Chapter I

34.1K 399 20
                                    


Revised.

______________________________________________


Bella's POV

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang marahas na katok sa labas ng aking silid.

"Bella! Bubuksan mo ba tong pinto o wawasakin ko to?!"

Natigilan ako nang marinig ang boses na iyon. Naalala ko na pinag bawalan niya kong mag-lock ng kuwarto.Hindi ko alam kung bubuksan ko ba o hahayaan ko siyang wasakin nalang ang pinto.


"Isa! Hindi mo ba talaga bubuksan to? Ayan na nagsimula na siyang magbilang. Mabilis akong tumakbo sa harap ng pinto.


Nanginginig kong binuksan ang pinto, hindi pa man ito nabubuksan ng maayos ay tinulak na niya ito ng malakas. Muntik na ko matumba dahil sa lakas ng pag kakatulak niya.


"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na ayokong nilolock mo itong kwarto mo? Mahirap bang intindihin iyon?!" Galit na singhal niya sakin.



"Hindi ko naman sinasadya na mailock yung pinto nag linis kasi ako dito kagabi hindi ko pala natanggal ang -" Hindi ko na natapos ang paliwanag ko nang bigla niyang hinablot ung buhok ko.


"Sasagot ka pa? Simpleng rules nalang nga hindi mo pa magawa?! Bob* ka ba talaga? O tang*?" Sigaw niya sa tenga ko habang hatak hatak ang buhok ko.


"L-Lewis masakit bitaw na please? Hindi na mauulit parang awa mo na." Naiiyak na maka-awa ko sakanya ngunit tila hindi niya narinig ang sinabi ko dahil imbes na bitawan niya ko ay mas hinigpitan niya ang kapit dito.


"Masasaktan ka pa lalo pag pinairal mo yang katigasan ng ulo mo! Alam mo ba kung anong oras na? Malalate na ko may pasok ngayon wala pang almusal anong klase kang asawa ha? Wala kang kwenta!" Nang-gigigil na sigaw niya sakin. Tuluyan na kong naiyak sa sakit dahil tinulak niya ko at tumama ang braso ko sa vanity table ko.


"Ako pa talaga tinanong mo kung anong klase akong asawa? Eh ikaw tong may karelasyon na iba habang may asawa ka na! Ikaw yung walang kwenta!" Sumbat ko sakanya na ikinagulat niya dahil niminsan hindi ako sumagot sakanya kahit ilang beses na niya ko sinaktan.


Bakas sa mukha niya ang gulat at galit dahil sa sinabi ko. Napa-atras at napalunok ako dahil unti-unti siyang lumapit sakin.


Atras lang ako ng atras hanggang sa naramdaman ko na pader na ang nasa likod ko. Wala na kong kawala sa galit niya sabagay sanay naman na ko sa pananakit niya.



Sa isang buwan na pag sasama namin sa isang bubong eh wala siyang ibang ginawa kundi saktan ako physcially and emotionally.



Bigla niya hinawakan ang mukha ko at diniinan ito. Malamang magpapasa nanaman ito o magsusugat dahil naramdaman kong binaon niya ang kuko niya sa pisnge ko.



"M-masakit please bitaw na hindi ko sinasadya" Pag mamakaawa ko sakanya ramdam ko ang galit sa mga mata niya.




"ANONG SINABI MO?! AKO ANG WALANG KWENTA? MAY KARELASYON AKO KAHIT MAY ASAWA NA KO? FU*K YOU! IKAW ANG NAG PUMILIT NA IPAKASAL AKO SAYO! IKAW ANG MAY DAHILAN KUNG BAKIT NASA GANITONG SITWASYON KA! KAYA WAG MO KO MASISI KUNG BAKIT GANITO AKO SAYO! HINDI KITA MAHAL AT HINDING HINDI KITA MAMAHALIN. OO TAMA KA ASAWA KITA, ASAWA KITA SA PAPEL ISAKSAK MO YAN SA UTAK MO" Gigil at galit na sigaw niya sakin bago niya ko binitawan.



Hindi na ko sumagot pa dahil ayoko nang masaktan pa. Napaupo nalang ako sa sahig at tahimik na umiyak. Nakita kong palabas na siya ng aking silid.



The Battered Wife (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now