Chapter 18: Talk

8.2K 136 10
                                    

Devirginized By My Ex

Chapter 18: Talk

Joyce Clara's P.O.V.

"Can you please stop talking?" dinig kong saad ni Kurt bago pa ako makalapit sa kanya.

"Kurt?" pagtawag ko sa kanya.

Pagkaharap niya sa akin ay para bang nabigla siya at muntikan pa niyang mabitawan ang hawak niyang phone.

"Kanina ka pa ba riyan?" he nervously ask. 

Ano bang nangyayari sa kanya at para bang naging magugulatin siya?

I shooked my head. "Nah, kakarating ko lang. May problema ba?"

"Ah-nothing. Yeah nothing," tila hindi siguradong sagot niya.

Tumango na lang ako at hinalikan siya sa kanyang pisngi. "You don't look okay. It seems like you have a big problem."

Humawak siya sa bewang ko at pinagdikit ang katawan namin.

"I don't have a problem, 'kay?" Hinalikan niya ako sa aking noo.

I smiled at him. "If you say so. Pero pag may problema ka sabihin mo sa akin."

Tumango siya at mabilis na siniil ng halik ang aking labi. Ang lagi niyang ginagawa.

Nag-usap pa kami ng kung ano-ano. Nagtagal ako ng mahigit limang oras sa opisina niya bago ako magpaalam na aalis na ako kasi makikipag-meet pa ako kay Fea.

"Ingat," he said and smiled at me.

I waved my hand at him bago ako lumabas ng opisina.

Sumakay lang ako ng taxi papapunta sa meeting place namin ng kaibigan ko.

Pagkadating sa sikat na coffee shop ay naroon na si Fea at busy sa pagkalikot sa hawak niyang phone.

"Hey," bati ko pagka upo sa kanyang harapan.

She looked at me. "Ang tagal mo naman. Kanina pa ako naghihintay rito." Bumusangot ang mukha niya at tinignan ako ng masama.

Tumingin ako sa wrist watch ko. "Ten minutes late lang naman ako ah," saad ko at tumawa.

Buti na lang ay mayroon na siyang na order. I took a sip on my coffee.

"Tingin ko may problema si Kurt," nakatingin sa malayong sambit ko.

Tumingin siya ng seryoso sa akin. "Napag-usapan niyo na ba 'yan?"

Piniling ko ang ulo ko. "Tinanong ko siya kung may problema ba siya pero sabi niya ay wala naman."

"Oh wala naman pala eh."

"No... I mean parang ayaw niya lang sabihin sa akin."

Nanliit ang kanyang mga mata at nag-isip. "Siguro ay kailangan niyong pag-usapang dalawa iyan ng masinsinan."

Tumango na lang ako at dinala ang usapan tungkol sa nalalapit nilang kasal ni Troy.

"So kailan ang exact date?" Pagkatapos ay sumubo na ako ng donut.

"Wala pang exact date pero siguro sa next month na."

"Ready na ready na talaga kayong magpatali ah."

"Of course. And I know hindi ko pagsisisihan 'to," nakangiting ani niya.

"I'm so happy for the both of you. Parang kailan lang ay iniiyakan mo pa si Troy," napapapiling kong sambit habang may ngiti sa aking labi.

"Excited na ako. Siguro kung ikaw magpapakasal ka rin talagang ma e-excite ka lalo na kung mahal na mahal mo 'yung magiging kabiyak mo," kinikilig niyang sambit.

Devirginized By My Ex (Virginity Series #2) #wattys2020Where stories live. Discover now