Chapter 20

2.3K 92 19
                                    

Erika's POV







3 days post break up. I'm depressed, still crying, unable to eat.

Simula ng umuwi ako dito sa apartment hindi na ako lumalabas, naka off rin ang cellphone ko para wala akong makausap.

Tuwing naiisip ko ang mukha ni Kimberly sumasakit ulit ang puso ko.

"I hate you." Pikit mata kong wika. Alam kong namumugto ang mga mata ko ngayon dahil sa kakaiyak.

'Siguro magkasama sila ng babaeng yun ngayon.' I'm jealous again.

Tumulo ulit ang luha ko. Hindi ko kaya, sobrang sakit.

"Erika?!" Napamulat ako sa lakas ng sigaw at katok sa pintoan ko. "Erika?"

Boses ni Kim.

Dahan-dahan akong bumangon at pinunasan ang mga mata.

"Erika! Open the door. Kilala mo ako, kayang-kaya kong wasakin ang pinto mo."

Ayoko sana syang harapin pero baka mageskandalo sya dito. Alam kong magagawa nya ang banta.

Tinungo ko ang pinto. Inayos ko muna ang sarili bago sya pinagbuksan.

"Anong kelangan mo?" Iwas mata kong bungad. Hindi maganda ang huling pag-uusap namin kaya hindi ko alam kung paano sya titingnan.

Hindi sya sumagot at nilampasan lang ako.

Buntong hininga kong sinara ang pinto. Halatang nakainom ito dahil sa amoy ng alak.

"Pwede ba umalis ka ---." Napatigil ako ng bigla nyang kinabig ang bewang ko at mapusok na hinalikan ang labi ko.

Lasang-lasa ko ang alak sa bibig nya.

Feeling ko kakapusin na ako ng hininga kaya inipon ko ang lahat ng lakas ko para itulak sya.

"Stop!" Agad ko itong sinampal para tumigil.

Pareho kaming nabigla, pero mas nagulat ako ng mapagmasdan ang mukha nya.

May sugat ito sa gilid ng labi at pasa sa kanang pisnge.

Pigil na pigil ko ang sarili na hawakan ang mukha nito. 'No Erika.'

"You don't love me anymore?" Malungkot nitong tanong. Hindi ako sumagot at hinayaan lang itong magsalita. "Babe i'm so sorry. Patawarin mo na ako, pinagsisisihan ko ang mga ginawa ko noon at hindi ko na yun uulitin pa. Nangako ako sayo di ba? Ginagawa ko naman ang lahat para ipakita sayo na ikaw lang, na ikaw lang ang mahal ko. Maniwala ka naman sa akin oh." She hold my hand. "Please trust me. Hinding-hindi ko magagawang saktan ka ulit. Kung gusto mo magpakasal na tayo para mapatunayan ko sayo na totoo lahat ang sinasabi ko." Nilagay nya ang dalawa kong kamay sa magkabila nyang pinsge. "I love you so much. Hindi ko kayang mawala ka sa akin."

Bakit naiiyak ako?

Pinikit ko ang mga mata at binawi ang dalawa kong kamay.

"Babe." Bigla nya akong niyakap ng mahigpit. "Please listen to me. Susundin ko ang lahat ng sasabihin mo para maayos natin to."

I bite my lower lip. Trying so hard to control my soft heart, i could still feel the pain.

Lahat na yata ng masasakit na salita ay nasabi ko na sa kanya.

"I love you Erika." Lalo pang humigpit ang yakap nito. "Ikaw lang ang nag-iisang babae sa buhay ko."

Ako lang? Ang sarap pakinggan pero kahit gusto kong maniwala sumisiksik parin sa utak ko ang mukha ni Hailey.

"Kim." I push her. "Umuwi kana."

"Please don't do this. Mag-usap muna tayo ng maayos." Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. "Gusto mo lumuhod ako? Sige gagawin ko babe." She kneel down and hold my hand. "I'm sorry, patawarin mo na ako babe. I love you so much."

Pure Love (gxg) Kim❤ErikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon