Nag hilamos at sipilyo muna ko bago puntahan si Rio. Katunayan simula na napadpad ako rito ay puro si Rio ang madalas ko nakakasama kahit na nakilala ko na sila Steve.

Pag baba ko ay nasilayan ko si Rio na nakaupo sa aming sofa at nanonood ng Stranger things sa aming tv. Tutok na tutok s'ya sa kanyang panonood kaya hindi na rin n'ya napansin ang aking presensya.


"Ang aga mo ata" wika ko sa kanya. Kaya nakuha ko ang kanyang atensyon.

"Nag luto kasi si Mommy ng macaroni, kaya naisipan ko na dalhan ka" pinakita n'ya saakin ang tupperware na may malaman na macaroni. "Bumili na rin ako kanina ng ice cream bago mag tungo rito. Pinalagay ko muna sa ref n'yo para 'di matunaw" ngumiti s'ya at kumindat saakin "mango flavor" dagdag pa n'ya

"Nag abala ka pa, salamat. Wait kukuha lang ako ng platito" paalam ko sa kanya. May kung ano sa aking dibdib. Hindi ko mapigilan ang aking pag kakaba. Mukha hindi na ata talaga ako normal pati ang pag tibok ng aking puso ay kakaiba na.

Bumalik agad ako pag kakuha ko ng kutsara at platito. Abala pa rin si Rio sa kanyang panonood. Tumabi ako sa kanya at inayos ang aming pag kain.

Katunayan si Rio ang una kong lalaki na naging kaclose na ganito. Kung dati ay may nagiging kaibigan ako na lalaki pero 'di tulad ni Rio. Sa pang pito na araw ko rito ay mas lalo gumagaan ang aking pakiramdam lalo kapag kasama ko si Rio 'di tulad nung una namin pag kikita dahil na rin sobrang takot ko sa lahat ng mga nakakasalamuha ko rito. Hindi naging hadlang ang saglit ng aming pinag samahan sa kung gaano ako komportable ngayon.

Siguro naging isang dahilan na rin na ngayon pa lamang ako nag karoon ng ganitong klase ng kaibigan at may mga bagay na rin ako nalaman tungkol sa kanya.

"Napanood mo na ba ito?" Tanong n'ya saakin habang nakatingin pa rin sa tv.

"Hindi ako mahilig manood ng mga ganyan"  wika ko. Kinuha ko ang aking platito at sumandal sa sofa.

"Weh? Kung ganon ano ang pinag kakaabalahan mo?" Tanong n'ya muli sa'kin at kumain na rin ng macaroni.

"Madalas akong nag babasa ng mga libro" simpleng sagot ko. Tumango lamang s'ya at bumalik sa kanyang panonood.

Natapos ako kumain na hindi na muli kami nag imikan ni Rio dahil abala pa rin s'ya sa kanyang panonood. Naisip ko na kumuha muna ng libro sa silid aklatan upang malibang na muna ako.

"Sandali lang" paalam ko kay Rio. Tumango lang s'ya saakin at nanood muli.

Pag katungo ko sa silid aklatan ay nakita ko si Ashley na nakaupo sa isang sofa habang nag babasa isang libro na teen fiction.

"Narian pa ba si Kuya Rio?" Tanong n'ya saakin. Tumingin muna ako sa kanya at tumango.

Kinuha ko ang pangalawang libro ng school for good and evil dahil hindi ko pa rin ito natatapos at parang mas maganda mag basa ng ganito ngayon.

"Nag kakamabutihan na kayo 'te no?" Tanong ulit saakin ni Ashley. Ngumiti ako sa kanya at tumango ulit. Siguro na pansin na rin n'ya na mas madalas ko na kakasama si Rio. Ilang beses na rin n'ya ako hinahatid dito sa bahay.

"Crush mo?"

"Huh? Hindi no. Bakit mo natanong?"

"Wala. Namumula ka e" napahawak ako saakin pisnge. Tumawa naman si Ashley at bumalik sa kanyang pag babasa.

Habang pabalik ako sa sala ay nag papaisip ako. P'wede ba ko mag kagusto sa isang tao sa loob lamang ng pitong araw? Napaka rupok naman ata ng aking puso kung totoong nakakagusto na nga ako kay Rio.

VeracityWhere stories live. Discover now