Chapter XLVII

375 2 1
                                    


Joyce's POV



Andito kami ngayon sa bahay kung saan namin tinatago si Quinn. Hindi naman sana ko aabot sa ganito kung hindi naging gahaman si Bella. Dati palang gusto niya lahat ng attention ng mga tao nasakanya. Siya na ang magaling, mayaman at maganda. Ako naman unang nag pakilala sakanya kay Lucas pero anong ginawa niya? Inahas niya pa deny deny pa siya ng wala siyang gusto kay Lucas kasi meron na siyang Lewis pero in the end kay Lucas padin siya tumakbo.



"Oy ano na bang plano natin" Iritang tanong ko kay Christine, kung nagtataka kayo kung bakit magkasundo kami yun ay dahil sa kasamaang palad ay pinsan ko pala siya sa side ng tatay ko. Late na namin nalaman. Eh gusto niya balikan si Bella sa pang aagaw kay Lewis kaya heto kami ngayon. 



"Ako ang plano ko ay makuha si Lewis, eh ikaw ano bang plano mo? Bakit kasi andito ka? Hindi ba dapat andun ka nag babantay ng kilos nila para malalaman nila kung ano plano nila. Hindi ba sila mag tataka kung bakit hindi ka natulong sa pag hahanap jan sa batang yan?" 

"Iyon din naman ang plano ko ang makuha si Lucas. Nag sabi naman ako kay Bella na mamayang after lunch ako pupunta sakanila kasi may inaasikaso pa ko. Saka ano ba balak mo kay Quinn? Wag natin siya idamay dito kahit papano inaanak ko yon ayoko masaktan yun" hindi naman ako ganun kasama para hayaan kong masaktan si Quinn. Kailangan lang muna namin siya para magkagulo ang mga magulang niya. 



"Oo na hindi ko gagalawin yang batang yan. Basta pumunta ka na dun agad at doon mo makikita ang susunod kong plano okay? Saka asan na ba yung bata at si Roxy pinakain mo na ba yung mga yun?" 



"Ay wow concern ka? May kabutihan din pala jan sa puso mo noh infairness sayo. Oo kumain na sila andun sila sa kwarto tulog ata nilalagyan ko ng pampatulog ung pagkain ng bata para tulog lang ng tulog at hindi na magtanong pa"  wala naman sana sa plano ko yung gantong kaganapan kaso wala kailangan talaga. 



"Ano pa ba hinihintay mo dito? Wag ka mag alala di ko sasaktan yung bata pumunta ka na sa lungga nila at mag manman ka dun. Update me agad kung may makukuha kang balita sa mga plano nila" iritang sambit sa'kin ni Christine 

"Oo na ito na aayusin ko lang yung gamit ko at aalis na ko. Umayos ka ha wag mo sasaktan si Quinn. Pag nagising na sila utusan mo nalang si Roxy" sagot ko habang hinahanap ung ibang mga gamit ko. Ilang araw nadin kasi kami nag lalagi dito ni Christine para ayusin yung mga plano namin laban kina Bella. 



Simula ng itago sa'kin nila Bella at Lucas ang relasyon nila dun namuo yung inggit at selos ko. Alam naman ni Bella na matagal ko ng gusto si Lucas pero hindi ako umaamin dahil alam din namin kung sino talaga ang gusto ni Lucas. Hindi naman kasi vocal si Lucas dun pero showy siya. Mula't sapul iba ang trato niya kay Bella kumpara sa'kin. Protective din siya sa'kin pero iba talaga pag dating kay Bella.



Ilang minutes of driving lang nakarating nadin ako sa bahay ng magulang ni Bella, tinawagan ko kasi siya kanina para itanong kung nasan sila. Kinakabahan pa ko pumasok dahil baka mamaya makahalata sila na kasabwat ako sa pagkawala ng anak nila. Isang hingang malalim muna bago ko binuksan ang pinto. Kumpleto silang lahat sa sala nag uusap at may napansin din akong ibang tao na armado.



"Bes buti nalang dumating ka na" bungad sa'kin ni Bella sabay yakap niya sa'kin. Sorry Bella, hindi ka sana masasaktan ng ganito kung hindi mo inagaw ang dapat na sa akin. 



"Sorry ngayon lang ako nakapunta biglang dumami kasi yung trabaho ko. Ano na ba balita? Kilala na ba kung sino kumuha kay Quinn. " medyo iniba ko ung salita ko syempre kailangan natin mag alala ng kahit kunwari lang para hindi sila makahalata.

The Battered Wife (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon