Chapter 29: Oppa

6.4K 120 30
                                    


Devirginized By My Ex

Chapter 29: Oppa

Joyce Clara's P.O.V.

Nandito lang ako ngayon sa condo ni Kurt. Inip na inip na nga ako eh. Nagpaalam na rin naman ako sa mga magulang ko na hindi muna ako makakapasok ng trabaho ngunit hindi pa rin nila alam na buntis ako.

Mamayang gabi ay pupunta kami sa amin at sasabihin sa kanila ang totoo. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon nila kaya naman hindi ako mapakali.

Pumasok si Kurt sa trabaho pero agad din siyang uuwi para makapag-ayos para mamaya.

Nakahiga ako sa kama at pilit na ipinipikit ang aking mga mata pero kusa silang bumubukas tuwing na-iimagine ko ang reaksyon ng mga magulang ko.

"Hay," umupo na ako at kinuha ang aking phone.

Hindi pa rin alam ni Fea at Anya na buntis ako. Si Khloie pa lang.

Speaking of Anya, kumusta na kaya siya? Ilang araw na rin namin siyang hindi ma-contact.

Pagkabukas ko sa phone ay mensahe ni Kurt ang aking agad nakita. Tinatanong nito kung nakakain na ako.

Kanina kasi bago siya umalis ay pinagluto niya ako ng ulam para kainin ko raw pag lunch na.

I started to type on my phone. I replied, "Yes. Ikaw rin kumain ka na ah."

Binitawan ko na ang phone ko sa may side table at tumayo. Pagkalabas ko ng kwarto ay wala akong nadatnan. Na saan kaya si Dessery?

Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob ng kanyang kwarto. Wala siya. Saan naman pumunta 'yun?

Winalang bahala ko na lang iyon at nagtungo sa kusina. Bigla akong nagutom. Ano kayang masarap kainin?

Nangalkal ako sa ref. Pinili kong kunin ang nutella at pinagpapak iyon.

Habang sumusubo ay pumasok sa isipan ko ang mochi. Aww ang sarap naman yata niyon.

Excited akong tumayo at lumakad papunta sa kwarto namin ni Kurt. Kinuha ko ang phone ko at nagtipa. Nagpabili ako ng mochi sa honey ko.

Lumabas na ulit ako habang dala ang phone ko.

Manonood nalang ako ng kdrama. I really want to watch the famous K-drama now. Ang gwapo talaga ng bida. Ang ganda rin ng bidang babae. And I think this drama is very nice.

Habang nanonood ay tili ako nang tili dahil sa mga nakakilig na eksena. 

Nalulungkot din ako sa naranasan ng bidang babae.

Lumipas ang mga oras at nakarami na rin ako ng episode na napanood. Habang nanonood ay pumipikit ang aking mga mata. Nang hindi ko na napigilan ang aking antok ay humiga na ako sa sofa at doon natulog.

Nagising ako nang maramdaman kong may bumubuhat sa akin. Binuksan ko ang aking mga mata, si Kurt pala. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha habang buhat-buhat niya ako. Ang gwapo talaga.

Hiniga niya ako sa kama. Nang makita niyang gising na ako ay ngumiti siya sa akin. "You can sleep more if you want. Gigisingin na lang kita pag oras na," he said. Umupo siya sa tabi ko at hinaplos ang aking buhok.

"Are you tired?" I asked.

He shrugged. "No I'm not." 

Yumakap ako sa bewang niya at tumingala sa kanya. "Really?"

Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako ng mabilis. "Yup."

Pinahiga ko siya sa tabi ko at niyakap. Tumingin ako sa wall clock. May dalawang oras pa kami bago pumunta kina Mama.

Devirginized By My Ex (Virginity Series #2) #wattys2020Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang