Chapter 24: No

6.7K 122 46
                                    


Devirginized By My Ex

Chapter 24: No

Joyce Clara's P.O.V.

"Anong nangyari?" tanong ko kay Anya. Nandito kami ngayon sa isang hotel.

Napagpasyahan naming dalawa na mag-hotel na lang dahil wala kaming mapupuntahan. Well, mayroon naman ang kaso nga lang ay madali kaming mahanap sa mga iyon.

"Nalaman na ni Jace na hindi ako nag-pi-pills," umiiyak niyang sambit.

Nanlaki ang mga mata ko. "So all this time ay nag-pi-pills ka?" gulat kong tanong. I didn't expect that.

She nodded. "Simula dati pa noong naging magkarelasyon kami," sagot niya.

I don't know kung sino bang mas nakakaawa sa amin sa lagay na ito. Mahirap din ang problema niya kasi. But for sure, both of us are hurting now.

"I think both of you needed a space," I suggested. Sa ngayon 'yun lang ang mabisang paraan na nakikita ko. "Pabayaan mong marealize niya 'yung pagkakamali niya. I am not saying this to hurt you, but if he really love you wala namang issue kung hindi ka na nag-pi-pills."

Napatango siya. "That's what I am thinking of. Bakit napakalaking issue sa kanya nang hindi ko pag-inom ng pills. Matagal na rin kaming nagsasama. I want an assurance and having a baby is not bad, right?"

"Yes. Alam ko pagod ka na kaya tumigil ka na sa kakaiyak and please magpahinga ka muna," I said with a serious tone. She really needs to rest. Pagod na pagod ang kanyang itsura.

"Pero, Joyce nakinig ka sa akin kaya dapat ay makinig din ako sa'yo. Alam kong may problema ka rin kaya ka napapunta sa akin." 

Oo nga pala. Hindi pa nila alam ang tungkol kay Dessery. Hindi pa nila alam kung gaano kagulo ang relasyon namin ni Kurt ngayon. 

"It's fine, Anya. You can listen to me after you rest." I smiled at her.

Tumango na lang siya at humiga na.

I sighed deeply. As much as I wanted to tell her what's my problem, I still can't.

May problema siya. And her problem is not easy to solve. Knowing that your boyfriend doesn't want to have a baby with you. 

Pumunta ako sa tabi niya at humiga na rin. 

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang makita kong umiilaw ang phone niya.

Kinuha ko ito at napatigil ako nang makita ko kung sino ang tumatawag. It' s Kurt.

Sinagot ko ito at hindi nagsalita.

"Anya, kasama mo ba si Joyce?" tanong nito mula sa kabilang linya.

Nang hindi pa rin ako magsalita ay nagsalita na ulit siya.

"Please speak up. Kasama mo ba siya? Pumunta ba siya sa inyo? Alam mo bang kung saan siya?" sunod-sunod na tanong nito.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahikbi na. Agad-agad kong pinutol ang tawag.

I don't know why pero ang bilis kong umiyak ngayon. Nagiging masyadong emosyonal na ako. Dala na rin siguro ng problema ko kaya nagiging ganito ako.

Ipinikit ko na ang mga mata ko at pinilit na makatulog.

Nagising ako nang maramdaman kong may nag-uusap sa tabi ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ang dalawang tao. Si Anya at si Kurt.

Napatingin sa akin si Kurt. Mabilis siyang lumapit sa akin. "Honey," saad niya at hinalikan ako sa ulo. "Kanina pa kita tinatawagan. Only to find out na naiwan mo ang phone mo sa condo."

Devirginized By My Ex (Virginity Series #2) #wattys2020Where stories live. Discover now