CHAPTER 3

121 11 1
                                    


Seven pm in the evening nang magising ako and I realize na ang taas pala ng tinulog ko. Nag ayos muna ako ng sarili bago lumabas ng kuwarto. Nakahanda na ang hapunan namin, hindi pa din pala umuwi yung Ate ko mag iisang linggo na dahil sa trabaho niya sa ibang bayan. Pinili niya na din na mag stay doon kesa ang umuwi araw araw para daw iwas gastos sa pamasahe kaya pumayag na lang din sina mama.

"Mama, wala pa din bang balak umuwi si ate?" tanong ko.

"Hindi ko alam, wala naman s'yang sinabi kung kailan siya uuwi." sagot ni mama.

"Sana maisipan niya din na dumalaw every sunday para hindi natin siya masyadong mamimiss, nakakatampo naman si ate. Hays, sana maayos siya doon." wika ko.

"Tara na Shawn, kumain na tayo."

"Opo ma. Papa, kain na po tayo." aya ko kay papa habang nanunuod siya ng TV.

Habang kumakain kami ay biglang pumasok ulit sa isip ko si Ethan. Hindi ko pa naman binuksan yung cellphone ko at baka marami na 'yung message sa'kin. Apat na oras pa naman akong natulog.

"Mama, ang sarap ng adobo mo. Walang kupas ang sarap, siguro namimiss 'to ni ate ngayon." sabi ko.

"Ipagluluto ko ang ate mo pag uuwi siya dito. Busy siguro siya kaya hindi pa siya puweding umuwi sa atin."

"Sabagay, baka sa susunod na araw ay uuwi din 'yon." sambit ko at nagligpit na nang pinagkainan. Naghugas na din ako ng pinggan dahil gusto ko nang basahin ang message sa'kin ni Ethan. I'm worried.

Pagkatapos kong mag hugas ng pinggan ay naghilamos muna ako at nag toothbrush para diretso tulog maya maya. Pumasok na ako sa kuwarto at agad na hinanap yung cellphone ko. I opened my phone and 5 messages from Ethan. Mabuti naman at walang miss called.

Binasa ko isa isa at natatawa ako dahil akala niya ay galit ako sa kanya.

Ethan :

Rei, what your doing right now?

Hey? There's anything wrong?

Rei? Are you mad at me?

Iniiwasan mo ba ako?

Rei? I'm worried. Please talk to me.

My heart was screaming because he's acting like my boyfriend. But fudge!! He's cute!!

Rei :

Hello Ethan. I'm sorry ngayon lang ako naka pag reply kasi ngayon ko lang nabasa message mo. Nakatulog kasi ako ng apat na oras kanina. Hindi ako galit sayo okay? Bakit naman ako magagalit wala ka namang ginagawa haha. I'm fine and we're okay.

Message sent.

Nag open na ako ng facebook pagkatapos kong mag reply sa kanya and I was shocked when I saw his name in my friend request. Slap me now!! Ethan is now sending me a friend request!! fudge ang dugyot ko pa naman sa mga pictures ko. Huhuhu

Bago ko siya maisipan e accept ay nag linis muna ako ng timeline. I private my pictures and the jeje status ko noon. Then after a minutes of cleaning is I accepted his friend request to me.

Habang nag s-scroll down ako ay halos binaha na ng status ni Ethan ang newsfeed ko with his handsome photos. He's driving me insane!! I can't take my self but to zoom his pictures at admire his body figure!! I'm doing a sin right now. Hindi ko na pinagpatuloy ang ginagawa ko at nag log out na ako. Masyado akong na h-hypnotised sa maganda n'yang mukha at katawan.

Pinilit ko man na matulog ay hindi mawala sa isip ko ang mga nakita ko kanina. Pinagsisihan ko na sinuri ko pa ang mga pictures ng lalaking 'yon. That's too bad from me and I won't do it again.

Mahigit isang oras pa bago ako nakatulog ng mahimbing. I'm hoping that I will forget this tomorrow and start a new day without thinking what i'm doing this night.

"Shawn gising na, nandito na ate mo." bungad ni mama sa'kin. Ilang minuto pa bago nag sink in sa'kin ang sinabi niya na umuwi na si ate.

"Po? Ang aga naman niya umuwi?" tanong ko.

"Diba sabi mo ang tagal n'yang umuwi tapos ngayon sasabihin mo ang aga n'yang umuwi?" sarcastic na tanong ni mama.

"Hindi naman po ganoon ma. Ang ibig kong sabihin ay bakit umaga siya umuwi? 6am pa lang eh. Baka inaantok pa si ate, sana mamayang hapon na lang niya naisipan umuwi." sabi ko

"Ewan ko sayo Shawn, ang gulo mo kausap. Kagabi ay gustong gusto mong umuwi na ang ate mo tapos ngayon nanghihinayang ka," naiiritang sabi ni mama bago lumabas ng kuwarto ko.

"E kasi naman ma. Ikaw kaya yung magulo kausap hindi mo naintindihan ang ibig kong sabihin." sambit ko ng malakas, 'yung tama lang ma marinig ni mama.

Natatawa ako bago mag ayos ng higaan. Masaya ako kasi umuwi na si ate pero nakakapagtaka naman at umagang umaga siya umuwi.

Paglabas ko ng kuwarto ay sinalubong ako ng yakap ni ate. Niyakap ko din siya ng mahigpit dahil namiss ko siya ng sobra.

"Mabuti naman at naisipan mong umuwi ngayon," panimula ko nang bumitaw na kami sa yakap.

"Grabe ka Shawn! Tanong agad ang una mong ibubungad sa'kin? Akala ko pa naman ang sasabihin mo ay 'Ate namiss po kita ng sobra'. Hindi mo ba ako namiss?" natatawang tanong ni ate kaya natawa na lang din ako.

"Syempre naman namiss kita. Huwag ka ngang ganyan sa'kin Ate. Pinapatunayan mo lang talaga sa'kin na mag ina talaga kayo ni mama, ang sakit niyo sa ulo kausap." wika ko. Tawang tawa pa sila ni mama kaya mas lalo akong nainis.

'Si papa na lang talaga ang nakakaintindi sa'kin.' natatawa kong sambit sa aking isipan.

Nag kuwento si Ate sa amin kung bakit ngayon lang siya naka uwi ay dahil hindi pa siya pinayagan ng boss niya dahil may emergency kaya kailangan niya magtagal doon.

Pagkatapos namin mag kuwentuhan ay kumain na kami ng agahan. Madami kaming kinain dahil marami kasi ang binili ni Ate na pasalubong. I'm so full kaya nanatili muna akong nakatayo.

I opened my phone at may 2 message galing kay Ethan.

Ethan :

Okay.. I thought you're mad.

Hey Rei? Tulog ka na? I message you in facebook kanina. Thankyou again for accepting my friend request.

Matapos kong basahin ang message niya ay naalala ko na naman ang ginawa ko ka gabi. Hindi muna ako nag reply at nag open ako ng account ko sa facebook.

Nag message nga siya sa'kin.

Ethan Vince Villamor : Hi Rei, thank you for accepting my friend request. Bakit wala kang masyadong pictures? You private it? Gusto ko pa naman makita mga old pictures mo.

Ethan Vince Villamor : I love your second name Shawn. But still, I want to call you Rei.

Ethan Vince Villamor : Stay healthy Rei. I want to see you again.

Namumula na ang pisnge ko habang binabasa ng pa ulit ulit ang message niya. I'm blushing right now.

Rei Shawn Velasco : Your welcome! See you soon Ethan.

I sent my replied at nag log out na ako para ma replayan na naman siya sa text. Masyadong nakakapagod naman 'tong routine ni Ethan, siya lang bumubuhay sa inbox ko pati na sa messenger ko ngayon. Nakakapagod man mag reply pero at the same time nakakakilig at nakakataba ng puso.

Rei :

Yeah, I seen your message already. Your welcome!

Message sent.

Bago ko ibaba yung cellphone ko ay biglang ng pop ang message ni Ethan sa'kin. Ang bilis naman mag reply nito ngayon.

Ethan :

Can we meet now? I badly want to see you now. I miss you Rei.

Halos matumba ako matapos basahin ang reply niya. Hindi ako mapakali and my heart is screaming. Bakit ba kasi siya ganito? Ethan, you touched my heart...

The One That Got Away (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant