Chapter 5

178 5 0
                                    

Chapter 5: agony

I rested my head at the head-rest of the van, and cried my eyes out. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko hindi ko maiwasang hindi nalang humikbi.

Gusto ko na lang umalis sa lugar na 'to. Pero hindi pwede, hindi ako pwedeng mag maneho ng ganito ang sitwasyon ko. Akala ko kaya ko na, akala ko kaya ko nang kontrolin ang emosyon ko kapag nakita ko siya. Pero tangina hindi pala. I longed for his presence, his love and his care.

Pilit kong pinapatahan ang sarili ko. Tinatakpan ko ang bibig ko para pigilan ang mga hikbi ko. I don't even know why I reacted this way. Sa dinami-dami kong pinagdaanan, akala ko kapag nakita ko na ulit siya kaya ko na siyang harapin.

Maybe pain did not disappear, it just somehow found it's hiding spot inside me. Maybe all these pain were hiding inside me and were all released after seeing him after three years.

Sobrang gusto ko siyang sigawan pero hindi ko kaya. Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya 'ko iniwan. Kung bakit niya 'ko iniwan noong oras na 'yon at bakit tanging sulat lang niya ang natanggap ko.

Ang dami kong tanong na kailangan ng sagot. Dahil sa paglisan niya ang daming nawala sa 'kin. I don't blame him, I blame his departure.

I was still crying when I heard a call from my phone.

It's my brother. I tried to collect myself again and tried my very best to stop myself from crying before answering his call. I wiped my tears and answered it. "Hello?" I said, almost a whisper.

"Stay there, I'm on my way. Don't drive, my love." I broke down when I heard his endearment. 'my love'

"Kuya," I cried. "Shh, Kila, you're stronger than that. I'm already close, please stop crying, my love, please?" He begged.

"Please don't end the call. Stay with me until I get there, okay?" I can feel how worried he is for me right now. I can even hear how fast he's driving through our call. "Kuya, ang sakit sakit," sinusuntok-suntok ko pa ang dibdib ko, umaasang maibsan ang nararamdaman kong sakit ngayon.

"Kila, listen to kuya, stop crying, please," He begged.

"Kuya gusto ko ng umuwi, please be fast. Sobrang sakal na sakal na 'ko." Pag-mamakaawa ko. Pagod na 'kong umiyak pero hindi maubos-ubos ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko.

Lumipas ang ilang minuto at may kumakatok na sa bintana ng van ni Kief. "Kila! Open the door!" I heard my brother screamed.

I weakly opened the door. I saw how my brother's emotions changed. From pity to being worried, "Kila, o my god," Sambit niya at hinawakan ang mukha ko. Hinaplos niya 'yon ng isang beses at pinag-masdan ang mga mata ko na sobra na ang pamamaga dahil sa walang tigil na pag-iyak ko.

"Let's go home." Sambit niya bago ako inalalayan palabas ng van. Nakita pa ng mga mata ko si na Chloe, Lana, at Kieffer na nakatayo mula sa malayo, pinagmamasdan ako, bago ako bumaba mula sa van. Kita ko pang umiiyak si Chloe.

I felt weak so I immediately collapsed on the pavement the moment I stepped down. "Larae," tawag ni kuya at pilit akong tinatayo mula sa pag-kaupo ko sa semento. Naiyak lalo ako.

"Tangina, kuya, ang sakit." Sambit ko habang umiiyak pa rin. Nahihirapan na 'kong huminga dahil hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak. "Tangina k-kuya sobrang sakit," Humihikbi kong sabi.

Sinusubukan kong habulin ang paghinga ko, ramdam ko ng sumisikip ang dibdib ko. "Stop crying, nahihirapan ka nang huminga, oh!" Suway niya. Inakay niya 'ko patayo at papasok sa kotse niya.

Hinahabol ko ang paghinga ko dahil nahihirapan na talaga akong huminga. Mabilis na rin ang paghinga ko at ramdam ko na kahit anong oras pwe-pwede na 'kong mag-collapse rito.

Our Delayed Dreams (Dream Series #1)Where stories live. Discover now