Chapter XXXII

9.2K 157 3
                                    


Revised. 

___________________________________________________



Bella's POV 




Nagulat ako nang makita ko sa Christine dito sa condo kung saan nakatira si Joyce. Kailan pa siya nakabalik? The last time I heard kasi nag ibang bansa daw siya after niya malaman na yung Boyfriend niyang si Liam eh niloloko lang pala siya. 





Hindi ako nag pakita kay Christine dahil ayoko ng gulo lalo na ngayon na magulo yung isip ko. Sakto naman na nakalabas na siya ng building nang tawagin ako ng receptionist para paakyatin na sa unit ni Joyce. Tinignan ko ung oras bago ko umakyat maaga pa naman hindi naman ako mag tatagal uuwi din ako agad. Nang makarating ako sa unit ni Joyce nag doorbell ako at agad naman niya itong binuksan. 






"B-bes ano ginagawa mo dito bigla kang napadalaw hindi ka manlang nagsabi wala pa naman ako stock ng pagkain dito halika pasok ka" Gulat na bungad ni Joyce nang makita niya ko sa labas ng unit niya. 




"Ah ano kasi wala akong magawa saka iniwan ko si Quinn kay Matt para magkaron naman ako ng konting oras para sa sarili ko" Pag dadahilan ko mabilis naman niyang sinara ang pinto at pumunta sa kusina. 




"Sus Bella wag ako lokohin mo ilang taon na tayong magkaibigan yang mga ganyan mo kabisado ko na. Oh eto mag juice ka muna bago mo ikwento sakin yang dala dala mo jan" Natatawang sagot niya habang inaabot sa'kin yung juice kaya pala siya pumunta ng kusina. Nakita ko sa center table niya na may dalawang baso ng juice dun pero hindi ko nalang pinansin. Kinuha ko nalang yung inaabot niyang juice at ininom mas lalo siyang natawa. 





"Bakit ka tumatawa?" Naiinis na sambit ko sakanya. 





"Uhaw na uhaw ka girl? ano ba kasi nangyari nag away ba kayo ni Matt or ni Tita di'ba may urgent thing kayo kanina?" Sunod sunod na tanong niya.





"So ayun na nga to make the story short malapit na malugi ung company namin and the only way na maisalba siya is i-merge siya sa ibang company. Unluckily sa company nila Lewis namin imemerge and company." Malungkot na kwento ko sakanya. 





"OMG it means you and Lewis will be working together! Bakit nga pala sa company nila wala bang ibang company na pwede kayo saluhin?" Nagtataka ng tanong niya huminga muna ako ng malalim bago ko siya tinignan.





"Pag hahanap pa kasi ng iba matatagalan daw eh malapit na talaga mag declare ang company ng bankruptcy kaya naisip nila na tutal ASAWA ko naman daw si Lewis bakit hindi pa sakanila and I've heard from Mom na si Lewis mismo nag presinta kay Mommy na imerge and company nila samin" Pag papaliwanag ko dahan dahan naman siyang tumango.





"Oh anong problema dun? Ayaw mo ba nun hindi mawawala sa inyo ung kumpanyang pinaghirapan ng parents mo you should be thankful kay Lewis kasi kahit na hindi naging maayos ung pagsasama niyo noon or kahit until now hindi kayo in good terms anjan parin siya handang tumulong sainyo without anything in return. Hindi ka naman siguro niya pipilitin na bumalik sakanya kapalit ng tulong na ibibigay niya di'ba?" Napaisip ako tama naman siya pero ayoko kasi talaga. 





"Sis ganito kasi yan wala man siyang ibang motibo kung bakit niya kami tutulungan dun palang ayoko na eh kasi ayoko na magkaron ako ng utang na loob sakanya. Ayoko dumating sa point na kailangan nanaman namin maging okay for the sake of the company." Malamang kasi ganun ang mangyayari sasabihin ni Mommy na we should be in good terms dahil sinalba niya kami. 



The Battered Wife (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now