Chapter 5: Soon

15.9K 299 40
                                    

Asawa ko si Baekhyun at kabit ko si Chanyeol~

~~~~~~~~~~~~

Devirginized By My Ex

Chapter 5: Soon

Joyce Clara's P.O.V

Nagising ako nang may maramdaman akong bagay na pumatong sa aking bewang. Bahagya kong binuksan ang isa kong mata at sinilip kung ano iyon. Napamulagat ako nang makitang kamay iyon. Tapos ay napatingin ako kung kanino ang kamay. Kay Kurt.

Dahan-dahan kong tinaggal ang kamay niyang nakapatong sa bewang ko. Babangon na sana ako nang bigla niya ulit nilagay ang kamay niya sa posisyon niyon kanina. This time nakayakap na siya ng mahigpit.

Pinilit ko itong tanggalin pero mas lalo niya lang hinigpitan.

"Mamaya ka na lang bumangon. Maaga pa," salita niya habang nakapikit pa rin.

Tumahimik na lamang ako at inisip kung ano-ano nga ba ang mga nangyari kagabi.

Napamulagat ako ng mga mata nang maalala kong hinalikan ko siya pagkadating namin dito sa condo niya. At ang natatandahan ko ay hinakit ko pa siya.

Napapalo ako sa noo ko. Jusko naman, Joyce Clara! Nakakahiya ka. Sa ex mo pa talaga ka maglalandi. Tanga mo naman. 

Bakit ba lagi siyang nariyan kapag lasing na lasing ako?

May nangyari ba sa amin?

Napatingin ako ulit sa kanya at wala siyang damit. After that ay tumingin naman ako sa kung anong suot ko.

"Ah!" sigaw ko. Grabe naman kasi. Naka bra lang ako at panty!

Nagising si Kurt at mabilis na humarap sa akin. "Why are you shouting?" masungit na tanong niya.

"Why are you shouting mo mukha mo!" inis kong sambit.

"Inaano ba kita?" nakakunot noong tanong na niya sa akin.

"Bakit ganito lang ang suot ko?" nahihiya kong tanong. Napayuko ako dahil namula ng bongga ang magkabila kong pisngi.

Napatingin siya sa akin. 

"Bastos!" sigaw ko nang magpirmi ang mga mata niya sa dibdib ko.

"Nasarapan ka naman ah," saad nito. May halo pang pang-aasar.

"So talagang may nangyari sa atin?" hindi makapaniwalang sambit ko. Napasinghap pa ako.

"Wala kang natatandahan?" 

"Bastos ka talaga! Sinamantala mo ang pagkalasing ko. Gagalawin mo na nga lang ako lasing pa ako. Kainis ka." Pinagpapalo ko siya.

Hinuli niya ang mga kamay ko at mahigpit niyang pinaglapat ang kamay ko sa kamay niya. "Chill. Walang nangyari sa atin. Isa pa gusto ko na ikaw mismo ang magsabi pag gusto mo nang may mangyari sa ating dalawa," pagpapanatag niya sa akin.

"Bastos ka talaga," mahinang saad ko. Bakit ba kinikilig ako sa lalaking ito?

"Gwapo naman," habol nito tapos ay kinindatan ako.

 Kilig na kilig naman ako syempre.

"Oo na lang," pabebe kong sambit at tumayo na.

"Are you trying to seduce me?" pilyong tanong niya.

Napamulagat ang mga mata ko tapos ay dali-dali kong kinuha ang kumot. "Bastos ka talaga!" ulit ko na naman sa katagang iyon.

Tumawa lang siya ng malakas. Miss ko na 'to. Miss ko na 'yung kulitan namin. Buti na lang at naulit ito. Sana naman no awkwards moment na for us.

Devirginized By My Ex (Virginity Series #2) #wattys2020Where stories live. Discover now