Chapter XIX

12.8K 210 0
                                    


Revised.

_______________________________

Matt's POV 

"Matt paano kung nahuhulog na ko sayo?" Natigilan ako sa biglang sinabi ni Ysa. Alam naman na niya yung tunay ko na nararamdaman sakaniya pero never ko hiniling sakaniya na mahalin niya ko pabalik. Sapat na sa'kin yung hayaan niya kong mahalin sila ni Quinn. 



"Seryoso ka ba Ysa?" Nag aalangan kong tanong sakaniya ayoko naman kasi na mahalin niya ko nang dahil lang sa mahal ko siya. 




"Oo seryoso ko I've been thinking about it this past few months yun talaga yung nararamdaman ko and deserve mo naman yun" Paliwanag niya umupo ako para makapag isip isang taon na kami dito oo medyo matagal na yun pero ayoko naman na madaliin niya yung nraramdaman niya sa'kin.



"Ysa alam mo naman na hindi kita minamadali di'ba? Wag mo ko mahalin nang dahil lang thankful ka sa'kin kasi hindi ko yun matatanggap. Ginagawa ko lahat ng ito para sainyo hindi lang dahil mahal kita kasi yun yung nararapat para sainyo." Hindi siya sumagot umupo din siya at yumakap sa'kin. 



"Seryoso naman kasi ako hindi naman ako napipilitan o ano pa man. Ayaw mo ba?"  Naiiyak na tanong niya. Niyakap ko narin siya dahil any moment iiyak na to. 




"Gustong gusto ko alam mo yan ayoko lang talaga na madaliin ka at i-take advantage ka sa situation mo ngayon. Wag ka na umiyak tahan na sige na naniniwala na ko" Mabilis naman siyang umalis mula sa yakap ko at humarap sa'kin nang nakangiti. 




"Talaga naniniwala ka na?" Nakangiting tanong niya sa'kin ginulo ko ang buhok niya at tinawanan siya.



"Oo na po para ka paring bata 23 years old ka na uy nanay ka na nga eh" Biro ko sakaniya bigla naman niya kong hinampas ng unan sa mukha oh diba isip bata talaga. 




"Bata mo mukha mo sapakin kita eh. Pero seryoso na kasi I want us to work out para sa atin dalawa at pati narin kay Quinn" Seryosong sambit niya sa'kin. 




"Okay pero if hindi talaga kaya wag mo ng pilitin kasi mas mahihirapan lang tayo. Basta ang tandaan mo mahal kita no matter what happens. Matulog na tayo maaga pa tayo bukas tulungan mo ko mag luto" Humiga na ko at siya naman ay humiga narin sa ginawa niyang unan yung braso ko. 





"Good Night Matt Thank you for everything" Mahinang bulong niya bago tuluyang natulog.



Dahan dahan kong hinaplos ang kanyang buhok habang tinitignan ko ang maamo niyang mukha. Ang tingin ko kasi kay Ysa ay para siyang isang mamahaling figurine kung saan ay dapat itong ingatan at wag hahayaang mabasag. Kung kikilalanin kasi si Ysa makikilala mo siya bilang isang masahayin at makulit na babae pero ang totoo, Mahina siya sa loob she's fragile and hindi ko hahayaan na masaktan siya. 





"Pinapangako ko Ysa I'll protect you at all cost" Bulong ko sakaniya bago ko natulog. 




Bella's POV 



Nagising ako nang makarinig ako ng parang may nag aaway sa baba. Anong oras na ba sabi ni Matt maaga kami ngayon hindi naman niya ko ginising pag check ko ng phone ko 9 am na pala nako malamang ang dami ng ginagawa ni Matt plus si Baby papaliguan pa yun. Usually kasi dapat before 10 AM ligo na si Quinn. Inayos ko na muna yung kama bago ko dumiretso sa banyo para sa aking morning routine. Malapit na ko sa baba nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses. 



The Battered Wife (UNDER EDITING)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu