Chapter 43: New start

5.4K 147 56
                                    

Devirginized By My Ex

Chapter 43: New start

Joyce Clara's P.O.V.

After a week I decided to talk to Klei.

"Are you sure?" Kurt asked while holding my hands.

Tumango ako. "Yup. Besides kasama naman kita pag nag kaharap na kami."

Noong una ay ayaw ko siyang payagan na makisali sa usapan namin ni Klei. Pero nadala na ako at ayaw ko nang mangyari pa ulit ang dati. This time makikipag-usap ako sa lalaki kasama ang asawa ko.

Naisipan namin na dito na lang sa amin mag-usap. Of course without my parents around here. Baka maano pa nila si Klei lalo na't pag nalaman nila ang kasalanan nito sa amin.

"There's only one hour left." he muttered.

Niyakap ko siya ng mahigpit. "Ikaw ah. Sinuntok mo pala siya. Hindi ko pa malalaman kung hindi lang sinabi sa akin ni Khloie," saad ko at kinurot siya sa tagiliran habang nakayakap pa rin sa kanya.

Napa aray naman siya at humiwalay ng kaunti sa akin. Ikinulong niya sa mga palad niya ang aking mukha. "He deserves that," sagot niya at hinalikan ako sa labi.

Itinulak ko siya ng mahina at humiwalay ng tuluyan sa kanya. "Ewan ko sa'yo. Inis na inis ka talaga sa kanya simula dati pa."

"Because I know his intentions," he said and eat the strawberry.

Agad naman akong napa react. "Bakit mo kinain? Akin 'yan eh," nakabusangot kong ani.

Natawa naman siya at kinurot ako ng mahina sa pisngi. "Isa lang naman po, Misis. Hindi na ako ulit kukuha. Promise." Itinaas niya pa ang isang palad niya.

I just rolled my eye balls at him. Kinuha ko ang bowl ng strawberry at niyakap iyon para hindi na ulit siya makakuha.

"Aagawan mo pa kami ng mga anak natin," masungit kong sambit.

Ipiniling  niya ang ulo niya at natawa na lang.

"Akin naman kayo," bulong niya na hindi nakaligtas sa pandinig ko.

"Whatever, Kurt."

Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Where's the Honey? Where's the Hubby?" pagmamataray niya sa akin.

Ngumisi ako. "Wala dahil mang-aagaw ka." Tinalikuran ko siya at naglakad na. Pagkatapos ay umupo sa may sofa sa sala.

Kinuha ko ang isang strawberry at kinain iyon.

Nakatingin lang siya sa akin at hindi na nagsalita pa.

Hindi namin namalayan ang oras. One hour already passed.

Narinig na namin ang tunog ng door bell.

Tumayo si Kurt at sinalubong sa may pintuan si Klei. Masama siyang nakatingin dito.

Ngumiti ng hilaw sa akin si Klei.

Lumapit na siya sa akin. "I'm sorry for what I did," he said with his sincere voice. 

Hindi ko inaasahan ang pagluhod niya kaya naman napatayo ako at pilit siyang hinila patayo.

"Tumayo ka nga," pagbawal ko sa kanya.

"I'm sorry for lying to you, Joyce," nabasag ang kanyang boses tanda na umiiyak na siya.

Pinatayo ko siya at pina upo sa may sofa. "Bakit mo iyon nagawa sa akin?" mahina kong tanong. Diretso ang tingin ko sa kanyang mga mata. Ganoon din siya.

"At first I don't really know that I am the father. I though it was Lucas. Matagal silang nagsama. But after months I already learned the truth," pag-uumpisa niya.

Devirginized By My Ex (Virginity Series #2) #wattys2020Where stories live. Discover now