CHAPTER 19

39 2 0
                                    


Mahigit 11pm din kami bago natapos sa pag diriwang sa kaarawan ni Ate Khlea. Dito na din pinatulog ni papa si Ethan. Nag prisenta na ako na sa kwarto ko siya matutulog kasi malaki naman ang kwarto ko. Nangako din akong hinding hindi kami gagawa ng kahit anong bagay na makakasira sa amin.

Hindi naman ako gano'ng klaseng babae.

Kasalukuyan akong nakatotok sa cellphone ko habang tinitignan ang mga inupload na pictures ng mga pinsan ko. Si Ethan pa nga ang mga kumuha nito para lahat kami nasa pictures.

Tahimik naman na nakahiga si Ethan sa harap ko. Iniisip ko kung anong iniisip niya sa mga oras nato lalo na't 'di ko siya naka usap ng maayos kanina.

"Ethan, hindi ka pa ba matutulog?" tanong ko para naman mabasag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"I almost sleep na nang nag tanong ka kaya naman nagising ulit diwa ko. Ikaw? Matulog ka na, medyo pagod ka e." nag aalala niyang sabi sa akin kaya hilaw akong ngumiti.

"Oo, matutulog na ako. Goodnight Ethan," I sighed.

Matapos ko 'yong sabihin ay hindi na siya nagsalita pa. Pinikit ko na lang ang aking mga mata.

Naalala kong ilang araw din akong hindi nanaginip sa nakaraan.

"Rosalita ko, maraming salamat sa binigay mong regalo sa akin. Labis ko itong nagustohan. Bakit ka umalis kanina? Sa gitna nang ating pagdiriwang, hinanap ka namin ni Massimo, saan ka ba nag punta?"

Hindi agad ako nakapagsalita, bakit ngayon lang ulit ako nanaginip? Dahil nandito na si Ethan sa aming bayan?

Hindi ko din alam kung saan nag punta si Rosalita, hindi ko tuloy alam ang isasagot ko.

"Kapatid ko, may problema ba?" nag aalalang tanong ni Ate Elena.

"Wala naman po, medyo pagod lang ako." pangangatwiran ko.

"Kung ganon ay magpahinga ka na muna. Pasensya at nakaka abala ako sa pagpapahinga mo." wika niya at tumalikod na sa akin.

"Ate Elena," tawag ko at agad siyang humarap sa akin.

"Iyong sinabi niyo po sa akin na supresa ni Massimo sa inyo. Ano po iyon?" tanong ko. Naalala ko ang sinabi niya, gusto kong malaman ang supresa ni Ginoong Massimo sa kaniya.

Hindi kasi mawala sa isip ko na si Massimo sa nakaraan ay si Ethan sa kasalukuyan.

"Hindi ba't nandoon ka nang sinabi niya sa akin ang supresa niya? Katabi pa kita nang oras na 'yon Rosalita. Bakit hindi mo na maalala?" nagtataka niyang tanong kaya napatikom naman ako ng bibig dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Baka hindi ka lang makapaniwala kaya tinanong mo ulit sa akin tama ba?" tanong niya na ikina taka ko.

"Po?"

"Ako din Rosalita, hindi ako makapaniwala na ibinigay niya na sa atin ang lupang ito. Ang bayang ito ay ibinigay na sa atin ng pamilyang Villamor." nakangiting wika ni Ate Elena kaya biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.

Sabi ni mama sa akin sa kwento niya noon na binigay ng Ginoo ang lupang ito sa pinaka mamahal niyang Binibini.

Ibig sabihin na si Binibining Elena at Ginoong Massimo ang nagmamahalan ng lubos noon?

Ngunit ang sabi din ni mama ay hindi sila nagkatuloyan kasi ipina kasal sa iba si Ginoong Massimo kapalit ang pag bigay sa lupang ito. Kanino naman iyon? At hindi pa ba alam ni Ate Elena?

Dapat ko bang malaman ang lahat ng nangyari? Kaya napupunta ako dito sa nakaraan?

Ano nga ba ang totoo?

The One That Got Away (Completed)Where stories live. Discover now