Nagtaasan ang balahibo ko sa pagdampi ng hininga niya sa gilid ng leeg ko. Ano ba naman tong lalaking toh, lagi niya tong ginagawa sa akin.

“Tama na yan pagkapilyo mo Lucas, di ka na nagbago bata ka” sabi ni Madonna bago tumalikod sa amin at nagpaalam.

“Mag-iingat ka Madonna” bigla kong nasabi bago pa siya umapak sa labas ng pinto

Hindi ko alam bakit ko nasabi yun, pero nang makita ko ang ngiti sa mga labi ni Madonna ng sabihin ko yon nawala ang agam na nararamdaman ko.

“Sing lambing ka rin pala katulad ni Lucille, sige aalis na ako,magingat din kayo” sambit nito bago tuluyang umalis

Ilang minuto ang makalipas ay napagpasyahan kong umupo muna sa sofa.

Napangiti ako ng makita ko ang repleksyon ko sa salamin sa aking harapan.

Kasing lambing ako ng akin ina? Ano kayang itsura niya? Ano pa kaya ang mga nakuha at namana ko sa kanya?

At ano kaya ang namana ko sa akin…ama? Hanggang ngayon hindi pa din ako sanay na tawaging ama ang taong buong buhay ko ay inakala kong aking lolo.

Isa akong hybrid, pinagsamang lahi ng tao at bampira. Halimaw daw ako.

Muli kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin.

My lolo…I mean my real dad who I used to call lolo is a vampire. Pero ni minsan hindi ko siya nakitang kumagat o uminom ng dugo. And..i have never been thirsty of blood. Tao pa din ako. Tao pa din ako magisip.

Wala ring tumutubong pangil sa akin. Normal ako. Maaari kayang nagkakamali lang sila? Baka napagkamalan lang nila ako? Pero…na sa akin na lahat ng ebidensya. Dahil nakilala akong apo----

*BLAAG (sound effect ng nabasag na vase)

Natabig ko ang vase sa tabi ko ng bigla akong tumayo.

Fallen Vampire...on my bathtub?! (BOOK 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon