21: THEY CAME BACK TO HAUNT ME

1.4K 70 13
                                    

RED

Idinilat ko ang aking mga mata. Unang nakita ko ang likod ng ulo ni Macky. Patuloy siyang nagmamaneho ng sinasakyan namin ngayon. Nakapokus siya daan at hindi niya marahil napansin na gising na ako. Pinilit kong gumalaw ngunit sadyang nahihilo ako. Umiikot ang aking paningin at pakiramdam ko ay masusuka ako. Ano kaya ang itinurok niya sa akin? Alam kong hindi iyon normal na pampatulog.

Ang ginawa ko na lang ay igulong ang sarili ko sa sahig ng backseat. Doo’y bumagsak ako sa mga nagkalat na salamin. Naaninag ko ang isang matalim at malaking piraso na puwedeng kong magamit. Humarap ako sa upuan at yumuko. Kinapa ko kung nasaan ang piraso ng salamin na iyon. Nang makuha ko iyon ay agad kong sinubukan na maputol ang tali sa aking kamay.

Lumingon ako para tignan siya. Mabuti na lang at hindi pa ako napapansin sa aking ginagawa. Ilang minuto ay natanggal ko na ang tali sa aking mga kamay. Hindi ko maiwasang mapailing dahil sa hapdi nang pagkakahigpit ng lubid sa aking pulsuhan.

Nang matanggal ko iyon ay sinunod ko ang tali sa aking mga paa. Sinigurado ko na hindi niya ako makikita kaya sumandal ako sa katabing pinto. Hindi kalaunan ay natanggal ko rin ang mga nasa paa ko. Hubad ang aking mga paa kaya hindi ko mapigilang mapa-ungol sa kirot dulot ng pagtapak sa mga bubog.

Ngunit may mas malaki akong problema na kailangang solusyonan. Paano ako makakaalis dito?

Naisipan ko na lang na puwersahang makatakas. Hawak-hawak ang piraso ng salamin ay tumayo ako at inilagay iyon sa leeg ni Macky.

“Ano’ng—”

Nilaslas ko ang kanyang leeg na siyang nagdulot upang sumirit na parang tubig ang kanyang dugo sa window shield. Nailiko ni Macky ang manibela at natumba ako sa kanan palayo sa kanyang katawan. Bumalik ako sa backseat. Patuloy sa pagtakbo ang sasakyan at laking gulat ko nang papunta na ito sa kalapit na pader! Agad kong binuksan ang pinto ng backseat at tumalon.

Unang tumama ang aking kanang balikat sa sementadong sahig. Nakaramdam ako ng matinding sakit at hindi ko mapigilang mapasigaw. Nagsimula akong gumulong at tumigil lamang iyon kasabay ng pagsalpok ng sasakyan sa pader. Isang malakas na pagsabog ang aking narinig. Agad kong tinakpan ang aking ulo nang magsimulang tumalsik ang parte ng sasakyan.

Tinignan ko ang sumabog na sasakyan. Tinutupok na ito ng nagbabagang apoy. Hindi ko alam kung makakaligtas si Macky dahil sa nangyari. Imortal siya. Hindi ko alam kung paano ba nabubuhay muli ang mga imortal. Maaaring makaligtas pa siya. Maaaring hindi na.

Tumayo ako muli. Bahagyang nanghihina ang aking mga tuhod. Muling sumakit ang aking kanang balikat. “Buwisit naman,” bulong ko nang magsimula na akong maglakad palayo sa insidente. Kailangan kong makabalik sa Salvador sa lalong madaling panahon.

Kahit na walang saplot ang aking mga paa ay nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Madilim ang paligid. Walang ilaw ang mga poste. Tanging liwanag lamang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa daanang tinatahak ko. Kailangan kong mahanap ang daanan pabalik sa Salvador. Kailangan kong balikan sina Ayen at ang mga kaibigan ko.

Nakakapagtaka na walang carriers sa paligid. Kahit na nagdulot ng ingay ang nangyaring pagsabog ng kotse ay hindi man lang iyon nakaagaw ng atensyon sa mga kalapit na carriers. Marahil ay hindi nila iyon narinig. Marahil ay wala sila sa paligid. Marahil ay may pinuntahan silang lugar. Hindi ko naman iyon matutukoy. Hindi ko naririnig ang kanilang tinig sa aking isipan. Ibig sabihin ay wala sila sa paligid.

Napadaan ako sa isang café na ang pader ay gawa sa salamin. Napatingin ako sa aking repleksiyon. Puno ng dugo ang aking mukha. Magulo at matigas ang aking buhok. Mapungay na pula ang kulay ng aking mga mata. Nanlilisik sa ilalim ng liwanag ng buwan.

Contagio (Pandemia #2)Where stories live. Discover now