Chapter VI

16.9K 269 1
                                    


Revised. 

________________________________


Joyce's POV



If napapaisip kayo kung bakit alam ko na OTW na si Bella kanina ganito kasi yun tinawagan lang naman ako ng magaling niyang asawa para lang sabihin sakin na papunta na si Bella alalayan ko daw. Nag taka ko bakit may sakit ba si Bella? Hindi na ko nag tanong pa baka kung ano pa masabi ko sa hayup na yun.



Akala niya ata hindi ko alam mga ginagawa niya kay Bella ilang beses ko nang nakitaan ng pasa si Bella hindi lang siya nagsasabi pero alam ko kung saan galing.




Late pumasok si Bella kanina galing daw siya kay Dean tinuruan niya ata ng leksyon ung kabit ni Lewis pero may napansin kasi ako sakanya kanina na bukod sa hindi siya na uniform eh akala mo bagong tuli hindi siya makalakad ng maayos. Hhmm hindi kaya nabugbog nanaman to ng asawa niya dahil sa nangyaring revelation kahapon?




Tapos na class namin umalis na si Prof buti naman ayoko talaga ng Math magkaaway kami ng numbers. Nag aayos na ko ng gamit nang makita ko si Bella sa harap ko.



"Joyce tara na?" Yaya niya sakin sus if I know gusto lang niyan humiga sa VIP. May kama kasi dun na pwede kami matulog pag vacant time namin wag niyo na tanungin kung sino nag pagawa halata naman na parang condo ung room na yun may kama, kusina at cr.




"Sure tara na alam ko naman na excited ka na humiga dun bakit kaya hindi ka nalang dun tumira?" Natatawa kong asar sakanya



"Sira ka gusto ko lang ng peace of mind kaya tara na at nagugutom na ko" Naiinis na sagot niya ayaw talaga nito ng nagugutom siya.




"Lucas tara na daw" Tinawag ko na sa Lucas busy pa makipag kwentuhan sa mga babae.




"Oo susunod ako bibili lang ako pagkain natin ano ba gusto niyo? Ikaw Ysa may gusto ka ba?" Kay Bella lang siya nakatingin habang nag aayos ng gamit niya hanggang ngayon ba gusto padin niya si Bella?


"Yes may mang lilibre! Ano meron Matt bakit ka manlilibre? Sinagot ka na ba ng gusto mo?" Natatawang sagot ni Bella, kung alam mo lang Bella na ikaw gusto niyan makatawa ka pa kaya?




Hindi nakasagot si Lucas at napatitig nalang siya sa tumatawang Bella. Kitang kita ko sa mga mata niya na mahal talaga niya si Bella siya nga lang "daw" ang pwedeng tumawag ng Ysa kay Bella eh, bakit ba kasi si Bella? Andito naman ako eh.



"Bella grabe ka ang yaman yaman mo sabik ka sa libre?" Pag basag ko sa katahimikan.


"Aba syempre noh isipin mo si Matt? Number 1 kuripot tapos manlilibre? Himala yun noh kaya dahil jan gusto namin ng Pizza, Lasagna and Donut! Hahahaha" Parang baliw na si Bella kanina pa tuwang tuwa kung hindi mo siya kilala hindi mo iisipin na malaki ung problema niya.



"Sabagay may point ka jan sige na Lucas bumili ka na baka mangain na si Bella kilala mo naman to pag gutom" Tinaboy ko na si Lucas para makapag usap na kami ni Bella.



Hinila na ko ni Bella papuntang VIP nakahawak siya sakin at kapansin pansin talaga na hindi ganun ka-ayos yung pag lalakad niya.



Nakarating na kami sa VIP medyo malayo kasi to sa mga rooms para hindi kami naiingayan pag pasok palang namin ay dumiretso na si Bella sa kuwarto malamang hihiga na yun. Sinara ko na muna ang VIP may key card naman si Lucas kaya makakapasok naman yun.



The Battered Wife (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now