See You Soon

66 1 2
                                    


Mabuhay!

Napabuntong hininga ako habang nagtatanggal ng seatbelt. Nag-unat ako ng katawan pagkatayo ko. Four hours din ang tinagal ng biyahe.

Pakiramdam ko masmahaba pa doon ang nilakbay ko sa dami ng iniisip ko habang nasa ere pa ang eroplano.

Pinili kong umuwi ng Pilipinas kahit na nanghihinayang pa rin akong mawala si Bangis. Ginamit ko ang rational part ng utak ko na nagsasabing dapat kong layuan ang mga celebrity kagaya niya. Baka ma-"history-repeats-itself" ako kung hindi pa ako natuto kay Sungjae.

Inikot ko ang paningin para hanapin si Daddy sa dami ng taong sumusundo sa arrival area.

"Bruuuuuu!"

Instead si Liza ang nakita ko sa crowd. Siguro busy si Daddy sa negosyo.

"Ano dismayado ka na hindi si Tito ang sumundo sayo?" sabay abrisete niya sa braso ko. Nginitian ko nalang siya. Kahit si Liza napansin ang kawalan ko ng sigla ngunit pinili kong ilihim sa kanya ang huling ingkwentro ko sa Korea. Para ano pa kung sabihin ko sa kanya eh hindi naman na ako babalik doon kahit kailan.

Kahit malayo ako kay Seo Kang Joon, I kept myself updated sa mga pangyayari sa buhay niya sa Korea. That's one disadvantage of the entertainment industry --- your life is open to the public, kahit yung mga wala kang balak idisclose.

A recent article I read about him said that he usually responds to dating questions with a stereotypical "I'm not dating anyone at the moment" answer. However, with a recent interview with Vogue Korea, he was asked again if he was dating anyone.

And he replied, "I wish I could date someone soon." Tapos lahat ng follow-up questions tungkol sa sagot niya ay binara na niya. Pakiramdam ko ay nais niya ipaabot sa akin ang message na iyon. Hindi naman sa assuming ako, it's just that it has only been a month since we last talked at Incheon Airport. Wala namang ibang nalilink sa kanyang babae recently so I just had this gut feeling na ako yung 'someone' na tinutukoy niya.

Habang absorbed na absorbed ako sa article na binabasa ko, biglang nagring ng malakas ang phone ko. Sinilip ko ang name ng caller. Hindi registered ang number. Usually, dinidecline ko ang calls from unknown numbers pero since I've been on a job hunt recently, I thought it might have been an HR personnel of one of the companies I've applied for as Korean Interpreter.

Errrr - Wrong! Pinsan ko pala ang tumatawag.

Si Justin ang pinsan kong nagmigrate from the U.S. para magtayo ng isang resort sa Boracay. So far, sa pagkakaalam ko, successful naman siya sa kanyang business venture. How lucky of him to be stable at an early age. Two years lang ang tanda niya sa akin pero he could handle managing a business and independence samantalang ako, malas na nga sa career, malas pa sa lovelife.

"Cuzo, waddup?" bungad niya sa linya.

"Anong kailangan mo Buyo?" yun ang nickname niya between family.

"Cuz, I was wondering if you still got some Korean heart inside of you? We've been getting a lot of reservations at the resort and they are mostly Koreans who speak baluktot English. I really need a Korean interpreter A.S.A.P." walang paligoy-ligoy na sinabi niya nga ang kailangan niya. hahah He's too straightforward.

"Call!" hindi na ako tumanggi. Biyaya rin iyon. It's not easy to come by. After all, that's all I'm useful for right now. Kahit International School ako nagtapos, wala pa rin akong laban sa mga may Bachelor's Degree. Aigoo nahuli ko na naman ang sarili kong nagseself-pity.

"Great! I'll prepare for your workation trip to Boracay then. See you in a few, Joy! Let's discuss your contract when you get here. It might change from time to time depending on clients' preference kasi. Ok? I'm out," napakabusy talagang tao ni Justin, hindi ata siya huminga hanggang sa huling sinabi niya. Hindi na nga niya ako binigyan ng chance magtanong tungkol sa work at kailan ako magsastart. The sooner, the better sana.

x x x

It's only been a day since I last checked Knews.kor at may bagong announcement na tungkol kay Seo Kang Joon. He has a new project... with ASEAN! he'll be having an Asean Tour to promote tourism among the Asean Countries. That means he's coming to the Philippines.

Walang hesitations na tumawag agad ako sa ticketnet para magpareserve ng ticket para sa event na iyon. It seems destiny is playing matchmaker for us to be together again.

Hindi sa O.A. pero alam kong mabilis masosold out ang tickets nito based sa line-up ng Sokor Stars na magpaparticipate - Lee Jong Suk, Song Joongki, Lee Joon Gi, Lee Min Ho, Park Shin Hye, Miss A, EXO, SNSD, Seo Kang Joon, iKON, Sistar, at F(x).

Kinuha ko yung pinakamahal na ticket which was not as expensive as I thought it would be. Iclaim ko nalang daw yung ticket ko sa mall in three days.

Hindi ko sinabi kay Liza na bumili ako ng ticket for the SoKor Asean Tour dahil ang alam niya ay wala na akong interes sa Korea at ibinuhos ko na yung oras ko sa job hunting.

On the third day, maaga akong pumunta sa mall to claim my ticket. This is it. Magkikita na kami muli ni Bangis. Ito talaga ang paraan ni destiny para paglapitin kami.

I walked to the ticketnet booth and showed them my QR code. Paslow-mo ko pang kinuha yung ticket ko. This is i---Teka! Wait! What?! Omo!

Paanong yung inabot sa aking ticket nung personnel ay ticket para sa fan meeting ni Nam Joo Hyuk?!

"Excuse me, I believe there's been a mistake,"

"Sorry Miss, no return, no exchange, no refund policy po tayo," mataray pang pambabara ni ate.

"But this wasn't the event I signed up and paid for!" kumulo na ang dugo ko sa katarayan niya. Napaka-unapologetic pa ng itsura niya.

"Kung gusto niyo po, bilhin niyo na po dito mismo yung ticket para sa event na gusto niyo. No return, no exchange, no refund policy po talaga tayo Miss," nagtone down ang katarayan niya bigla.

Napilitan tuloy akong bumili ng ticket ulit. Pero sold out na daw yung pinaka-VIP tickets... Yung general admission nalang daw ang for sale. I can't believe this! Although iyon ang pinakamura, hindi ko pa rin iyon masusulit dahil ant-view lang ang makikita ko. Wala ding chance for a meet and greet. Argggh!

"Joy?"

On instinct, nilingon ko ang nakasunod sa akin sa pila sa ticketbooth.

"Bru, anong ginagawa mo dito?" si Liza.

"Ha? Ah-eh... I was trying to get a refund for the ticket I purchased a few days ago pero hindi ko pala pwede irefund," pagdadahilan ko nalang.

"Omo! VIP ticket to NJH fan meeting?! Akala ko hindi ka na interested bru! I was just about to surprise you with it too. Akala ko di mo pa alam," tinitigan ni Liza ang ticket.

"Sayo nalang Bru. I thought I was still interested but nagbago na isip ko. Busy pala ako sa araw na iyan," pasimple kong tinago ang nabili kong ticket para sa Asean.

Same day gaganapin ang dalawang events. If Liza's busy with Nam Joo Hyuk's fan meeting, she won't bother asking about me that day.

Narealize kong ang haba pala ng tour ni Nam Joo Hyuk. One month na siyang on tour. Hindi naman sa interested ako, I just remembered my last day in Korea was the first day of his tour kaya kami nagpang-abot sa airport.

With my train of thoughts, napunta na naman kay Seo Kang Joon ang isip ko. Haaay Bangis, I'll see you soon.

The World was OursWhere stories live. Discover now