Dream 004 | Mundo

35 8 1
                                    


𝅘𝅥𝅮 Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo... 𝅘𝅥𝅮


Sa tuwing naririnig ko ang kantang 'yan ay napapaiyak na lang ako. Alam mo kung bakit? Kasi noon, ako ang iyong mundo.

Ngayon?

Hindi na.

Natatandaan ko pa ang sinabi mo sa akin noon:

"Hindi kita iiwan. At sana hindi mo rin ako iwan."

Kaya ginawa ko rin ʼyan. Hindi kita iniwan, kasi mahal na mahal kita.

Ngunit pagkatapos ng maraming panahon, ito na ang sinabi mo na sa akin:

"Iiwan na kita. At hindi na muling babalik pa. Pasensya ka na..."

Kinalimutan ko ang lahat nang dahil sayo, at para sayo. Nilimot ko ang mundong ito para lang magkasama tayo. Ngunit sa huli, aalis ka rin pala. Lilisan din pala.

Hindi na ako aasang babalik ka pa sa akin dahil alam kong hindi mo na ako mahal ngayon.


At dahil rin sa iba na ang iyong mundo.

in my sweet imagination | some short stories ✓Where stories live. Discover now