CHAPTER 21

47 1 2
                                    


ETHAN VINCE POV

Biglang tumawag si Mommy sa'kin ka gabi, papabalikin na daw ako sa Rosa dahil may kailangan akong pirmahan. Sinabi ko na din kay Rei na aalis na ako ngayon kaya sinabi niya sa akin na magkikita na lang kami sa Bus station kasi ihahatid niya ako.

Nalulungkot ako kasi apat na araw lang ang tinagal ko dito. Naisip ko na kumain muna kami ni Rei bago ako umuwi.

Minsan iniisip ko din ang panunukso ng Ate niya, napapangiti ako sa tuwing naalala ko ang mukha ni Rei nang tinutukso kami.

All I know is she's special to me.

Undefined feelings ang nararamdaman ko pero alam kong malapit na akong sumabog at masabing may nararamdaman na ako.

Ang alam ko lang kasi ay masaya ako, masaya ako sa tuwing nasa tabi ko siya.

Masaya ako kapag nakakausap ko siya.

At sa tuwing magkakalayo kami, namimiss ko siya.

I know, it's really obvious that I have something feelings for her..

Pero gusto ko lang makasigurado na mapapanindigan ko lalo na't hindi ko siya kayang saktan kapag nagkamali ako.

Nagmamadali na akong mag ayos para hindi makapag hintay ng matagal si Rei doon lalo na't ang aga niya dahil wala daw siyang magawa sa bahay nila.

I prepare already my things last night kaya dali dali na akong sumakay ng tricycle papuntang Bus station.

"Rei, kanina ka pa?" tanong ko nang makalapit na sa kaniya. Hindi ko kasi siya na text kanina kung nakarating ba talaga siya ng maaga.

Ngumiti siya sa akin nang makita ako, "Medyo, pero okay lang nalilibang naman ako sa mga batang naglalaro habang naghihintay sila sa darating na Bus." sagot niya sa'kin at luminga linga, "Baka maya maya ka pa makakasakay Ethan kasi wala pang nakakakarating na Bus papuntang Rosa. Dito na lang muna tayo sa waiting area," aya niya sa'kin sabay hawak sa kamay ko.

Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya at medyo gulat siyang tignan ito, "Pasyal muna tayo Rei, kakain muna tayo malapit dito bago ako umalis. Hindi kasi ako nakakain," pangangatuwiran ko pero totoo naman talaga hindi pa ako kumakain pero bukod 'don gusto ko din siyang makasama.

"Sigurado ka? Baka mapag iwanan ka,"

"Hindi 'yan, kaya ko pa naman maghintay kapag naiwanan na naman ako ng Bus at hindi naman ako nagmamadali. Baka pag sumakay na ako, sasakit lang tiyan ko sa byahe dahil sa gutom. Please Rei, come with me. Let's eat, my treat!" paki usap ko sa kaniya at sa wakas ay tumango naman siya sabay ngiti sa akin.

Ang ganda niya talaga lalo na pag nakangiti.

Same with her sister. Khlea is beautiful also,

"Sige, ayaw ko din naman na magutom ka." usal niya kaya binalingan ko na lang siya ng ngiting malapad abot tenga para matawa siya and yeah, I did. I made her laugh.

"Hindi ko akalin na ganiyan mukha mo pag ngumiti ng sobra, hahaha!" tawa tawa niyang sabi kaya naman natatawa na din ako sa tawa niya. Masarap pakinggan parang melody, I want to hear her laugh again.

"Saan pala tayo kakain? May alam kang kainan malapit dito?" tanong ko.

"Oo, huwag kang mag alala may alam akong kainan na masarap malapit dito."

Nang makarating na kami sa isang maliit na kainan ay nag hanap na agad kami ng mauupuan.

Nag order na kami ng pakbet at adobong manok kasi iyon daw ang masarap dito. Pagka dating ng order namin ay kumain na kami ni Rei and totoo nga na masarap ang adobong manok nila lalo na ang pakbet kahit minsan lang ako kumakain nito.

The One That Got Away (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora