Chapter XLII

2.6K 16 5
                                    

Revised.

___________________________________________________



Bella's POV


Nanginig ako sa takot nang mabasa ko ang nakasulat sa papel, sakto naman na dumating si Matt nataranta siyang lumapit sa'kin ngunit hindi padin ako makapag salita dahil sa takot kaya wala akong nagawa kundi ituro nalang ang papel na nalaglag sa sahig Dali dali niya itong pinulot at binasa. 



"Sino kaya yung gumagawa sa'tin nito paano niya nalaman kung nasan tayo? Maaring nag mamasid lang yan sa atin. Pinagmamasdan ang bawat kilos natin. Babe kailanganna natin mag hire ng body guard para sainyo ni Quinn" Natataranta at nag aalalang sambit ni Matt. 





"Hindi ko din alam kung sino gagawa nito sa'kin wala naman akong nakaaway o inagawan. Pwede naman tayo kumuha ng body guard pero dapat kilala natin or from agency talaga then if possible ipa-double or triple background check baka mamaya makuha natin mismong tauhan ng nanggugulo satin" Hindi naman ako natatakot para sa sarili ko eh nakatatakot ako para sa anak ko. 



"Kunin mo na ung mga natitirang gamit natin dito eto na yung keycard dun sa room na lilipatan natin pupuntahan ko lang si Lewis" Nagulat naman ako sa sinabi niya na pupuntahan niya si Lewis eh hindi naman sila nag uusap ng matino non. Hindi ko nalang siya pinuna tungkol doon baka tungkol lang kay Quinn yun. Sinunod ko naman ung sinabi niya inayos ko na lahat ng gamit namin nila Quinn para makalipat na kami. 

Sa dami ng gamit namin hindi ko kaya dalin yun lahat kaya tumawag ako ng hotel boy para tulungan akong buhatin ung mga gamit namin papunta dun sa lilipatan naming kwarto. Good thing sa suite na nakuha ni Matt is dalawa ung bed isang king size and isang single bed. Sa tabi nalang namin ni Matt si Quinn at sa kabilang bed naman si Roxy. 



"Salamat sa tulong" Nakangiting sambit ko dun sa hotel boy inabutan ko din naman siya ng tip na labis niyang ikinatuwa.



"Maraming salamat po Ma'am malaking tulong ho ito para sa pamilya ko. Kung kinakailangan niyo po ulit ng tulong wag po kayong mahihiyang tawagin or ipatawag po ako, Ako po si James" Natuwa naman ako sa naging reaction niya para sa maliit na halagang binigay ko sakanya halatang kailangan na kailangan niya ito. Sa sinabi niyang baka daw kailangan ko ulit ng tulong ay doon ko naalala ung lalakeng nakacap sa labas ng pinto namin kanina. 





"Ahh James di'ba sabi mo if kailangan ko ng tulong ay magsabi lang ako sayo?" Nag aalinlangan kong tanong sakanya agad naman siyang tumingin sa'kin. 



"Oo naman po Ma'am kahit ano po gagawin ko" Nakangiti niyang tugon sa'kin. 



"Maaari mo bang makuha ang CCTV footage sa labas ng dati namin kwarto ung kinuhaan natin ng gamit kanina?" Nakita ko ang pagkabigla ng kanyang mukha marahil hindi niya akalain na ganitong pabor ang hihingin ko sakanya. 



"H-ho? CCTV footage po? Sa security po kasi yun Ma'am at sa pag kakaalam ko ay hindi nila basta basta binibigay po yun kung hindi naman po valid yung reason niyo" Pag papaliwanag niya. 



"Kaya nga ikaw ang gagawa eh para hindi na ko mag paliwanag dali na, ikaw lang kasi ang makakatulong sa'kin willing ako magbayad 10,000 pesos kung sakaling makuha mo ang footage sa labas ng kwarto namin hanggang sa may fire exit" Nanlaki ang mga mata niya nang sabihin kong mag babayad ako ng sampung libo para sa pinapagawa ko sakanya. 



"Aanhin niyo po ba iyon at willing ho kayo gumastos ng ganung kalaking pera?" Nagtatakang tanong niya. 



"Nung mga nakaraang linggo may mga natatanggap kaming death threats tapos ilang araw siyang nanahimik at nagulat ako kanina dahil nakita ko na may isang lalaking naka all black na nakacap sa harap ng pinto namin kanina kaya nais ko sana makita ung mga footage ng maaaring dinaanan niya para sana makilala namin siya dahil natatakot ako para sa kaligtasan ng anak ko." Mahabang paliwanag ko sakanya matagal siyang nanahimik at tulala wari'y may malalim na iniisip. 



The Battered Wife (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now