The Kim Family

22 0 0
                                    

Jhe's POV

Kagagaling lang namin sa clubhouse at nagkany-kanya na namang pasok sa kwarto yung 4.

Agad akong tumabi kay Bby na nasa sala.

"Bby." tawag ko sa kanya sabay sandal ng ulo ko sa balikat nya.

"Lumalaki na mga anak natin." he blurted out suddenly habang nakatingin sa family picture namin na naka-sabit sa wall.

"I know. At habang lumalaki sila nakukuha nila ugali mo. Especially Dax and Drix." natatawang sabi ko sa kanya.

Sobrang kulit kasi nung 2 yun unlike ng mga kakambal nila na sina Jhes at Drei.

"I'm starting to get scared. I'm too scared to let them go." naluluhang sabi nya.

Agad ko syang niyakap.

He's been a great dad to our kids, he adores them so much. Kung tutuusin mas naging hands on sya sa mga anak namin kesa sa akin. He really loves them, as much as I do.

Nasira yung moment namin ng narinig ko na namang tumatakbo pababa si Dax at Jhes.

"Appa! Si Dax, katok ng katok sa kwarto. Nang-iinis na naman." maktol ng nag-iisang babae namin, si Jhes.

"Luh! Nauna ka kaya." depensa naman ni Dax.

Sunod naman na bumaba yung dalawa naming bunso.

"Ma, can I go to the mall? I need to buy a new book." paalam ni Drei nasa likod nya si Drix na busy sa paglalaro sa Switch nya.

"I'll go with him Mom." sabi nya habang focused sa laro.

"Kakabili mo lang kahapon anak ah?" tanong ko.

"I've already finished it." sabi nya kaya napa-buntong hininga na lang ako.

"Ma, sama ako sa kanila." sabya na presenta ni Dax at Jhes.

"Osya! Lumayas na kayo. Tawagin nyo si Manong Jun para ihatid kayo."

"Opoooo." sabay sabay na sigaw nila habang palabas ng pinto.

"My, kailangan na ata natin magpagawa ng bagong shelf para sa libro ni Drei." suggest ni Bby.

"Tsaka na." sagot ko sabay yakap sa kanya at pikit.

Actually kung titignan maigi, hati talaga yung mga nakuha nilang ugali sa amin. Pero all of them were smart kids. Mas mapapansin mo nga lang na may mas makukulit sa kanila.

LWTS 2: Married to the StarsWhere stories live. Discover now