Chapter 17

1.9K 66 13
                                    

Kim's POV












"Ano yan?" Tanong ko sa babaeng kanina pa hindi namamansin. Alam ko naman na gumagawa sya ng juice, gusto ko lang talagang magpapansin.

Pagkatapos naming kumain kasama ang ama nya dinala ko naman sya dito sa condo ko. Buti na lang at hindi tumanggi.

"Juice." Wala sa mood nitong sagot.

Tumango-tango ako. "Masarap ba yan?"

"Kim, wag mo nga akong kinukulit pwede?" Tinalikuran nya ako at tinungo ang sala.

Ok, hahayaan muna kita. Dahil kay Juancho kaya sya naiinis sa akin. Maghintay ka lang babe, papatunayan ko sayo na tama ang mga hinala ko.

Sinundan ko sya sa sala pero malayo akong umupo. Nanonood sya ng tv habang naglalaro naman ako sa cellphone ko. Hinihintay ko parin ang tawag ni Yujin.

"Shit!" Napasigaw ako ng mamatay sa laro. "Bobo naman."

Inis ang mukha kong tumingin kay Erika. Umirap naman agad ito ng magtama ang mga mata namin. Ang sungit. Binalik ko na lang ulit ang atensyon sa paglalaro. "Patay ka sa akin ngayon." Tukoy ko sa kalaban ko.

Habang abala ako sa paglalaro hindi ko namalayan na nakatayo na pala si Erika sa harap ko. Saglit akong tumingala sa kanya. "Bakit babe?" At binalik ulit ang mga mata sa laro.

"Choose, ako o yang cellphone mo?"

Tama ba ang narinig ko? Pinapapili nya ako sa kanya o sa cellphone?

Mabilis kong hinagis ang cellphone ko sa sofa at hinila ito sa tabi ko. "Tinatanong pa ba yan?" Nagpapacute akong ngumiti.

"Hindi ka cute." Umalis sya sa tabi ko at bumalik ulit sa pwesto nya kanina.

Nabura agad ang ngiti ko. Ha? Si Erika talaga minsan may topak.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ulit. Akala ko si Yujin na, si Xiao pala.

"Yes?" Sagot ko.

"Asan ka?"

"Sa condo, bakit?"

"Hulaan mo kung sino ang nakasalubong ko kanina sa hotel."

"Ex mo?"

"No, ex mo." May panunuksong sabi nito.

Napakunot noo ako sa narinig. Tiningnan ko muna si Erika, umiinom ito ng juice at nasa tv ang mga mata. "Wag mo nga akong binibiro." Mukhang alam ko na kung sino ang tinutukoy nya, sana naman hindi totoo.

"Lagot ka, andito na ulit si Hailey." Tumawa ito. "Sigurado world war 3 na naman kayo ni Erika kapag nalaman nya na andito ang babae mo."

Shit! My heart almost skip. Anong ginagawa nya dito?

Tumayo ako at pumunta sa may veranda. "Sigurado ka ba na sya ang nakita mo?"

"Malinaw pa sa isang dosenang sampal sa mukha mo dude."

"Fuck you, sige na bye na." Kelangan kong mag-isip.

"Good luck Kimberly." Nang-aasar pa itong tumawa bago nawala sa linya.

Agad kong tinawagan si Tony..

"Yes boss."

"Maghanda ka, isama mo si Brandon at Uno."

"Bakit boss?"

"Natatandaan mo pa ba si Hailey?" Sinilip ko si Erika, baka bigla na lang sumulpot sa tabi ko.

"Opo boss si maam Hailey, yung babaeng pinahatid nyo sa australia?"

Pure Love (gxg) Kim❤ErikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon