Prologue

12.6K 211 15
                                    

"Ahhh! Bahala na! Crush lang naman eh. Wala namang mawawala." Kinakabahan kong wika sa sarili. Patago kong nilagay ang love letter sa locker ni Erika. Hindi ko na talaga matiis, tsaka hindi naman siguro nya malalaman na ako ang naglagay nito. Secret admirer naman ang sinulat ko eh.

Pagkatapos kong mailagay ang love letter tumakbo na ako papuntang gym para sa p.e class namin. Yes, sa wakas nasabi ko na rin ang gusto kong sabihin sa kanya. Ok lang kahit hindi nya malaman na ako basta ang importante nasabi ko na.

"Kim!" Salubong agad ni Stella pagpasok ko sa gym.

"Oh, bakit?"

"Kanina pa kita hinahanap, nakakainis ka naman."

"Bakit mo naman ako hinahanap?"

"Ha? Nakalimutan mo na ba na tuturuan mo akong maglaro ng tennis?" She crossed her arms. "Grabe naman to!"

Ngumiti ako ng maalala ang pinangako sa kanya. "Ah tama. Sorry nawala sa isip ko."

"Ganyan ka naman palagi." Nagtatampo itong umirap.

Inakbayan ko ito. "Sorry na nga eh. Elilibre na lang kita mamaya ng isaw sa labas."

"Ew. Ayoko ng isaw." Maarte nitong sabi. "Uhmm gusto ko starbucks."

Kinurot ko ang pisnge nito. "Starbucks ka pang nalalaman dyan. Wala na nga akong ---."

"Stella."

Napahinto ako ng biglang may nagsalita sa likod. Kahit hindi ako lumingon o kahit nakapikit pa ako alam kong boses yan ng crush ko.

Lumingon si Stella kaya napalingon na rin ako. Hindi ko inalis ang pagkakaakbay sa kanya.

"Oh Erika."

"Samahan mo naman ako oh. Naiwan ko kasi sa locker yung towel ko." Sweet nitong wika. Nahuli ko naman ang mga mata nitong napasulyap sa kamay kong nakaakbay kay Stella.

"Sige. May kukunin rin ako eh."

Lumapit ito at hinila ang kamay ni Stella. "Tara."

Para akong ewan na nakangiti habang hindi inaalis ang pagkakatitig dito.

"Attention everyone!" Boses ni Abigail.

Lahat kami napatingin sa kanya. Nakatayo ito sa taas ng stage.

Tumingin ito ng diretso sa akin.

Ganun na lang ang gulat ko ng ngumisi ito at pinakita ang hawak nito.

Oh shit! Bakit nya hawak ang love letter ko na nilagay sa locker ni Erika?

Parang lalabas ang puso ko sa kaba.

'Anong gagawin mo Abby?'

~~~~

Pure Love (gxg) Kim❤ErikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon