Khlea sa mga gamit niya para dadalhin pabalik sa Rosa. Si Mama naman ay nagbihis na para ihatid si Ate Khlea sa Bus station.

"Mag iingat po kayo Mama! Ate! Mamimiss kita, uwi ka din dito tuwing Sunday ah!" sabi ko at niyakap si Ate.

"Sus! Baka makakalimotan mo nga ako dahil may iba ng nakapaligid sayo. Mamimiss din kita bunso!" sabi ni Ate na may halong pang aasar.

"Ayaw mo talagang tumigil e no?" natatawang sabi ko at pinipisil pisil siya sa tagiliran.

Hindi nawala ang ngiti ko dahil sa kulitan naman ni Ate Khlea. Sobra ko talagang namiss ang Ate ko. Hindi ko naman akalain na darating pala talaga ang panahon na kailangan naming maghiwalay at harapin ang totoong mundo.

Mundo kung saan kailangan mag hirap para maka hanap ng pera. Mundo kung saan, ikaw ang tatayo sa sarili mo.

Nang maka uwi na si mama ay may binili siyang ulam para sa hapunan namin kaya agad naman kaming kumain nina mama at papa.

"Shawn, may binanggit sa akin ang Ate mo. Mukha daw kayong nagkakamabutihan na ni Ethan." wika ni mama kaya naman bigla akong nabilaukan.

"Ha? Po? Eh hindi po 'yon totoo. Nang aasar lang po si Ate Khlea."

"Okay, kung iyan ang sabi mo. Tandaan mo 'yong laging bilin ko sa inyo ng Ate mo."

"Opo mama, hindi ko po iyon kakalimotan."

Pumasok na agad ako sa kwarto matapos namin mag usap ni mama.

Sobra bang obvious?

Natulog na agad ako dahil sa pagod. Hindi naman ako dinalaw ng panaginip kaya mahimbing ang tulog ko.

Bakit kaya?

Kinaumagahan ay ordinary lang ang araw ko. Sa text naman kami nag uusap ni Ethan, minsan hindi ko na siya narereplayan dahil wala kaming mapag usapan. Sinabi niya lang sa akin na sa hotel lang siya muna ngayon dahil may aasikasohin siya about sa business nila.

Naiinis pa nga siya dahil ayaw niya iyon gawin pero magagalit naman ang mommy niya kaya wala na siyang magawa. I cheer him na lang dahil para din naman sa family niya 'yon.

Nanonood na lang ako ng cartoons kahit sobrang boring na. Umalis na naman kasi si papa kami na lang ni mama ang natira sa bahay tapos nag susulsi lang siya kaya wala akong maka usap. Dati kasi si Ate ang kausap ko kapag ganito ang araw ko.

I miss you na Ate ko.

The One That Got Away (Completed)Where stories live. Discover now