CHAPTER 10

100 5 2
                                    


Napahawak ako sa aking dibdib at tumingin ng maigi kay Ethan. He's now staring at me na parang nagtataka sa naging reaksyon ko.

"Are you okay Rei?" tanong niya.

"Ah yes! I'm okay. Kumain ka na kasi baka sumakit 'yang tiyan mo." sabi ko.

"Rei Shawn! How may times I told you na sasabay nga ako kakain sa inyo mamaya?!" he mumbled.

"Isang beses pa lang at pangalawa na ngayon hehe,"

"Pilosopo ka na Rei? Huwag mo hintayin na manggigil ako sa 'yo at baka may magawa akong hindi mo magugustohan."

"I'm scared," pang aasar ko.

"What? You're getting to my nerves!" he exclaimed.

"Chill ka nga d'yan Ethan. I'm just kidding!" I uttered.

"Yes you are! At kapag naasar pa ako, hahalikan na kita d'yan. Ayaw mo naman mahalikan diba?" natatawang banta niya sa'kin. Napayuko ako, Wtf! He's saying?

"Oo n-naman, ang s-suwerte mo naman kung p-papayagan kitang h-halikan ako." utal kong sabi.

"Hindi ko din naman gustong halikan ka Rei because I respect you."

Hindi na ako nagsalita pa at ngumiti na lang kay Ethan. Ilang minuto na wala pa din sina mama.

"Nand'yan na sina Tito." usal ni Ethan.

Tumayo siya at pumunta sa direksyon nina mama. Tinulongan niya si mama sa mga dala nito at nilagay na nila sa mesa ang mga bitbit na pagkain. Masyado palang marami ang niluto namin ngayon.

"Bakit ang tagal niyo ma?" tanong ko.

"May kina usap lang kami d'yan sa tabi kanina at napasarap ang usapan." sagot ni papa.

"Gano'n po ba?! Okay po."

"Puwedi po ba kaming sumayaw ni Rei?" tanong ni Ethan.

"Nagsimula na ba?" tanong ni mama.

"Opo, puwedi po ba?"

"Oo, mag iingat kayo. Sige na, punta na kayo doon." sabi ni mama.

"Salamat po Tita," usal ni Ethan kaya napangiti naman ako.

Ako dapat mag papaalam kay mama na sasayaw na kami pero siya pala 'tong unang magpapaalam.

"Ethan.."

"Yes?"

"Thankyou.." usal ko.

"Para saan?" tanong niya.

"Gusto ko lang mag thankyou 'yun lang. Segi na tara na, punta na tayo sa gitna." sabi ko sabay hila sa kanya.

Sumayaw kami sa gitna ni Ethan kasabay ng magandang tugtog, puno ng hiyawan ang mga tao dahil sa nakakaaliw na sayaw.

Habang hawak ni Ethan ang kamay ko ay parang may kuryenteng dumadaloy at ramdam ko ang mabilis na pag tibok ng puso ko.

Gano'n din kaya si Ethan? He fell the same way kaya?

No please? Stop this stuff! We're just friends and nothing more.

Nakangiti siya habang nakatitig sa mga mata ko.

"Rei.. Huwag mo sana isipin na binobola lang kita pero totoo ang sinasabi kong ikaw ang pinaka maganda sa lahat dito sa lugar niyo," panimula niya.

"Nakikita ko ang kabutihan sa iyong mga mata at ang makita ko ang sarili kong sinasayaw ka ngayon ay isang karangalan para sa akin na isayaw ka, Binibini." patuloy niya at napangiti naman ako.

The One That Got Away (Completed)Where stories live. Discover now