Chapter 13: Who

8.8K 157 16
                                    


Devirginized By My Ex

Chapter 13: Who

Joyce Clara's P.O.V.

"Malapit na ang birthday ni Kurt. Anong balak mo?" tanong sa akin ni Fea.

Nasa ice cream parlor kami ngayon. Nagkayayaan lang. Madalang na lang kasi kaming magkita ngayon. Tulad namin ni Khloie. Kumusta na kaya ang babaitang iyon?

Sumubo ako ng ice cream saka napa isip. "Sasagutin ko na siya sa birthday niya," utas ko at ngumiti ng pagkakalakilaki. Iyon naman kasi talaga ang plano ko.

Napatampa si Fea sa akin. "Ang kerengkeng mong gaga ka," pabirong saad niya at tumawa.

"Balak ko rin sanang i-suprise siya." 

Napatango naman siya sinabi ko.

"Siguro ay makikipag kuntsaba ako kina Tita at Tito."

"Isuspresa mo siya tapos ay sasagutin mo pa siya ng oo. Aba! Bawing bawi na si Kurt sa birth day niya."

"Mahal ko eh."

"Alam ko. Ni hindi mo nga nagawang mag move-on sa ex mo na iyan."

"Hindi ko na siya ex niyan 'no."

"Oo magiging jowa mo na. Tapos pakasalan mo na rin, Gurl," saad niya at tumawa nang tumawa. Malakas pa naman iyon.

"Hoy huwag mo naman pakalakas iyang tawa mo. Pinagtitinginan na tayo."

"Pabayaan mo nga sila. Gusto kong tumawa eh," walang paki na sambit niya at nag-roll pa ng eyeballs.

"Kumusta naman kayo ni Troy?" tanong ko.

"Well, going strong naman," kinikilig niyang sambit. Kitang-kita rin sa mga mata niya na in love siya. "Ikaw naman sagutin mo na para maging going strong na rin."

Ilang oras ang lumipas ay nasa opisina na ako. Busy na busy sa mga paper works na ginagawa.

Mamaya ay pupunta pa ako sa bahay nila Kurt para kausapin si Tita. Actually excited na excited na akong i-suprise si Kurt. Excited ko na rin siyang sagutin. Hindi na ako makapaghintay na magkabalikan kaming dalawa.

Tumunog ang phone ko kaya naman kinuha ko iyon.

Speaking of him.

"Susunduin kita mamaya, Honey," he texted.

Napangiti naman ako sa endearment niya sa akin. Pero mas kinikilig talaga ako kapag bumabanat siya.

Nagtipa na ako ng reply. "Sige po," pabebe kong text at nilagyan pa iyon ng emoji na cute.

Binaba ko na ang phone ko at tumingin na ulit sa aking ginagawa at pinagpatuloy na ito.

Lumipas na naman ang oras at naghanda na ako para sa pagpunta sa bahay nina Kurt.

Tinabi ko na ang kailangang itabi. Pumunta ako ng c.r. at ni check kung ayos lang ba ang itsura ko.

Pagkalabas ko roon ay kinuha ko na ang shoulder bag kung saan nakalagay ang laptop ko. Pagkatapos ay kinuha ko rin ang dala-dala kong bag kanina.

Sumakay na ako sa elevator na kung saan ang tungo ay ang parking lot. Panigurado kanina pa siya roon.

Pagkadating ko sa parking ay nadatnan ko siyang nakasandal sa kanyang kotse habang hawak hawak ang phone niya. Sino naman kayang ka-text niya? Ay ewan ko ba.

Nang mapansin na niya akong papalapit sa kanya ay binaba niya ang hawak niya at tumingin sa akin saka ngumiti. Ngumiti rin ako pabalik.

Lumapit siya sa akin at mabilis na hinalikan ang aking labi.

Devirginized By My Ex (Virginity Series #2) #wattys2020Where stories live. Discover now