Dream 007 | teddy bear

33 7 3
                                    

(warning: contains strong language and mature content like sexual harassment)


▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬


Gabi na pero katulad ng mga nakaraang gabi ay gising pa rin ako. Nagbabakasakaling kumatok siya sa pinto ng bahay namin, o kaya naman ay tumawag siya sa akin. Mahigit isang taon na rin ang nakakalipas simula noong nawala ang boyfriend kong si Zachary nang parang bula—at hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam kung nasaan na siya.

Simula noong nawala siya ay hindi na ako nakakatulog nang maayos tuwing gabi. Minsan nga, hindi na talaga ako nakakatulog dahil sa kaiisip ko sa kanya tungkol sa kung nasaan na ba siya, kung humihinga pa siya, at kung ano-ano pa.

Bukod doon, lagi ko ring yakap ang teddy bear na ibinigay niya sa akin noong araw bago siya mawala. Kahit saan ako pumunta ay lagi kong bitbit ʼyon.

Kinaumagahan ay tinawagan ako ng nanay ni Zachary.

"Oh, tita, napatawag po kayo?"

"Katherine, may sasabihin ako sayo..." Bigla akong kinabahan dahil sa boses ng nanay ni Zach.

"A-Ano po ba 'yon?"

"Pinahinto na namin ang search and operation para kay Zachary." Narinig ko siyang humihikbi. Bigla namang kumulo ang noo ko nang marinig iyon.

"BAKIT IPINAHINTO NIYO?! ANAK NIYO SI ZACH! AT TSAKA DIBA ANG SABI NIYO SA AKIN NA WALA NI ISA SA ATING LAHAT NA SUSUKO SA PAGHAHANAP SA KANYA?!" napasigaw ako nang malakas dahil sa sinabi niya.

Sinubukan naman niyang magsalita nang maayos. "Oo, alam ko 'yun, Katherine. Pero—"

"P-Pero ano?! Napagod na kayo?!" napasigaw na naman ako. "Fuck! Kung suko na kayo, ako hindi pa! Argh, ako na lang mag-isa ang maghahanap sa kanya!"

Binabaan ko ng telepono ang nanay ni Zach sa sobrang galit. Anak niya si Zachary, pero bakit sumuko na siya agad?!

Dali-dali naman akong nagbihis ng pang-alis na damit. Inilagay ko ang cellphone, wallet na may pera, at ʼyung teddy bear na bigay sa akin ni Zach sa isang itim na string bag tsaka umalis ng bahay. Sa totoo lang, wala akong kaide-ideya kung saan ako magsisimulang maghanap, pero bahala na.


Ilang metro pa lang ang layo ko sa bahay namin nang may biglang nagpalo sa akin ng kung ano sa ulo ko. At s loob ng ilang segundo ay dumilim na ang buong paligid hanggang sa mawalan ako nang malay...


▬▬▬▬▬


Nagising na lang ako nang nakatali ang parehong paaʼt kamay ko sa isang puno. Medyo malabo pa rin ang paningin ko dahil sa pagkakapalo ng kung ano sa akin noong lumabas ako sa bahay namin.

Sa tingin ko rin ay nasa isang gubat ako ngayon at gabi na dahil madilim na ang paligid. May tatlo namang lalaki sa di kalayuan ang nag-aaway. Sinubukan ko silang pakinggan.

"Kaklase ko siya kaya ako muna ang titikim sa kanya!" galit na sambit ng isang lalaki.

"Hindi! Ako muna dahil kapitbahay namin siya!" sambit naman ng isa pang lalaki.

in my sweet imagination | some short stories ✓Where stories live. Discover now