"Masyado naman ata sobra yung ginawa n'yo. Dat pinag t-shirt nyo na lang si Faith" singit ni Rio. Tumingin s'ya saakin at parang nag aalala.

Lumapit sa kanya si Sabrina at tinapik ang kanyang braso "Tol, minsan lang naman 'to e. Pumayag rin naman si Faith" Saad n'ya.

Ngumiti ako kay Rio upang ipahiwatig na okay lang ako.

"So, Wala na problema?" Tanong ni Steve. Tumango lamang kami bilang tugon. "arat naaa" dagdag pa n'ya.

Nakapwesto kami sa likuran ni Sabrina at Matt habang nasa gitna naman si Athina at Marina. Si Steve naman ang nag mamaneho habang katabi si Rio.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Sabrina habang kami ay nasa byahe.

"Sa tambayan namin. Madalas kami roon pero ngayon may iba kaming inimbita bukod satin. Kaya nararamdaman ko na magiging masaya talaga 'to" humiyaw pa si Sabrina at sinabayan ang kanta na kanilang pinapatugtog. Tahimik lamang ako habang sila ay nag tatawanan ni Matt.

Mga ilang sandali ay nag vibrate ang aking phone. Chat galing kay Rio.

Rio:
Okay ka lang ba d'yan? Gusto mo ba makipag palit ako kay Sabrina?

Napangiti ako bahagya sa mensahe ni Rio. Napaka alalahanin n'ya.

Faith: Huwag na. Okay lang ako. Salamat Rio.


Nakarating kami sa lugar na tambayan nila Sabrina. Para lamang ito normal na bahay pero 'di gaano kalakihan ngunit maganda naman at malinis.

"Mukha magiging masaya 'to" wika ni Sabrina

"Nakarating na ba sila Ander?" Napatingin ako kay Steve.

"Nandyan na raw sila kanina pa. Tayo na lang ang kulang" naglakad na kami patungo sa loob ng bahay.

Kung 'di ako nag kakamali may Ander na nakalista sa talaan na isa sa pumasok sa paaralan ng araw na iyon. Mukha maganda rin na sumama ako sa kanila ngayon dahil sigurado na may iba ako makilala.

Bago kami makapasok sa bahay ay bigla may sumalubong saamin na isang lalaki na matangkad. Ngumiti 'to kila Steve at niyakap sila Rio.

"Kamusta na kayoooo?? Namiss ko kalokohan n'yo" wika nito.

"Namiss ka rin namin, tol. Arat na sa loob" wika ni Matt.

Papasok na rin sana ako ngunit may humatak sakin upang 'di agad ako makapasok. Pag tingin ko ay si Rio lamang pala, hawak n'ya ang aking kamay at nakatingin saakin na deretso.

"Isuot mo 'to" pag tingin ko sa kanyang hawak ay isang denim jacket kaya napakunot ang aking noo dahil sa pag tataka. "Para hindi ka mabastos sa loob. Marami raw inimbita sila Steve na bisita ngayon" dagdag pa n'ya.

Hinintay muna n'yang masuot ko ang bigay n'yang denim jacket bago n'ya ako tuluyang pinapasok.

Pag pasok ko ay nalula ako sa ilaw na bumabalot sa buong bahay at ang musika na kanilang pinapatugtog ay sobrang lakas kaya ang mga tao ngayon rito ay napadadala sa kanta. Pinag masdan ko ang buong bahay, merong billiard sa gitna nito at may mga nag lalaro habang may nakapalibot doon. Sa gilid naman ay makikita ang mga alak na nakadisplay roon at meron din lamesa para sa mga bisita na gusto uminom.

"Okay ka lang?" Tanong saakin ni Rio. Tumango lang ako sa kanya at pinag masdan mabuti ang buong paligid.

"Tara, Faith. May ipapakita ako sayo" sumunod lamang ako sa kanya hanggang sa dalhin n'ya ako sa isang kwarto. Pag bukas n'ya ay namangha ako sa nilalaman nito. Para akong nasa isang arcade, ang daming machine na nakalagay rito na pwede mo laruin at may iilan rin na nag lalaro dito ngunit kung titignan ay mas konti lamang ang tao rito kaysa do'n sa may billiard.

VeracityWhere stories live. Discover now