Dream 013 | Nougat

11 4 1
                                    

Nandidito raw ako sa isang ospital at kasama si David, ang boyfriend kong nagkaroon ng amnesia. Nabangga kasi ang minamaheno niyang kotse sa isang bus habang bumibiyahe kami papauwi—halos tatlong araw na rin daw ang nakakalipas.

Syempre, wala siyang naaalalang kahit na ano sa nangyaring 'yon. At pati ako ay hindi niya rin maalala kung sino ako sa buhay niya.

Nakaupo lang ako sa gilid ng kamang hinihigaan niya ngayon at binabantayan siyang matulog. Nabali rin daw ang kaliwang braso ko pero hindi naman ganoong kalala ang kalagayan ko ngayon. Hindi katulad ng kay David na halos nabali ang buong katawan niya, isama na natin ang pagkakaroon niya ng amnesia.

Ilang oras kong tinitigan ang mukha niyang payapa sa pagkakatulog. Hindi ko alam ang gagawin ko kung papaano ko ibabalik ang nawala niyang memorya. At hindi ko rin alam kung maaalala pa niya na ako ang girlfriend niya.

Habang tinititigan ko siya ay bigla na lang daw kumalam ang sikmura ko. Halos sampung oras na rin akong hindi nakakakain sa kababantay sa kanya. Ayokong pabayaan ang sarili ko pero mas inuuna kong alagaan ngayon si David dahil siya ang mas malala ang lagay sa aming dalawa.  Dahan-dahan akong tumayo, pumunta sa isang lamesang hindi kalayuan sa kamang hinihigaan ni David at kumuha ng kahit na anong makakain na nakapatong doon sa lamesa.

Pagkatapos ay bumalik na ako sa kung saan ako nakaupo kanina. Ngayon ko lang napansin na ang nakuha ko palang pagkain ay isang chocolate nougat, isa sa mga paboritong comfort food ni David.

Mabagal kong kinain iyon habang tinititigan ang mukha ni David. Gusto ko rin naman ng nougat pero mas gusto niya daw 'yon. Nang sobra. Nakakalahati ko na 'yong kinakain kong nougat nang bigla na lang dumilat ang mga mata niya. 

"A-Ano 'yung naaamoy k-ko?" pautal-utal niyang tanong habang may inaamoy na kung ano sa hangin. Siguro ay naamoy niya 'yong nougat na kinakain ko.

"Nougat." Matipid kong sagot. Alam ko na hindi na niya maalala na paborito niyang comfort food ang nougat kaya susubukan kong ipaalala iyon sa kanya.

"Hindi mo ba naaalala 'to?" tanong ko sa kanya sabay pakita ng hawak kong nougat. "Paborito mo 'tong comfort food."

Naningkit ang mga mata niya habang tinitingnan ang nougat na hawak ko.

"Sorry, Arianne. Hindi ko maalala eh." Malungkot niyang sabi.

"Okay lang. No need to say sorry." Bahagya akong ngumiti. Pinagpatuloy ko ang pagkain ng nougat. Napansin ko naman na nakatitig lang siya sa akin habang kumakain.

"Gusto mo ba?" pagtatanong ko ulit sa kanya. Dahan-dahan siyang tumango.

"Okay, saglit lang ah." Kumukha ulit ako ng tatlong nougat sa lamesa at dahan-dahan siyang sinubuan.

Bahagya akong nagulat nang bigla na lang nanlaki ang dalawa niyang mga mata sa unang subo niya ng nougat. Sa tingin ko ay naaalala na niya na paborito niya iyon na comfort food.

"Oooh!" Mabilis niyang naubos 'yung sinusubo ko sa kanya na nougat. Halata sa mukha niya na nagustuhan niya 'yung nougat.

"Masarap ba?"

Mabilis siyang tumango.

Tahimik lang kaming kumain ng nougat hanggang sa maubos na lahat. Mas marami nga siyang nakain kaysa sa akin. Nang itatapon ko na ang mga balat ng nougat ay bigla niyang hinawakan ang kanang kamay ko nang mahigpit. As in mahigpit.

"Thank you sa nougat, Arianne," aniya gamit ang mala-anghel niyang boses. "Medyo naaalala ko na favorite ko ngang comfort food 'yon."

"Walang anuman, David." Aalisin ko na sana ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin para itapon na 'yung mga balat ng nougat nang mas hinigpitan pa niya ang hawak sa kamay ko. Napatitig na ako sa kulay berde niyang mga mata.

"Tulungan mo akong maalala ang lahat ng nakalimutan ko ah?" pakiusap niya sa akin.

"Oo naman, syempre."

"Bilhan mo rin ako ng sako-sakong nougat!" Ngumiti siya nang malaki, katulad ng isang batang nanghihingi ng cookie. Dahil doon ay natawa ako.

"Oo na, nougat boy..." Muli akong natawa.

Sana naman mas umayos na rin ang lagay mo, David.


in my sweet imagination | some short stories ✓Where stories live. Discover now