"Is there anything wrong, Ma'am? And who is speaking, please?"

"This is Sophia Arguilles."

"Ah... One moment, Ma'am."

Kumunot ang noo ni Pia sa tono nito. Nagulat din siya na basta-basta na lang siya iko-konekta sa head editor ng kumpanya. Kilala na ba siya sa buong opisina dahil sa paulit-ulit na rejection sa kaniya? Lalo na siyang nainis sa naisip.

Pagkalipas ng ilang segundo ay may nagsalita.

"This is the head editor speaking."

Saglit na natigilan si Pia sa boses ng lalake na sumagot sa kabilang linya. It was a very masculine voice. Iyong boses na pang-DJ, soothing at parang dumudulas ang mga salita sa bibig. Bigla tuloy siyang nawalan ng boses.

Ilang beses siyang lumunok bago nagsalita. Balak pa naman niyang magtaray pero naunahan siya nang pag-umid ng dila.

"This is Sophia Arguilles. I just wanted to ask about the results of the manuscript I sent a week ago."

"Oh, yes, Miss Arguilles. Go on."

Huminga siya nang malalim bago nag-litanya.

"Sir, hindi naman po sa pagyayabang. But I know my capacities when it comes to writing. I've been writing my whole life. I may not have a degree in writing, but I have a long history of experience. And for the life of me, I can't understand why you keep on rejecting my manuscripts. If you can just tell me exactly what's wrong with my writing, maybe I can fix it easily," angil niya dito.

"There's nothing wrong with your writing, Miss Arguilles."

Iyon naman pala, eh. "Then, what is wrong exactly?"

"I think the problem lies in you."

"Ha?"

The guy cleared his throat, bago sumagot. "Have you ever fallen in love, Miss Arguilles?"

Wait lang, ha. Bakit lovelife niya ang pinapakialaman nito? Defensive pa naman siya 'pag iyon ang topic.

"Sir, I don't know how my lovelife is related to the problem at hand," mariin niyang sabi.

"Are you free today?"

Kumunot ang noo ni Pia. "Why?"

"You can come to the office, if you want. We can discuss your issue."

Your issue? At siya pa ang may issue ngayon? Ha!

Mainit na nga ang ulo niya ay pinapainit pa ng kausap niya.

"I'm free today, Sir. I'll be at your office in thirty minutes."

"I'll see you then." Iyon lang at pinutol na nito ang linya.

Nagmamadali niyang inayos ang gamit. Tamang-tama naman na dumating si Trisha, ang boardmate niya since college at housemate niya ngayon sa apartment na tinitirhan. Magkikita kasi dapat sila ngayon para sana i-celebrate ang resulta ng manuscript. Oo, inisip niya na matatanggapan na siya. How can it be even possible for one person to be rejected five times anyway?

"O, saan ka pupunta?" bati ni Trisha habang pinapanood siya na mag-ayos ng gamit.

"Sa office ng Love Dreams. Maghahanap ng away. Would you believe? They rejected my manuscript again!"

Trisha grinned. "Ows? Baka naman kasi sign na 'yan na umuwi ka na sa probinsya niyo?"

"Not gonna happen. Gusto mo bang maburo ako doon habang buhay? Alam mo naman sa probinsya, ang bagal-bagal ng buhay. Para ka laging pumapasok sa time warp at bumabalik sa panahon ng kastila."

Natawa ito. "Sobra ka naman! Think about it. You won't need to work anymore since your parents will provide for you. Sarili mo pa ang boss mo."

"They won't give me time to write. You know how much I love to write, Trish. I will never give this up even if I have to hide in Timbuktu."

"Kaso, romance writing naman ang pinasok mo. Wala ka naman kayang ka-roma-romansa sa katawan."

Tinitigan niya ito nang masama.

"Are you a friend or not? Suportahan mo na lang kaya ako kaysa ganyan na inaaway mo pa ako."

"Totoo naman, eh. Binasted mo kaya si France, eh, ang gwapo kaya n'on!"

Napangiwi si Pia sa pangalang binanggit ni Trisha.

"Pwede ba? Huwag mo ngang masali-sali sa usapan natin ang palikerong iyon. At hindi ibig sabihin na 'pag gwapo ay romantic na. Kailan ba naging equal ang dalawa?"

Francisco Buencamino Jr. was one of the hottest items in their campus when she was in college. His family practically dominated the business industry. He was also very good looking and very charming. Lahat na lang halos ng babae ay naghahabol dito noon. Balita rin sa campus na nagpapalit-palit ito ng girlfriend. At lahat ng mga nagiging girlfriend nito ay pulos magaganda at galing sa mayayamang pamilya. Napagtripan lang siya siguro nito kaya tinagkang magpahaging sa kanya. She was just a sophomore then at graduating naman ito. Niyaya siya nitong mag-date pero diretsahan niyang sinabi dito na hindi niya ito type.

"See? 'Yang ugali mo na 'yan ang dahilan kung bakit single ka pa," buska nito sa kanya.

"For your information, ni sa bangungot ay hindi ko binalak patulan 'yang France na yan. Nakita mo naman kung paano magpapalit-palit ng girlfriend iyon, at pulos supermodel pa. Ano naman ang pwede no'n makita sa'kin?" she asked sarcastically.

"But you are beautiful, Pia." Trisha eyed her from head to toe. "Not to mention, smart and witty."

"Thanks, but no thanks. Jerks are not my cup of tea." Pagkatapos ay tumingin siya sa relo. "I have to go now. Say my regards to Martin." Ang tinutukoy niya ay ang boyfriend nito.

Sumakay siya ng taxi at ilang minuto pa ay nakarating na siya sa warehouse ng Love Dreams. It was a three-storey building. Hindi malaki pero hindi rin naman maliit. Pia crossed her fingers before entering the building.

Dumiretso siya sa reception area. Kinausap siya kaagad ng receptionist.

"Your name, please?"

"Sophia Arguilles. I have a meeting with your head editor."

"One moment, Ma'am." Pagkatapos ay pinindot nito ang Intercom. "Sir, nandito na po siya."

Narinig pa niya ang malamig na boses ng kausap nito. "Send her in."

"This way, Ma'am" Itinuro ng receptionist ang daan sa office ng head editor.

Nang matapat siya sa pinto ay kumatok siya.

"Come in, Miss Arguilles."

Pia opened the door and found someone sitting on the swivel chair. Nakatalikod ito sa kanya at nakaharap sa salamin overlooking Makati.

She cleared her throat twice.

"Sir, I want to discuss my manuscript with you."

"Sit down, Miss Arguilles."

Tumalima siya at umupo sa upuan sa tapat ng desk nito. Unti-unting umikot ang swivel chair at natambad sa kaniya ang kahuli-hulihang taong gusto niyang makita. She couldn't contain the gasp that came out of her mouth.

Francisco Buencamino Jr. was leaning against the chair and looking at her with amused eyes.

"You?!"

His lips twisted into a smile. "We meet again, Sophia."

One-Week Date ProjectWhere stories live. Discover now