Blurred Lines

43 0 0
                                    


Dahil napanaginipan ko si Seo Kang Joon kagabi, napakaganda ng gising ko ngayong araw. Hindi ko mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking mga labi.

Hoy Joy! Gumising ka, panaginip lang yon! sumbat na naman ng pakialamerang maliit na boses.

Gwaenchana Ms. Lee? tanong sa akin ni Mrs. Kim habang kumakain kami ng breakfast.

"N-ne! Oh by the way, thank you for the medicine last night, I feel much better,"

"Medicine? ---" clueless na tanong sa akin ni Mrs. Lee.

Bigla namang bumungad ang grupo ni Nam Joo Hyuk. Nagtama ang aming mga mata ng mga 0.00001 second pero bumilis agad ang tibok ng puso ko. Kung hindi kay Mrs. Lee galing yung gamot, isa lang ang ibig sabihin non. Nakonsensya ang mokong.


"Who's ready for some Jetski?" bibong tanong ni Manager Wong, ang manager ni Jweki. Magkaakbay sila ni Mr. Lee na umexit na sa dining room. Sumunod naman si Mrs. Lee na umabrisete sa braso ni Nam Joo Hyuk.


Hindi ko mapaliwanag ang excitement at kaba na makakapagjetski na rin ako sa wakas. Teka, hindi ako marunong magjetski at lalong hindi ako marunong lumangoy. Pinangunahan ako ng takot at nagback out ako sa activity ng mag-asawa. Payapang pinanuod ko nalang silang nag-eenjoy habang nakaupo sa buhangin.


Habang pinagmamasdan ko ang mga koreanong nagjejetski, nahagip ng mga mata ko ang isang masayang Nam Joo Hyuk na nakikipagkarera sa isa sa kanyang staff. Kung hindi dahil sa mga pinagdaanan ko nitong mga nakaraang buwan, tumatalon na siguro ang puso ko dahil abot-kamay ko nalang ang lalakeng matagal ko nang iniidolo. Andaming fans na magkakandarapa para sa ganitong experience. Pero hindi nila alam kung gaanong nakakatrauma ang ma-involve sa mundo ng mga artista.


Hinugot ko ang cellphone ko mula sa bag at para lang magkaroon ng alaala na minsan nagtagpo ang mundo namin, wala sa isip na kinunan ko ng litrato si Nam Joo Hyuk habang nagjejetski. Isang litrato lang iyon ng kanyang likod at blurred pa nga dahil nagalaw siya sa picture.


"Are you one of his fans? Or are you selling that to the press?"

Nagulat ako sa malalim na boses mula sa aking likuran. Paglingon ko, manager iyon ni Jweki. Seryoso ang tingin niya sa akin at sa aking cellphone. Sa takot ko sa titig sa akin ni Manager Wong, pinakita ko sa kanya ang pagdelete ko nung picture at pinakita ko rin sa kanya na malinis ang gallery ko.


"Mianhe" kabadong tugon ko at nag-iwas ng tingin.


"Look, Ms. Lee. We just want to enjoy the remaining time we have here. Back in Korea, we deal with the press regularly. Let him have his break," Paki-usap sa akin ni Manager Wong habang nakatingin kay Jweki sa malayo.


"I wasn't going to post it," I reassured him at tinago ko nalang ulit ang cellphone ko sa bag. Naglakad na papalayo sa akin si Manager Wong nang makitang pabalik na ang kanyang alaga at crew.


Lunch time sa villa nina Mr. Kim, napag-usapan at nagkayayaan magkaraoke sa villa nina Nam Joo Hyuk.


"Would you like to come, Ms. Lee?" tanong sa akin ni Mrs. Kim.

"A- aniyo!" nahihiyang pagtanggi ko sa alok niya. Sa nakikita ko, hindi naman ako kailangan sa party nila dahil puro naman sila koreano. Hindi nila ako kailangan para magtranslate ng mga kakantahin nila sa songbook, diba?

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: May 17, 2020 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

The World was OursDonde viven las historias. Descúbrelo ahora