Lladone Girls

6 0 0
                                    

Jhe's POV

"Wala pa si Ate?" reklamo ni Kayla. Andito kami ngayon sa The Synth, isa sa mga private room.

Napag-desisyunan kasi naming magkita-kita. Since matagal na naming di nakakasama si Jam. Si Kayla naman kasi lagi kong kasama.

"Text mo kaya o tawagan mo." sabi ko sa kanya.

"Wala yung phone ko, naiwan." sagot nya kaya binatukan ko sya.

"Para kang sira. Mamaya kanina ka pa pala tinatawagan ng ate mo." tumawa lang sya habang umiiwas sa kamay ko.

Kinuha ko yung phone ko and was about to call her ng biglang nag-ring ito.

Sakto. Si Jam.

Ako: Oh! Asaan ka na?

Jam: Papasok na ng bar.

Ako: Osige. Diretso ka sa counter, andun naman si Angel, pa-escort ka na lang sa private room.

Jam: Gege. Bye.

"Andito na sya." sabi ko kay Kayla na nag-iintay ng info.

"Yez! Makakashot din. 5 taon na ang nakalipas nung huli tayong nagkainumang 3 eh." excited na usal ni Kayla habang nagsasalin ng alak sa baso.

"Yo!" biglang dating ni Jam na ang daming dalang paperbags.

"Ano yan?" tanong ko.

"Pasalubong. For my pamangks. Puro lagkain yan don't worry." sabi nya kaya napailing ako. Spoiled talaga yung nga anak namin sa kanya. She still treats them as babies. Lalo na si Lorie at Jhes.

"Asaan yung asawa mo? Tsaka anak mo?" tanong ni Kayla.

"Pinadiretso ko sa bahay." sagot nya sabay lagok ng alak.

Agad naman kaming sumunod sa pag-lagok ni Kayla.

"So how are you?" tanong ko sa kanya.

"Naks! Maka-english. Ate Mumz, wag ng english, para namang di tayo tumambay sa kalye." sagot nya kaya natawa kaming 3.

Nung kabataan kasi namin, kapag naiiwan kami ng mga parents namin, nakatambay kami sa may squatter's area na malapit sa village namin. Mas madami kasing kalaro dun kaya minsan naa-adapt namin yung pananalita nila.

"Hahahahha. Nakaka-gago. Naalala ko nung napagalitan tayo nina Tito nun kasi binigay ko yung iPad na niregalo nya sa akin dun sa mga bata." natatawang kwento ni Kayla.

"Hahahah. Ulol! Meron pa yung pinamigay natin yung snacks na nasa pantry. Si Jam kasi!" sisi ko kay Jam ng maalala yun.

"Hahahhaa. Tangina. Ang sakit ng pwet ko nun kasi pinalo ako ni Mama nung nagsumbong sa kanya si Tito." reklamo nya din kaya nagtawanan kami.

"Eh naalala nyo nung nag-trespass tayo dun sa bakanteng bahay sa tapat ng bahay namin nun. Tapos naki-swimming tayo sa pool nila kahit na medyo nilulumot na." dagdag ni Jam kaya napahagalpak kami ni Kayla.

"Hahahhha. Ampota! Ang dugyot natin nun. Nakakahiya! Pero epic nung  biglang may kumalabog sa loob ng bahay kaya nag-unahan tayo sa paglabas dun sa fence na kahoy na pinagpasukan natin." dagdag ko.

"Jsk! Nasira pa yun. Kung hindi lang tayo kilala ni Manong Guard malamang nakukong tayo."singit ni Kayla.

Nagpatuloy kami sa pag-inom at wala kaming ginawa kung hindi tumawa ng tumawa sa pagpa-flashback ng mga katarantaduhan naming magpi-pinsan nung kabataan namin.

LWTS 2: Married to the StarsWhere stories live. Discover now