Chapter 14: Listen

8.3K 182 13
                                    


Derviginized By My Ex

Chapter 14: Listen

Joyce Clara's P.O.V.

Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Nakita ko pang napangiti ang babae. Saglit pang nagdikit ang kanilang mga labi at tinulak na siya ni Kurt. Hindi ako sigurado kung sino ang nagtulak. Ang sa akin lang ay masakit ang puso ko.

Nang siguro ay naramdaman ni Kurt ang presensya ko ay napatingin siya sa akin. Tumayo siya at ibubuka sana ang bibig niya pero sinara niya lang ulit ito.

Bago pa siya makalapit sa akin ay nakita niya pang pumatak ang mga luha ko. Tumakbo ako palayo sa kanya. Ni hindi ko na rin nakuha ang dala kong bag. Naroon din ang phone ko pero wala na akong pakialam ang gusto ko lang ay makaalis ako sa condo niya at maging malayo sa kanya.

Pinindot-pindot ko ang elevator dahil ayaw nitong bumukas. Sh*t bakit ngayon pa? Ang tagal. Tumingin ako sa likod ko at doon ay nakita ko ang paparating na si Kurt.

"Joyce Clara, sandali lang! Let me explain please, Honey," sigaw niya habang papunta sa akin.

Nang malapit na siya akin ay bumukas na ang elevator. Agad-agad akong pumasok at iniwan siya roon.

"Honey, please."

Nagsara na ang elevator at na iwan na siya roon. Umiyak ako nang umiyak at hindi mapigilan ang mga luha ko. Naman bakit ba kasi kailangan ko pang makita iyon?

Ang sakit-sakit lang kasi. The same reason again. Tulad lang ng dati. Tulad lang ng dating dahilan kung bakit kami naghiwalay.

Papalipasin ko lang siguro ang sakit sa puso ko bago ko ulit siya kakausapin.

Pagkalabas ko sa elevator ay naglakad na ako palabas ng building. Paano na niyan nito? Wala akong phone at wala rin akong pera. Nandoon sa bag ko ang phone at wallet.

"Joyce Clara!"

 Napaharap ako sa sumigaw ng pangalan ko. Si Kurt na tumatakbo papalapit sa akin.

May humila sa akin. "Joyce anong ginagawa mo rito?" si Klei.

Hindi na ako sumagot sa tanong niya. "Klei pwedeng makisakay please."

 Nagtataka man ay tumango pa rin siya.

Agad akong sumakay sa sasakyan niya. Siya naman ay naglakad na patungo sa driver's seat.

Malapit na malapit na lang si Kurt. Nakita ko pa ang pagpiling ng ulo niya.

"Pwedeng pakibilis, Klei. Sorry sa abala," mahina kong saad.

Napaharap siya sa akin. "May problema ba? Why are you crying?" nag-aalala niyang tanong.

Piniling ko ang ulo ko. "Wala 'to," pagsisinungaling ko.

Napatango siya. "Ayos lang kung hindi mo pa kayang magkwento ngayon." 

"Ahm, Klei," pagtawag ko sa kanya habang tutok ang paningin niya sa daan.

"Why?" he asked while driving.

"Pwedeng maghiram ng phone?" I asked.

"Nasa dashboard. Kunin mo nalang."

Sinunod ko naman ang sinabi niya. Kinuha ko ang phone niya at binuksan ito. "Password?"

"Apat na zero." 

Pinindot ko ang phone niya at inilagay ang password na kanyang sinabi. Nang mabuksan ko ito ay i-titext ko sana si Fea. Kaso naisip ko kapag kay Fea ako tumuloy ngayon ay baka malaman niya.

Devirginized By My Ex (Virginity Series #2) #wattys2020Where stories live. Discover now