Chapter 37: Revelation

5.7K 140 61
                                    

Devirginized By My Ex

Chapter 37: Revelation

Joyce Clara's P.O.V.

Pagkatapos naming kumain ay ako na ang naghugas ng plato. Bigla kasing sumakit ang pakiramdam ni Dessery kaya naman agad siyang inantabayanan ni Kurt.

Habang naghuhugas ay pangitingiti pa rin ako. Excited na kasi talaga akong buksan ang laman ng envelope na iyon.

Pero paano ko iyon titignan mamaya kung naroon si Kurt. Gusto ko kasi na ako muna ang makakaalam ng katotohanan. Isa pa't baka magtaka siya kung paano ako nakakuha ng mga impormasyon. Hindi naman niya alam na tinutulungan ako ni Klei. At kapag nalaman niya na nakakausap ko ang lalaki ay baka magalit na naman siya at magselos. Sasabihin ko naman sa kanya ang totoo kapag nalaman ko na ang laman ng envelope.

Nilagay ko na sa lalagyanan ang mga hinugasan ko. Pinunasan ko ang kamay ko sa hand towel doon.

Uminom muna ako ng tubig bago napagpasyahang silipin sina Kurt sa kwarto ni Dessery.

Pinihit ko ang saradura at binuksan ng kaunti ang pintuan.

Nakahiga na si Dessery samantalang si Kurt naman ay naka upo lang doon at nakatingin sa tiyan niya.

Mapait akong napangiti. It's okay, I can endure this pain as long as alam kong mahal ako ng asawa ko.

Sinara ko na ng dahan-dahan ang pintuan at pumasok na sa kwarto namin.

I decided to take shower. Ilang minuto lang ay natapos na ako.

Pagkalabas ko ng banyo ay wala pa rin si Kurt. Nagbihis lang ako saglit bago kinuha ang envelope. Nagtungo ako sa kama at umupo roon.

Siguro ay pwede ko na itong buksan dahil wala pa rin naman siya.

Tinanggal ko ang pagkakadikit nito. Tangkang kukunin ko na ang laman nang bumukas ang pintuan.

Nataranta tuloy ako at mabilis na tinago iyon sa ilalim ng unan.

"Bakit ka namumutla?" tanong niya at lumapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko at tinitigan ako.

Napapiling naman ako. "Naiinitan lang ako," sagot ko at pinaypay ang aking sarili gamit ang mga kamay ko.

Napatango naman siya ng bahagya. Kinuha niya ang remote ng aircon sa may bed side table. "There," saad niya nang malakasan na niya iyon.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Thanks," I said at mabilis siyang hinalikan sa labi.

"Wala ka na bang ibang nararamdaman?" nag-aalalang tanong niya.

Nilagay ko ang palad ko sa likod ng kanyang batok at sumagot. "Wala na. I miss you."

Siya naman ang napangiti ngayon. Lumapit pa siya lalo sa akin at pinaglapat ang noo namin. "I miss you more, Honey."

Pinaglapat niya ang mga labi namin.

Nang makapusan na kami ng hininga ay naghiwalay na ang mga labi namin. Ipinatong niya ang noo niya sa aking noo at tumitig lamang sa akin.

Ang titig niya ay may nilalaman na para bang siya ay nangangamba.

"Is there any problem?" mahinang tanong ko. Bakas sa mata niya na mayroon siya pinoproblema.

He slightly shrugged his head. "Nothing. I just want you to stay by my side even tho I gave you so many problems."

Napahiwalay naman ako ng kaunti sa kanya at kinulong sa aking mga palad ang kanyang mukha. "Asawa mo ako kaya naman sasamahan kita sa kahit na anong problema," utas ko at ngumiti sa kanya.

Devirginized By My Ex (Virginity Series #2) #wattys2020Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora