Ika-14 na Kabanata : Veronica's Return...

Start from the beginning
                                    

______________________

{ VINCE's POV }

Alright!

Wala naman syang nagagawa basta sinabi ko.

Madali lang naman yung FS na yun para sa kanya kaya alam kong matatapos nya yun until 7pm.

^_^

I don't know why lately, I'm really enjoying her company.

Ewan ko ba, basta, she really makes me smile..

Hmmm... Maybe, because of her innocence???

Ah! Ewan!

Basta! We will be having our dinner later.

_____________________

Time Check. It's 7pm.

Pinapunta na ako ni Vince sa opisina nya. Sabay na daw kaming lumabas.

Anyways, wala na namang ganung tao kasi nag-uwian na sila.

May naisip ako. Since, lagi naman nya akong ginagawan ng kalokohan....

Ako naman ngayon.

^_^

Binuksan ko ang pinto ng opisina nya.

"Vince.... Honey... Alis na tayo..." malambing na tawag ko sakanya.

Pagpasok ko....

O_O

Sino ang babaeng yon???

 15 minutes ago...

{VINCE's POV}

"Yes. Hello?" sagot ko sa local line ko.

***"Good evening sir. Guard po ito sa lobby. May naghahanap po kasi sa inyo, Veronica Estrella daw po."***

O_O

 Veronica????

 What is she doing here?

"Okay. Let her in."sabay baba ko ng phone.

Ilang sigundo pa lang ang lumilipas bumukas na ang pinto ng opisina ko.

 Si Veronica.

"What is the meaning of this!!!!???" pagalit na bungad nya sakin sabay ng malakas na pagkakalapag ng bag nya sa table ko.

"What???"

"Don't deny it! I know everything! I know all what you're doing!"

"What's your problem Veronica? I don't understand you?"

"You don't understand me!? Dam* it! All I know is, Cool off lang tayo at hindi break! Our relationship is still there! But, ano tong nabalitaan ko?? Huh??? You are now married to someone??"

"Hey babe, let me explain."

"So, totoo nga yun???" sabay titig nya sakin.

Ang mga mata nya galit na galit pero kitang kita ko ang sakit na nararamdaman nya at ang pigpigil nito sa pagpatak ng mga luha nya.

"Baby, magpapaliwanag ako. Hindi mo naiintindihan. Kasi...." bago pa lang akong magpapaliwanag.

"Stop it! You don't have to explain. Tapos na tayo."

"No! Veronica please. Hayaan mo akong magpaliwanag. Hindi lang tayo nagkakaintindihan." sabay hatak ko sa kamay nya para yakapin.

Pilit nyang inaalis ang kamay ko ngunit lalo kong hinihigpitan ang yakap ko sakanya.

"Let me go! Let me go!"pagpupumiglas nya.

 "Veronica, please.... stay.... I need you.... I love you..." lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

Ayokong mawala syang muli sakin, ngayon pang bumalik na sya.

Sa pagkakataong ito, hindi ko na muling hahayaang mangyari ang nangyari samin noon.

Sa mga yakap ko, wala na din syang nagawa.

Napatigil ko sya at napakalma.

 "Veronica. Ikaw lang ang mahal ko at wala ng iba. Mahal na mahal kita."

"Talaga??" kalmadong tanong nya.

"Oo. Ikaw lang." at ginantihan na din nya ako ng yakap.

Bago ko pa lang sya napapahinahon ng biglang bumukas ang pinto at....

 "Vince.... Honey... Alis na tayo..." si Athena.

Napalingon sa kanya si Veronica.

Nagkatingan silang dalawa.

Kumawala si Veronica sa pagkakayap ko.

"Kung ganon sya pala?!" sabay turo at lapit ni Veronica kay Athena."My gad Vince! Pinagpalit mo ba ako sa..... sa.... sa mukhang alalay na toh?? Nasan na ang taste mo sa mga babae Vince?"

Hindi ako nakapagsalita.

Si Athena, gulat na gulat sa nakita nya.

_____________

 { ATHENA's POV }

 Nang makita ako nung babaeng kayakapan ni Vince, nilapitan nya ako.

"Kung ganon sya pala?!" sabay turo nya sakin. "My gad Vince! Pinagpalait mo ba ako sa..... sa.... sa mukhang alalay na toh?? Nasan na ang taste mo sa mga babae Vince?"

Hindi ako nakapagsalita.

Gulat na gulat ako sa mga nangyayari.

Tiningnan ko lang si Vince. Vince, sino ba tong babaeng toh?

 Nilapitang muli ng babae si Vince.

"This is enough Vince. Break na tayo!" sabay talikod nya sa kanya.

Papalapit sya sakin.

Hindi ko alam ang gagawin ko. I can't move. My body is frozen.

Paglapit nya.

>>>> PAAAKKKK!!!! <<<<

O_O

Sinampal nya ako sa kanang pisngi ko.

"Para yan sa pang-aagaw mo sa boyfriend ko! You... you..." habang dinuduro nya ako."You bit*h! Magsama kayong dalawa!" at lumabas na sya ng opisina.

Wala akong nagawa sa ginawa nya kundi mapahawak nalamang sa pisnging sinampal nya.

Si Vince, wala ding nagawa para ipagtanggol ako.

 "Veronica!" sigaw ni Vince sabay habol sa kanya.

Hinawakan ko ang kaliwang kamay nya para pigilan.

"Mahal ko si Veronica, Athena." at inalis nya sa pagkakahawak ang kamay ko.

Tinalikuran nya ako at hinabol si Veronica.

Muli, wala akong nagawa kundi titigan lamang sya habang lumalabas ng opisina.

"Maghihintay ako Vince."

"Maghihintay ako."

"Maghihin..........tay........... ako......."

At bigla nalang pumatak ang aking mga luha sa mga mata ko.

___WPH___WPH___WPH___WPH___WPH___WPH___WPH___WPH___

ukies..That's all for today. Hope you like it!

Comment and vote nalang po.

thanks po ulit sa reads and add nyo.

thanks for my 1000 reads! Achievement ko toh! hehehee

Thanks po. ^_^

WANTED : PERFECT HUSBAND (on-hold)Where stories live. Discover now