Chapter 19

2K 87 11
                                    

Kim's POV




"Hindi ka ba maliligo?" I hug Erika's back. Ang ganda ng panahon dito sa Maldives. Mainit pero masarap, lalo na at napaka-sexy ng kasama ko.

Erika is wearing a red bikini that really fit her curves, she's so hot and gorgeous.

"Mamaya na." Humarap sya sa akin. "Kim can i ask you a favor?"

"Sure baby, anong gusto mo?" I tuck her hair. Kanina pa sya tahimik, buti naman at kinausap na ako ngayon.

"Pwede bang wag mo na akong pasundan sa mga bodyguards mo?"

Hinaplos ko ang mahaba nyang buhok at pinasadahan muna ng tingin ang katawan nya bago tumingin ulit sa kanyang magandang mukha. "Why? May problema ba sa kanila?"

"Wala naman, naiilang na kasi ako." Napansin ko naman ang pag-iwas nya sa mga mata ko.

"Sorry babe pero hindi ko magagawa yan. Hindi ako papayag na may mangyaring masama sayo, tsaka alam mo naman na andyan lang sila kapag kelangan mo. Hindi naman sila lumalapit sayo di ba?" Naalala ko si Juancho. "Lalo na ngayon na alam kong may nagkakagusto sayo kaya mas lalong hindi pwede. You're mine and i want to protect you."

I have money and power.

Ano pang silbi ng pera ko kung hindi ko poproktehan ang mahal ko.

"Ganun mo ba talaga ako ka-mahal?" Her tune sounds like she want to be sure.

"Oo ganun kita ka-mahal babe." I cupped her cute face. "Lets get married??" Biro kong tanong para ipakita na mahal ko talaga sya, alam ko naman na hindi pa ito papayag. Sabi nga nya hindi pa sya handang ipaalam sa mga tao ang relasyon namin.

"Sure Kim. Kelan mo gusto?" Walang kangiti-ngiti nyang sagot. Nakakakaba ang tingin nya, seryoso at mukhang hindi nagbibiro.

"Papayag ka?" Mangha kong sabi. Parati ko na syang binibiro noon ng kasal at ito ang unang beses na sinagot nya ako ng oo.

"Why not. Doon rin naman tayo papunta." Nagkibit balikat lang ito na parang wala lang sa kanya ang naging desisyon.

May bumara yata sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita. Hindi ba talaga sya nagbibiro?

"Pag-uwi na pag-uwi natin sasabihin ko kaagad kay papa ang totoong relasyon ko sayo."

Naibaba ko ang dalawa kong kamay na nakahawak sa kanyang mukha. Seryoso ba talaga sya?

"Are you ok?"

I smile. "Yeah i'm ok." But deep inside i'm wondering. Anong nangyayari kay Erika? Parang hindi sya ang kausap ko.

"Bakit feeling ko hindi ka masaya sa sinabi ko?" May pagtataray ang tono nito.

"No." I immediately said. "I mean, do you really want to get married now?" Hindi ganito ang pinangarap kong proposal sa kanya.

"Yeah." She walk and lay down on the beach chair. "Hindi ka ba naniniwala?"

Nahimas ko ang batok ko at umupo sa tabi nya. "Anong nakain mo? Bakit ang seryoso mo yata ngayon?" I chuckled.

"Gusto mo ba magbiro ako?" Seryoso parin ang boses nito.

"Hindi naman sa ganun, nagtataka lang kasi ako bigla-bigla kasi ang pag-oo mo."

She sigh. "Alam mo Kim kung ayaw mo naman sabihin mo lang. Tinanong mo ako kaya sinagot kita. Ngayon kung labag naman pala sa loob mo, di bahala ka."

Napatitig ako sa kanya. Bakit parang ang dating e galit sya sa akin.

Hindi ko alam ang iisipin, dapat masaya ako dahil pumayag na sya na ipaalam sa lahat ang relasyon namin pero bakit iba ang pakiramdam ko. Naninibago ako sa kanya ngayon. Hindi ko naman matukoy kung ano ang mali sa kinikilos nya. Pero pakiramdam ko may mali talaga.

Pure Love (gxg) Kim❤ErikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon