Naglakad na palayo at palabas ng kusina yung malaking butiki na tuko dawang pangalan.

“Bye butiking malaki! Wag ka na babaliiiiiik!” sabi ko habang nagwewave sa kanya

Lucas chuckled sabay buhat sa akin para bumaba sa upuan.

“Ibang klase ka, parang nung isang araw lang para kang pinatay sa sobrang lungkot mo ah tapos ngayon namamalo ka na ng….walis tambo” tumingin siya muna sa tambo na parang anytime wawasakin niya yun.

Nagstay ako dito simula nung insidente last time. Wala si Rom dito dahil siya ang naghatid kay Mariel pabalik, nagtalo pa sila ni Lucas dahil ayaw niya umalis, siya daw ang BOYFRIEND ko. SELF PROCLAIMED BOYFRIEND kamo.

Hindi makatingin sa akin si Mariel bagkus at lagi siyang nakayuko at kung magtatama man ang paningin namin, puno ng galit ang makikita ko sa mga mata niya. Kaya minabuti kong wag na muna lumapit sa kanya. Alam kong hindi nila hahayaan na makawala si Mariel, I overheard na dadalhin siya sa parang kampo nila to be under observation.

Bakit nga ba nandito pa din ako? Kinabukasan nung insidente na nangyari, bumalik si Olivia asking me to stay. Wag daw ako magpakita muna sa iba. Hindi man niya sinabi sa akin ang dahilan, alam kong may mali. Kahit si Madonna ay nakaramdam ng mali. Kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod. May tiwala ako kay Olivia.

“Lucas, Ira” napukaw ang atensyon namin ng dumating si Madonna.

Nakatayo ito sa pintuan nakasuot ang asul na bistida na pinatungan ng itim na cardigan at ang sumbrero nitong may laso. Bitbit din nito ang isang maliit na pouch.

“Aalis ka?” tanong ni Lucas

Umayos kami ng tayo ni Lucas pagbibigay galang na din sa may-ari ng bahay.

Ngumiti si Madonna “Oo, may aasikasuhin lamang ako”

Bahagyang kumunot ang noo ni Lucas sa narinig niya kay Madonna pero agad itong nakabawi at agad na ngumiti sa akin ng pagkapilyo.

“So, it will be just the two of us huh?” bulong niya sa akin

Fallen Vampire...on my bathtub?! (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now