Close - Open

61 3 0
                                    


Lumipas ang isa na namang linggo. Hindi ko nakita si Sungjae. Ang sabi ni T'yang, sa Jeju daw ito nagshooting at pagbalik nito ay kailangan nitong humabol sa schoolwork na naiwan niya the past week.


Good news iyon para sa akin. Kung busy ang mokong na yun, hindi talaga kami magkikita o kung magkita man kami, saglit lang.

Kinausap ko na rin si T'yang sa pabor na hiningi ko sa kanya. Magpapasama sana ako sa kanya maghanap ng trabaho. Napakalaki kasi ng Seoul at natatakot akong mawala. Matandain naman kasi ako sa lugar kaya kahit isang beses lang akong sasamahan ni T'yang, kakayanin ko nang bumalik sa ikalawang pagkakataon.


Habang nag-aaral ako sa kwarto, may kumatok sa pinto ko. Napasulyap ako sa orasan, five-thirty (5:30PM). Maaga atang naghanda ng hapunan si T'yang.


Pagbukas ko ng pinto, laking gulat ko nang makita ko si Sungjae. Nasa likod niya si T'ya Minyang.

"Annyeong Min Rin-shi," nakangiti na naman si Sungjae nang napakatamis. Umiwas ako ng tingin sa takot na makita niya sa mata kong kinakabahan ako.

"Joy, I told Sungjae that you were looking for a part-time job," singit ni T'yang. 

P A K T A Y     N A ! ! !

"And he had a great idea! You don't have to look for a job anymore!" Masayang-masaya pa si T'yang sa balita niya habang natotorete na akong mag-isip ng excuse para tanggihan ang tulong ng stepson niya.


"Since I've been away all week, I need to catch up with my schoolwork. My former tutor isn't available to help me this week and Eomma said you were looking for a job, so?" inalok niya talaga ako na maging tutor niya? Ano bang pinalalabas ng hinayupak na to? Akala ko nagkaintindihan na kami na ayaw namin ang isa't-isa?


"Uhhh---," hindi ko alam ang excuse na sasabihin ko para tanggihan ang offer niya.


"Kunin mo na Joy, at least dito ka lang sa bahay. Di ka na mapapagod. Besides, Sungjae is a very diligent student. Kung hindi lang niya pinagsasabay ang work at ang studies niya, malamang nasa top siya ng class," pagpo-promote ni T'yang.


"Kung matalino naman pala tong lalakeng to, hindi na niya kailangan ng tutor!" di ko sinadyang sumagot ng pabalang kay T'yang. Buti nalang hindi siya na-offend.

Hinarap ko si Sungjae at nginitian ko siya ng peke, "Sorry Sungjae. I was planning to get a part-time job that would last me 'til I finish college or at least until the Korean Exams, not just some job to get me through the week." 


"Call!" tugon niya. Napanganga ako sa sinabi niya. Ano nga ba ang ibig niyang sabihin.

"I have been wanting to replace my tutor with someone in my age group, my former tutor is difficult to be around with," paliwanag niya. Hala, wala na akong takas!

Ayoko naman kasi sumama ang loob ni T'yang sa akin matapos niyang ilahad na good news ang pagpili sa akin ni Sungjae bilang tutor. Ayoko rin isipin ni Mr. Yook na napaka-ingrata ko dahil pinipili ko pa ang trabahong papasukan ko imbis na sunggaban ang alok ng anak niya.

"Good! I'll leave you two alone then. I have to prepare our dinner before Yeobo comes home," malapad ang ngiti ni T'yang na para bang nanunukso pa.

Nang mawala na sa paningin namin si T'yang, napatingin ako kay Sungjae. Kanina pa ba siya nakatitig sa akin? Para akong matutunaw sa titig na iyon at nagsimula na ring umakyat ang dugo sa aking mga pisngi. Nag-iwas ako ng tingin at naglakad papasok ng kwarto ko.

The World was OursWhere stories live. Discover now