Chapter XLIII

3.6K 26 12
                                    



Revised.

__________________________________________________

Lewis' POV



"So anong pinag uusapan niyo jan at hindi niyo manlang ako sinasali? Kailan pa kayo naging close na dalawa ha? Because as far as I remember mag kaaway ang turingan niyo sa isa't isa" Natigil ang pag uusap namin ni Lucas nang biglang sumulpot sa harap namin si Bella. 



"B-babe" Kinakabahang sambit ni Lucas napalunok naman ako sa kaba. 



"Wag mo ko ma-babe babe ha! Kanina pa kita hinahanap hindi na kita pinakealaman nung nag sabi ka na pupuntahan mo si Lewis kahit na sobrang weird non. Ano ba talaga nangyayari?" Naiinis na sagot niya. 



"Maupo ka muna bago kami mag paliwanag sayo. Kunin mo na sa table mo ung food mo" Mahinahong sambit ko sakanya na agad naman niyang sinunod. 





"Akala ko ba sabi mo nag papahinga si Bella anong ginagawa niyan dito bakit nag gagala?" Bulong ko kay Lucas. 



"Hindi ko din alam ang sabi ko mag ayos siyang gamit eh tapos lumipat na sa new room namin eh pagod yan kanina pa kaya expected ko talaga na mag papahinga siya malay ko bang mag fofoodtrip yan" Pabulong na sagot niya sasagot pa sana ko nang makita kong pabalik na si Bella sa pwesto namin kaya mabilis akong umayos ng upo. 



"So ano na? Ano ung tinatago niyo sa'kin para hindi niyo sabihin sa'kin na palihim pala kayong nag uusap at nag kikita? Kailan pa kayo nagkasundo ha?" Hindi padin siya nag babago nakakatakot siyang magalit. 



"Saglit kasi isa-isa lang paano naman namin yan masasagot kung sunod-sunod iyang tanong mo?" Naiinis na sagot ko agad naman niya kong binatukan tumawa naman agad si Lucas nang dahil doon ay pati siya ay nabatukan. 



"Eto na mag sasabi na" Nagulat ako sa sinagot ni Lucas aaminin niya talaga? Akala ko ba mas safe pag walang alam si Bella. 



"Sure ka jan?" Nag aalangan na tanong ko pag tingin ko naman kay Bella ay nanlilisik na ang mata nito sa galit.



"We don't have a choice, nahuli tayo eh" May point naman siya dun caught in the act kami sa wala na talaga kaming malulusutan.



"Ganito kasi Babe nung nakaraan pa namin napag usapan to. Medyo may hinala kami kung sino ung nananakot sayo" Paliwanag ni Lucas agad. 



"Based sa mga narinig ko kanina sa pag uusap niyo si Christine ung pinaghihinalaan niyo. Christine? Yung ex mo yun di'ba?" Sagot ni Bella. 



"Oo siya nga nakabalik na pala siya ng Pinas, Siya lang kasi ung nakikita namin na may motibo na gawin to sayo eh. Noon pa man alam na natin kung gaano siya kainggit sayo and mas lalo siyang nagalit nang maghiwalay kami dahil sa panloloko niya at hindi nag tagal ay nag hiwalay naman sila ng boyfriend niya dahil niloko siya nito. " Mahabang paliwanag ko sakanya ngunit bakas padin sakanyang mukha ang pag tataka. 



"Pero bakit? Anong kasalanan ko sakanya hindi ko naman siya inaano ah? And kung mayroon man akong kasalanan sakanya for god sake ang tagal na nun ilang taon na yung naka lipas?" Naiinis na sambit niya. 





"Ano ba naging dahilan ng away niyo noon?" Tanong ko sakanila bigla naman silang sabay na tumingin sa'kin wait don't tell me



"Dahil sayo" Sabay na sambit nila sa'kin natawa naman bigla si Bella.





"Oh my god hindi padin ba siya maka move on na ako ung pinakasalan mo? Grabe ah ang bitter niya if yun talaga ang pinakang pinagmulan ng galit niya sa'kin I can say na napaka babaw ng hugot niya. Kung gusto niya ibibigay na kita sakanya buong buo pa" Natatawang sambit ni Bella medyo nasaktan naman ako sa sinabi niya na kaya niya kong ibigay na parang bagay lang. 



The Battered Wife (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now