Annoying Twins

4 0 0
                                    

Jimin's POV

I was busy mixing some drinks dito sa bar ng biglang dumating ang aking napakagandang asawa.

"Hey." bati ko while mixing.

"Where's the twins?" she asked so I pointed at them using my mouth. Hahahahha. Sa kanya ko nakuha yung habit na yun.

The twins are currently arranging the instruments on the stage. Open mic kasi kami ngayon, meaning kung sinong gustong tumugtog at kumanta pwede basta aakyat lang sa stage.

My wife and I were busy in the counter when we heard a loud bang on the stage so we immediately went there.

"Tsk! Ang tanga-tanga naman kasi." inis na sabi ni Chelsea.

Agad kong tinulungan tumayo si Chester na bumagsak aa ibabaw ng drums.

"Bakit ka kasi nanunulak?! Tignan mo nasira yung drums!" sigaw pabalik ni Chester.

"What happened?" tanong ko.

"Tanong mo si Chelsea Dad. Bigla na lang nanunulak. Parang siraulo." inis na sagot sa akin ni Chester habang sinisipat yung sugat nya sa braso.

"Bakit ako? Ikaw ah. Hindi ka nakikinig sabi ko iusog mo yung drums sa may gitna dahil mahaharangan sya ng view kapag nasa gilid!"

"Alam ko! Kaya nga sabi ko ise-set-up ko muna bago ko ilagay sa center!"

"Paano mo ilalagay eh naka-set-up na?!"

"Kaya nga may carpet Chelsea. Wengya! Nangingialam kasi!"

"Wow! Nangingialam pa! Sorry ha!"

"Oh! Ikaw pa may ganang magalit! Ikaw na nga tong nanu----"

"STOP IT!" I shouted at the top of my lungs na syang umalingawngaw sa buong bar napatigil sila.

"Kayong dalawa. Pumasok kayo sa office! Bilis!" sigaw ko ulit kaya napatungo sila pareho at naglakad papunta sa office.

"Gagamutin ko muna yung braso ni Chester kaya mga after 10 minutes ka na pumasok." bulong ni Angel kaya napatango ako.

Pagkapasok nila sa office eh agad kong hinablot yung phone ko.

Calling Taehyung....

T:Hello. Napatawag ka?

JM: Ah, may sasabihin kasi ako. Tungkol sa kambal ko.

T: Nag-away na naman?

JM: Oo eh. This time may physical fight na. Tinulak ni Chelsea si Chester kaya bumagsak sa drums si Chester at nasugatan.

T: Tsk. Kausapin mo. Tapos paghiwalayin mo muna. Bahala ka kung sino gusto mong papuntahin dito sa bahay.

JM: Gege. Salamat.

T: Sige.

*toot*

After kong kausapin si Taehyung eh saktong lumabas si Angel kaya pumasok na ako.

Hinila ko yung swivel chair sa harapan nila kung saan sila magkalayong nakaupo.

"Now tell me, ano bang meron at araw-araw kayong nag-aaway?" tanong ko sabay tingin kay Chester.

"Dad, hindi naman ako nang-aaway. Si Chelsea ang laging nagsisimula. Simpleng salita ko babarahin nya. Simpleng galaw ko papansinin nya. Hindi ko na nga lang pinapatulan Dad. Nagtitimpi na lang ako dahil alam kong pagagalitan nyo kami. Hindi ko alam kung bakit ang init-init ng ulo nya sa akin kahit na wala naman akong ginagawa." kalmadong sabi ni Chester.

Tinignan ko naman si Chelsea na nakatingin sa gilid habang naka-cross arms.

"Oh, ikaw Chelsea, bakit ganun ka sa kapatid mo?" tanong ko ng mahinahon.

Hindi sya kumibo, pero nakita kong pinunasan nya yung mukha nya.

Napabuga ako ng hangin ng makitang walang balak sumagot si Chelsea.

"Sige ganito. Chester, dun ka muna mag-stay ng 1 week kina Tito Taehyung mo. Chelsea, you'll be staying with us. Bawal kayo mag-usap kahit sa school at bawal nyong contact-in ang isa't-isa." sabi ko.

"Pero Da--"

"No buts!" pigil ko sa di pagsang-ayon nilang dalawa. "Chester, halika, kukuha tayo ng gamit mo at ihahatid kita sa Tito mo." dagdag ko.

Labag man sa kalooban nya ay tumayo sya at sumunod sa akin. Paglabas namin, nandoon si Angel kaya sinenyasan kong pasukin nya yung isa sa loob.

---

"Tito." bati ni Chester kay Taehyung at nagmano sa kanya.

"Oh. Umakyat ka na sa kwarto ni Dax. Andun silang lahat." bilin nya kay Chester kaya sumunod na rin lang sya.

Naiwan kami ni Taehyung dito sa baba, naghanda naman sya ng alak at 2 baso tsaka yelo.

"Luh! Hinatid ko lang anak ko may pa-alak ka na." natatawang sabi ko sa kanya.

"Ba! Syempre. Oh anong sabi?" usisa nya habang sinasalinan ng alak yung baso ko.

"Si Chelsea ang hirap kausapin. Di sumasagot. Sabi naman ni Chester wala naman daw syang ginagawa, parang ang init-init daw kasi ng ulo sa kanya ni Chelsea lagi, hindi na lang daw nya pinapansin." sabi ko sabay lagok ng sinalin nya.

"Hmmm. Baka naman may ikinata-tampo si Chelsea kay Chester." hula nya.

"Hindi ko rin alam. Hindi naman kasi natin sila lagi nakakasama at namo-monitor na dahil most of their time eh nasa academy sila." sagot ko sa hula nya.

"Eh asaan si Chelsea ngayon?"

"Iniwan ko sa nanay nya. Ewan ko kung kinakausap sya ng nanay nya. Yung mga kambal mo ba hindi naging ganito?" tanong ko.

"Si Jhes at Dax? Hindi eh. Never sila nagkaroon ng seryosong away, more on harutan at kulitan lang. Masyado kasing protective si Dax kay Jhes, alam mo na nag-iisang babae. Tapos malambing pa si Jhes sa mga kapatid nya kaya they get along pretty well." sagot ni Taehyung sa tanong ko.

Dali-dali kong nilagok yung alak bago tumayo.

"Sige. Alis na ako. Hinihintay ako ng mag-ina ko sa bar kaya kailangan ko ng sumibat. Pakitingin na lang muna si Chester ha? Salamat." tapik ko sa braso nya ng maihatid nya na ako sa labas ng gate.

"Ayos lang yun. Sige. Ingat sa pagda-drive ha!" bilin nya bago ako makasakay ng kotse.

Pagkadating ko ng bar eh agad akong dumiretso sa office at nakitang umiiyak si Chelsea sa nanay nya.

Lumapit ako sa kanila at niyakap sya.

"We won't know anything kung hindi mo sasabihin. Alam mo naman yung kambal mo. Masyadong slow sa mga ganitong bagay. Kaya kailangan sabihin mo ng diretsa sa kanya." bukong ko habang hinahaplos yung likod nya kaya mas umiyak sya.

"Come on Chels. Sabihin mo na kay Daddy yung sinabi mo sakin kanina para aware sya." sabi ni Angel pero di nagsalita si Chelsea. "Osige. I'll leave you two alone. Tell your Daddy about everything." dagdag nya tsaka hinalikan sa ulo si Chelsea at lumabas.

"So, what is it? What's the problem?" tanong ko.

"Si Chester kasi Daddy...."

LWTS 2: Married to the StarsWhere stories live. Discover now